Skip to playerSkip to main content
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.          

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Nagtigil pasada ulit ang ilang transport group bilang protesta sa kawalan-umanon ng aksyon ng gobyerno sa krisis sa langis.
00:07Kasama rin sa kanilang panawagan ang taas pasahe. May ulat on the spot si Oscar Oida.
00:12Oscar!
00:17Yes, Rafi, Connie, pinungunahan ng mga grupong piston at manibela ang panibagong kilus protesta
00:26dito sa Mayefilcoa, Quezon City ngayong umaga.
00:30Git na mga transport group ang 10 piso na dagdag pasahe sa mga jeepney.
00:36Mula sa kasalukuyang 13 pesos, gusto nilang gawin ito na 23 pesos.
00:40Ayon sa piston, sa kabila ng mga naging rollback sa presyo ng langis,
00:45patuloy pa rin ang pagkalugi ng mga driver dahil sa mataas na gastusin sa operasyon.
00:51Dagdag pa nila, mas mataas pa rin ang presyo ng diesel kumpara noong 2020.
00:56Kung kailan huling itinakda ang pamasahe.
00:59Samantala, nananawagan naman ang manibela na ibabasa,
01:02humigit kumulang 55 pesos kada litro ang presyo ng diesel.
01:07Nauna nang nag-anunsyo ang mga oil company
01:09ng bawas presyo na umaabot sa 25 pesos kada litro para sa diesel,
01:143 pesos 41 centavos para sa gasolina,
01:19at 2 pesos para sa kerosene.
01:22Ngunit ayon sa mga driver,
01:24hindi pa rin ito sapat upang matapatan
01:26ang patuloy na pagtaas ng kanilang mga gastusin.
01:30Panawagan pa ng grupo,
01:31bukod sa rollback,
01:33dapat daw ay ibasura na ang oil deregulation law,
01:36tanggalin na rin ang 12% VAT at excise tax sa langis.
01:40Raffi, Connie, Oscar, base sa assessment nila,
01:45matagumpay ba yung kanilang tigilpasada?
01:51Well, kayo na nakausap natin yung mga leader ng mga transport groups
01:55at naniniwala sila na naging matagumpay naman
01:59ang kanilang mga ikinasang tigilpasada.
02:02Sa katunayan, ito ang ina-attribute ang dahilan
02:05kung bakit nagkakaroon ng rollback sa presyo ng langis.
02:09Yun nga lang, ay nakukulangan pa rin daw sila.
02:12Raffi?
02:13At Oscar, yung mga commuters naman,
02:15anong reaksyon dito sa kanilang tigilpasada
02:17kung meron kang nakausap?
02:22Well, meron tayong ilang mga nakausap, no?
02:24Aminado naman yung ilan na medyo nahihirapan sila
02:27than the usual.
02:29Bagamat naiintindihan nila yung sentimiento ng ilang mga driver,
02:33eh sana daw ay ma-resolusyonan ito
02:36sa paraan na wala nang kailangang mayirapan.
02:39Gaya ng mga pangkariniwan o inaasahan na nating reaksyon
02:43mula sa mga commuters, Raffi.
02:45At may mga susunod pa bang ganitong pagkilos sa Oscar?
02:51Tama ka dyan, Raffi, no?
02:53Ayon sa grupong Piston,
02:56sa Mayo 1 ay may ikakasa silang mas malawakang kinusprotesta
03:01at this time daw ay sasamaan sila ng iba't iba pang grupo.
03:06Raffi?
03:06Maraming salamat, Oscar Oida.
03:10Sampung pisong permanent fare hike sa traditional jeep
03:13ang isinusulong ng grupong Piston.
03:16Ngayon pong mahal pa rin ang presyo ng mga produktong petrolyo.
03:19Naghain ang Piston ng petisyon sa Land Transportation Franchising
03:23and Regulatory Board para mabawi ang gastos nila sa diesel.
03:27Hindi pa raw kasi sapat ang sunod-sunod na rollback sa mga produktong petrolyo.
03:31Kung aaprubahan, magiging P23 ang minimum fare sa jeep
03:35mula sa kasalukuyang P13.
03:38Sinisika pang kunin ang pahayag ng LTFRB
03:41kaugnay sa petisyon ng Piston.
03:43Nitong Marso, pinasuspindi ni Pangulong Bongbong Marcos
03:47ang fare hike sa mga PUV
03:49dahil magiging pabigatan niya ito sa mga commuter.
03:54Sahalip, nagbibigay ang gobyerno ng ayuda,
03:57fuel subsidy at libreng sakay.
03:59Pero para sa ilang chuper,
04:01hindi sapat ang ayuda dahil sa mahal ng presyo ng langis.
04:07Nabilang sa mga programa ng gobyerno,
04:09ang service contracting program para sa mga public utility vehicle.
04:13Kahapon, kinumusta ng Pangulo ang implementasyon nito.
04:16Binisita niya ang isang terminal at nakipag-usap sa ilang commuter.
04:20Target ng gobyerno na maisama sa programa ang mahigit 40,000 na bus at jeepney drivers at operators.
04:26Sa ngayon, humigit kumulang 20,000 pa lang ang nagpapalista.
04:30Sabi ng LTFRB,
04:32kailangang ipaliwanag ng maigis ang operator ang sistema,
04:35kaya tuloy-tuloy ang pagpapaseminar.
04:38Tiniyak din ang LTFRB na iaabot ang bayad sa loob ng 3 hanggang 5 araw.
04:43800 million pesos ang budget na inilaan para sa dalawang linggong pagpapatupad ng programa.
04:49Pero hiniling ng DOTR ang 5 billion pesos na pondo para umabot ito hanggang Hulyo.
05:00Epektibo na ang mahigit 24 na pisong rollback sa kada litro ng diesel ngayong pong araw.
05:06Ang Shell, Sea Oil at Petron, 24 pesos at 94 centavos ang tapyas presyo sa kada litro ng diesel.
05:15May bawas presyo na 3 pesos at 41 centavos sa kanilang gasolina at 2 pesos sa kada litro ng kerosene.
05:22Ang Phoenix, 24 pesos at 95 centavos ang rollback sa diesel at 3 pesos at 40 centavos sa kada litro
05:31ng gasolina.
05:32Ayon sa Department of Energy, kinokontrol na ng gobyerno ang galaw sa presyo ng petrolyo.
05:38Gamit ang police power ng gobyerno batay sa Executive Order 110 na nagdeklara ng National Energy Emergency,
05:46kailangan sumunod na mga oil company sa itatakdang maximum na dagdag presyo o minimum na bawas presyo ng gobyerno kada
05:55linggo.
05:56Ang mga oil company na hindi susunod, maaring isyuhan ng show cost order.
06:03If you don't comply, the penalty of that would be 3 months to 1 year imprisonment
06:10and a fine ranging from 50,000 pesos to 300,000 pesos.
06:15It's more of a criminal penalty.
06:19Hulikam sa kalookan ng pamamaril sa isang lalaki ng malapitan.
06:23Nasaway ang biktima habang ang suspect hinahanap pa.
06:26Balitang hatid ni EJ Gomez.
06:30Isang lalaki ang nakatampay at nakasandal sa isang poste sa Barangay 8 sa Caloocan City,
06:37pasado alas 7 kagabi, nang lumapit ang isang lalaki sa kanya at malapitan siyang binaril sa ulo.
06:47Bumagsak sa kalsada ang lalaki. Tumakas naman ang gunman.
06:51Yung timeline ma'am naglalaro po kami tapos may biglang pong pumotok tapos nakita na po namin may bumulagta na
06:56lang po.
06:56May tama na siya ng baril sa ulo.
06:58Dumating ang polisya at barangay at naglagay ng barikada sa crime scene.
07:03Nagdatay namin dito yung dugo nagkalat na talaga. Nakaiga na siya dyan.
07:07Nakasuot ng puting sombrero, puting t-shirt at puting shorts ang biktima.
07:13Nakaitim na jacket at itim na sombrero naman ang namaril.
07:16Inaalam pa na mga otoridad ang pagkakakilala ng biktima at motibo sa krimen.
07:22Dayo talaga eh. Hindi namin kilala eh.
07:25Wala talagang lumapit ito ng mga kamag-anak nandito.
07:29Kung sino po nakakalam dito at nakakilala sa nangyari dito,
07:33sana, ano na lang sa akin, lumapit na lang sa amin para makapagbigay din kami ng informasyon sa kanila.
07:39Patuloy rin ang pagtuntun sa salarin.
07:42E.J. Gomez, nagbabalita para sa GMA News.
07:48Ito ang GMA Regional TV News.
07:53Dalawang pasahero ang nasawi matapos mahulog ang sinasakyan nilang bus sa isang bangin sa pagbilaw, Quezon.
08:00Ayon sa mga otoridad, Yahing, Quezon City ang bus mula sa Daet, Camarines, Norte,
08:05nang magkaproblema ang preno nito habang nasa pababa at pakurbang bahagi ng kalsada kagabi.
08:11Hindi na nakontrol ng driver ang manibela at dumiretsyo sa bangin.
08:16Naging pahirapan ang rescue operations dahil sobrang dilim sa lugar.
08:20Bukod po sa mga nasawi, 35 sakay ang sugatan, kabilang ang driver at kunduktor.
08:26Nakipag-ugnayan na po sa mga biktima at pulis siya ang pamunuan ng bus company.
08:31Ayon sa area manager ng bus company, handa silang tulungan ang mga biktima.
08:38Hinold up ang isang gasolinahan sa San Jacinto, Pangasinan.
08:42Batay sa embisigasyon ng pulisya, dumating ang mga suspect at nagpakalga ng gasolina Sabado ng madaling araw.
08:49Nang makuha ang sukli matapos magbayad, doon na nagdeklara ng hold up ang mga suspect.
08:55Isang gasolin attendant ang tinutukan umano ng baril at kinuha ang pera na nasa kaha.
09:023,000 pisong cash ang natangay ng mga magnanakaw bago tumakas.
09:07Isinumbong sa mga otoridad ang insidente at nagkasan ng manhunt operation.
09:12Naaresto ang isa sa mga suspect matapos ang ilang oras.
09:15Wala siyang pahayag.
09:16Hinahana pa ang kanyang kasabuat.
09:19Tumangging magbigay ng pahayag ang pamunuan ng hinold up na gasolinahan.
09:26Huli ka ang mga pagtakas ng kotseng yan matapos magpakarga sa isang gasolinahan sa barangay Commonwealth, Quezon City.
09:32Ayon sa attendant, 1,500 pesos ang pinagas ng driver madaling araw kahapon.
09:38Umaga na nang maisumbong ang insidente sa mga otoridad.
09:42Nakuhan ng pulisya ang plaka ng sasakyan at base sa pawan ng impormasyon, nakarehistro sa isang taga-tagig ang kotse.
09:49Inutugis na ang tumakas na driver na pwedeng maharap sa reklamong estafa.
09:55Arestado sa Maynila ang isang lalaking sinubukan umanong silaban ang kanyang kainuman.
10:01Balitang hatid ni Jomer Apresto.
10:05Kuha ito ng CCTV sa isang gusali sa Malate, Maynila, gabi noong April 18.
10:10Kita ang isang lalaki na nagtangkang pumasok sa isang bahay.
10:13Hinarang at hindi siya pinayagan ng dalawang lalaki hanggang nauwi ito sa pananakit.
10:18Dalawang residente roon ang tumulong sa lalaking ginulpi.
10:21Maya-maya, tumayo at umalis na ang lalaki.
10:24Ayon sa barangay, ang lalaking nagulpi sospek rao sa tangkang pagpatay sa isang tenant na bahay kung saan niya tinangkang
10:31pumasok.
10:32Ang pumigil sa lalaking makapasok, landlord umano ng bahay at kanyang anak.
10:37Kinabukasan, nagpunta rao sa pulis ang lalaking binugbog.
10:40Na ang kwento niya is binugbog siya doon sa lugar ng barangay 73.
10:45Hindi naman siya magre-reklama. Ang gusto niya lang makuha yung documents and cellphone niya.
10:51Sa investigasyon ng pulis, ilang oras bagong tangkang pagpasok,
10:55naikipag-inuman pa ang lalaking nabugbog sa isang tenant sa rooftop ng bahay.
11:00Nagkaalitan daw ang dalawa tinangkaumanon niyang sunugin ang kainuman.
11:04Is nag-inuman sila, then ang nangyari, mayroon silang parang komosyon, tapos bigla siyang sinilaban.
11:11Dito sa rooftop, nag-inuman ang biktima at at sospek.
11:14Dito sa mismong duyan, nakahiga noon ang biktima,
11:17nang bigla siyang binuhus na alkohol ng sospek at saka sinilaban bago tumakas.
11:22Mabutit may banyo sa rooftop, kaya agad na nakapagbuhos ng tubig ang tenant na sinilaban umano,
11:27saka nagsumbong sa kanyang landlord.
11:29Nakuhanan pa sa CCTV ang paglabas sa iskinita ng biktima bago dinala sa pagamutan.
11:35Nagtamu siya ng lapno sa iba't ibang bahagi ng katawan at patuloy na nagpapagaling sa ospital.
11:39Iniinda naman ang landlord ang pamamaga ng panga at pananakit ng katawan
11:42mula sa dalawang lalaking nakialam umano at tumulong sa lalaking ayaw nilang papasukin.
11:47Desidido raw siyang sampahan sila ng reklamo.
12:00Sinusubukan pa namin sila kuhanan ng panig,
12:02pati ang sospek sa panununog,
12:04na ngayon nasa Kosodina ng Manila Police District.
12:06Naharap siya sa reklamong frustrated murder.
12:09Jomer Apresto, nagbabalita para sa GMA News.
12:14Muli nagparamdam sa bansa ang mainit na easterlies o hangin galing Pacific Ocean.
12:19Sabi na pag-asa, may dala itong mainit na temperatura na pwede rin magdala ng ulan sa ilang lugar.
12:25Apektado niya ng Southern Luzon kasama na ang Metro Manila, Visayas at Mindanao ayon sa pag-asa.
12:31Ang nalalabing bahagi ng Luzon, posibleng makaranas ng local thunderstorms.
12:35Gayunman, posibleng pumalo sa danger level na 43 degrees Celsius ang heat index sa Cavite City.
12:41Extreme caution level naman na 41 degrees Celsius ang maaring maitala sa Dagupan, Pangasinan,
12:47San Jose Occidental Mindoro, Iloilo City at sa Taclo, Banleite.
12:5240 degrees Celsius sa Apari at Tugigaraw sa Cagayan at sa walupang lugar sa bansa.
12:58Dito sa Metro Manila, posibleng umabot sa 39 degrees Celsius ang heat index particular sa Pasay.
13:12Sweet moments man by the beach.
13:14O kaya ipandance challenge kasamang anak nilang si Katie.
13:21Pinupusuan ng netizens ang closeness ngayon ni na Katrina Halili at dating ang partner na si Chris Lawrence.
13:30Curious ang netizens, patutoo ba ito sa kasabihang love is lovelier the second time around?
13:38Nang tanongin kung nanumbalik ba ang feelings ng dalawa?
13:42Sagot ni Katrina, what you see is what you get.
13:46Siyempre, tatanong ko sa iyo yung mga tanong ng netizens ha.
13:48Sure.
13:49Nagkabalikan ba?
13:50Sa balikan po.
13:55Wala, secret lang. Secret.
13:58Secret ba?
13:58Oo, wala tayong sasagutin. Bawal daw. Bawal daw po sumagot.
14:03Ang mahalaga raw ngayon para kay Katrina, mas nabuo ang relasyon ni Chris sa kanilang anak na matagal na raw
14:10niyang hinihintay at ipinagdarasal.
14:12Sabi ako na nakikita ko na nagiging tatay talaga siya. Nararamdaman ko talaga yung pagiging present niya as tatay.
14:19Speaking of parenthood, relate much daw si Katrina sa kanyang karakter sa upcoming drama series na Kamao.
14:26Gaganap siya bilang ina ng karakter ng bidang si Anton Vinson.
14:30Binubuhos ko talaga dito yung pagiging nanay ko as in parang si Anton ay ginawa ko siya si Katie.
14:36Maraming makaka-relate dahil syempre marami pong nanay.
14:40Or kahit hindi ka nanay, basta gagawin mo lahat para sa pamilya mo.
14:43Nelson Canlas, nagbabalita para sa GMA News.
14:47.
Comments

Recommended