- 2 days ago
- #gmanews
- #serbisyongtotoo
- #breakingnews
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.
#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app. Download now on Google Play and App Store. Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AgI_UbY4C1GhwFZ5CQL3N5c
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanew
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app. Download now on Google Play and App Store. Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AgI_UbY4C1GhwFZ5CQL3N5c
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanew
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:00Patay ang isang polis matapos magulungan ng 10-wheeler sa C3 Road sa Kaloocan kanina pong madaling araw.
00:08Ang biktima, pauwi na raw sana galing sa 24 oras na duty sa State of the Nation Address ng Pangulo.
00:14Balita ng atin ni James Agustin.
00:20Nakuna sa CCTV ang pagdaan ng 10-wheeler sa C3 Road, Kaloocan pasado alas-dos na madaling araw kanina.
00:26Ang sumunod na nakita, isang motorcycle rider na nakatumba sa kalsada.
00:31Nagulungan pala ng truck ang rider.
00:33Isinugod ang rider sa ospital pero diniklarang dead on arrival.
00:36Ayon sa isang saksi sa Fifth Avenue pa lang ay nakasabay na niya ang rider.
00:40Napansin ko na gumigiwanggi, ano na siya, nagpaling-paling na.
00:44Ang saunahan namin may trailer.
00:47Pagdating doon sa trailer, gusto niyang umu-vertake.
00:51Pagpaling niyang ganun, pumalo siya doon sa driver's side.
00:55Pagpalo niya sa driver's side, kumaskas na siya doon, pagkaskas.
00:59Doon na siya na tumba sa may gitna.
01:02At doon na siya kinain ng galawang gulong.
01:04Kinumpirma ng mga kaanak na isang polis, ang 33-anyos na nasa wing rider.
01:09Pauwi na raw ang polis sa kanyang bahay sa Kaloocan mula sa kanyang duty sa Sona na mangyari ng aksidente.
01:15Galing po siya sa Sona kasi naka-duty siya 24 hours po.
01:19So, siguro yung paggiwang-giwang na yun, sa sobrang antok niya na,
01:24eh, ikaw ba naman mag-duty ng ganun oras tas nakamotor ka, diba?
01:27Halos magpo-four years lang siyang naging polis eh.
01:32Siyempre, napakasakit naman po.
01:34Nasa kusodian ng Kaloocan pulisan, 37-anyos sa truck driver.
01:38Galing daw siyang pampanggat magde-deliver sana ng mga kargang halo blocks sa Malabon.
01:42Nagulat na lang po ako nung biglang bumangga sa truck.
01:46Eh, pagtingin ko eh, naka-andu siya na yung tao.
01:50Ngahingin po ako lang, kasi sasakal na.
01:53Siyempre, hindi naman po namin kagustuhan yung ganun.
01:55Marapan truck driver sa reklamang reckless imprudence result in homicide and damage to property.
02:01James Agustin, nagbabalita para sa GMA News.
02:05Isa ang nasawi sa kasagsagan ng masamang panahon sa barangay Tulandang o Talandang, Davao City.
02:11Ayon sa Office of Civil Defense Davao Region,
02:13tinangay ng rumaragas ang tubig sa creek sa Purokpisa, ang lalaking 54 na taong gulang.
02:19Maygit tatlong dang pamilya ang apektado ng baha sa anim na barangay sa lungsod.
02:24Napinsala ang maraming bahay at mga pananim dahil sa matinding baha.
02:28Nabalot din ang putik ang maraming kalsada at naapektuhan ang supply ng tubig.
02:33Sa barangay Budas, tranded ang maraming motorista kasunod ng pagguho ng bahagi ng Davao Bukidnon Road.
02:40Ayon sa Department of Public Works and Highways, isang lane na lang ang maaaring madaanan.
02:46Sa Kolombio, Sultan Kudarat naman, nagpatupad ng forced evacuation sa barangay poblasyon dahil sa baha.
02:52Ayon sa Municipal Disaster Risk Reduction Management Office,
02:56sampung residente na natrap sa kanilang bahay ang nirescue ng mga otoridad.
03:00Nananatili sa evacuation center ang mga apektadong residente.
03:04Ayon sa pag-asa, dulot ng localized thunderstorms ang pagulan sa Mindanao.
03:09Mga kapuso, asahan pa rin po ang mga pagulan ngayong araw.
03:13Yan ay kahit mahina ang pag-iral ng habagat ayon sa pag-asa.
03:17Apektado pa rin po ng habagat ang western section ng Luzon kasama ang Metro Manila.
03:22May itinaas na thunderstorm watch dito sa Metro Manila, Bulacan, Rizal, Laguna at Cavite.
03:28Pusible ang mga biglaang ulan na may pagkulog at pagkidlat sa mga nasabing lugar na hanggang mamayang alas 10 po
03:34ng gabi.
03:35Mas makakaasa naman sa maaraw at maayos sa panahon ang Visayas, Mindanao at mga natitirang bahagi ng Luzon,
03:42pero posible pa rin po eh ang mga local thunderstorm o biglaang pagulan.
03:47Base naman po sa rainfall forecast ng Metro Weather,
03:50posible ang light to moderate rains ngayong umaga sa ilang bahagi ng southern Luzon, Visayas at Mindanao.
03:57Magiging malawakan ang ulan pagsapit naman ng hapon at ng gabi.
04:01Maging alerto po sa heavy to intense rains na maaari magdulot ng baha o landslide.
04:12Abiso sa mga motorista, efektibo na ngayong araw ang big time na taas presyo sa ilang produktong petrolyo.
04:18Base sa anunsyo ng ilang kumpanya ng langis, 7 pesos and 30 centavos ang dagdag sa kada litro ng diesel.
04:256 pesos and 80 centavos naman ang taas presyo sa kada litro ng gasolina.
04:29Habang 4 pesos and 20 centavos naman ang dagdag sa kada litro ng kerosene.
04:36Ikalimang magkakasunod na linggo na iyang taas presyo sa mga produktong petrolyo.
04:39Ayon sa Department of Energy, efekto yan ang nagpapatuloy na gulo sa Middle East.
04:46Nianig ng magnitude 5.1 na lindol ang Davao Oriental.
04:51Natuntun po ng Feebox ang epicenter, 15 km timog silangan ng bayan ng Baganga.
04:58Pasado alas 7 ngayong umaga.
05:00Naramdaman ang intensity 3 na pagyanig sa Taragona, Davao Oriental.
05:05Nabunturan, Davao de Oro, Digos, Davao del Sur, Bislig, Surigao del Sur at sa Talacogon, Agusan del Sur.
05:14Intensity 2 naman sa mga bayan ng Mako, Compostela, Monte Vista at Mawab sa Davao de Oro.
05:22Habang intensity 1 sa Tandag, Surigao del Sur.
05:25Tina-alerto pa rin po ng Feebox ang mga residente sa mga posibleng aftershocks.
05:37Nabangga ng dump truck ang puting van na yan sa intersection papuntang Bacolod, Silay Airport sa Silay Negros Occidental.
05:43Sa lakas ng pagbangga, muntik nang tumagilid ang van.
05:47Sugata ng pitong magkakaanak na pasahero ng sasakyan.
05:50Ayon sa pulisya, posibleng nawala ng preno ang truck.
05:53Paliwanag naman ng truck driver sa mga otoridad, nag-blackout siya habang nagmamaneho.
05:59Hindi nagbigay ng pahayag ang nangangasiwa sa dump truck.
06:02Pinalaya muna ang truck driver habang hinihintay maisampah ang reklamang reckless imprudence resulting in physical injury and damage to property.
06:19Kabilang sa mga ibinida ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang ikalimang zona,
06:23ang naging tuguan ng gobyerno sa krisis sa langis dahil sa gulo sa Middle East.
06:27Pinalakay rin po ang flood control scandal at West Philippine Sea,
06:31pati ang ilang usaping malapit sa ordinaryong Pilipino,
06:35gaya po ng buwis, kuryente, transportasyon at kalusugan.
06:40Balitang hatid ni Ivan Mayrina.
06:44Sa isang oras at 26 na minutong talumpati,
06:48ilang beses pinalakpakan si Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang ikalimang State of the Nation address.
06:54Mula sa magpapanagot sa kanyang sariling pinsan dahil sa flood control scandal na sentro ng kanyang zona noong nakarantaon.
07:01At dumating na tayo sa punto na ayon sa ombudsman,
07:05ay malapit na ang paghain ng patong-patong na kaso labang sa dating speaker.
07:11Hindi ako pangulo ng aking pamilya.
07:13Hindi ako pangulo ng aking kaibigan.
07:22Ako ay pangulo ng Pilipinas at ang tungkulin ko ay sa inyo, ang aking mga kapwa Pilipino.
07:32Hanggang sa matapang na pagtindig sa ating karapatan sa West Philippine Sea.
07:36We are not greedy, we are not racist, we are not liars.
07:41Pinalakpakan din ang mga usaping malapit sa sigmura ng ordinaryong mamamayan,
07:45gaya ng pagpapalawak ng tax exemption.
07:47Hindi natin kaliligtaan ang ating mga manggagawang Pilipino,
07:52lalo na ang mga middle class, pati na ang mga maliliit na negosyo.
07:57Ang naisang pangulo.
07:59Isama sa exemption ang kumikita na hindi lalagpas sa P350,000 kada taon.
08:04Sa ngayon, exempted ang mga kumikita na hindi lalagpas sa P250,000.
08:09Kaya bilang natatangin proteksyon sa kanila at para mas mapakinabangan nila
08:15ang pinaghirapan nilang kita, nananawagan ako sa Kongreso
08:20upang maipasa ang batas na magbibigay ng bahagyang ginawa para sa ating bayaring buwis.
08:27Dagdagan natin ang mga manggagawang malilibre sa buwis sa kanilang kita.
08:32Isasama na natin ang mga kumikita ng hindi lalagpas sa P350,000 kada taon.
08:45Kasabay nito ang karampatang pagbaba ng income tops na iba parang manggagawa.
08:53Pangalawa, ang mga maliliit na negosyo ay hindi napapatawan ng minimum corporate income tops.
09:00Ipinanukala niya ang pagbibigay ng amnesty sa buwis.
09:04Pangatlo, para mapanatag ang loob ng taong bayan,
09:09ang pagbigay ng amnesty para sa mga hindi nabayarang buwis
09:13tulad ng income tax, estate at donor's tax at value-added tax.
09:24Kasama na rin diyan ang mga multa na kaakibat ng mga ito.
09:29Nanawagan din ang Pangulo sa Kongreso na amyandahan ang Electric Power Industry Reform Act o IPRA
09:34para matanggal na ang system loss charges.
09:38Ito ang binabayaran ng mga consumer para sa mga ninanakaw na kuryente
09:41at nawawalang kuryente hamang dumadaloy sa kable.
09:45Hindi naman kasalanan ng consumer kung bakit nagkaroon ng systems loss.
09:53Kaya hindi naman tama na kailangan sila pa ang pagbabayarin dito.
09:58Therefore, we, the people, request, no, we demand for the immediate amendment of the IPRA
10:12and to prohibit charging systems loss against consumers including the value-added tax thereon.
10:19Hinibok din ang Pangulo ang mga mababata sa IPASA ang sariling kuryente act
10:24para mas maging abot kaya mga rooftop solar panels at battery storage systems.
10:29Nangako ang Pangulo na sa nalalabing dalawang taon ng kanyang administrasyon
10:33ay tatapusin ang mga nasimulan at tutuparin ang mga pangako.
10:38Kabilang na riyan ang mga proyektong pang-imprastruktura.
10:41Sa susunod na taon, ang mga tren ng North-South Commuter Railway
10:46ay tatakbo na sa pagitan ng Valenzuela at Malolos.
10:50Sisikapin ang DOTR.
10:54Sisikapin ang DOTR na sa pagtapos ng administrasyon ito,
10:58tapos na rin ang railway hanggang sa Clark.
11:02Sa susunod na taon, bubuksan na rin ang labindalawang stasyon ng MRT7.
11:08Pati ang mas pinalawak na benepisyong pakalusugan.
11:10Para mapaganda pa ang suporta natin sa mga batang may developmental disabilities,
11:16dodoblehin natin ang PhilHealth Package para sa pagpapatingin sa therapy.
11:24Mas madali na rin daw ang pag-access sa tulong medikal
11:27sa paumagitan ng EMIFE program
11:30para mapabilis ang pagkuhan ng servisyo medikal para sa mga Pilipino.
11:34Ibinida rin ang Pangulo na naging maagap sila sa pagtugon
11:37na magkakrisis dahil sa gulo sa Middle East.
11:40Libuang buwan mula sumiklab ang digmaan,
11:43ramdam pa rin natin ang bigat ng mga epekto nito sa ating bansa.
11:47Hanggang kailangan, asahan ninyo,
11:50na hindi titigil ang pagsuporta ng pamahalaan.
11:53Naglaan tayo ng mahigit 60 bilyong piso
11:57para dito hanggang sa katapusan ng taon.
12:00Ilang beses ding sinabi ng Pangulo,
12:02ang mga pondong na iiwas sa mga tiwali
12:05ay ibinuhos ng pamahalaan sa mga proyektong pakikinabangan.
12:10Ang pondo na naisalba natin na balak ibulsa ng mga tiwaling opisyal
12:14ay sa taong bayan natin ibinubuhos.
12:20Ngayon, ipipihit natin ang mga programa
12:22sa mas nangangailangan nating kapwa-Pilipino
12:25para naman mas malawak at mas marami
12:28ang maaabot ng tulong.
12:30Ivan Mayre na nagbabalita para sa GMA News.
12:35Iginagalang daw ni dating House Speaker at late
12:38First Representative Martin Romualdez
12:41ang napipintong paghahain ng mga kaso laban sa kanya
12:44ng Ombudsman na binanggit sa Sona ng Pangulo kahapon.
12:49Dumating na tayo sa punto na ayon sa Ombudsman
12:53ay malapit na ang paghahain ng patong-patong na kaso laban
12:58sa dating Speaker.
13:00Masakit man sa akin ito,
13:02ngunit kailangan natin gawin ang tama.
13:06Hindi ako Pangulo ng aking pamilya.
13:10Hindi ako Pangulo ng aking kaibigan.
13:18Ako ay Pangulo ng Pilipinas
13:22at ang tungkulin ko ay sa inyo
13:25ang aking mga kapwa-Pilipino.
13:29Hindi dumalo si Romualdez sa Sona ng kanyang pinsang Pangulo.
13:32Sa isang pahayag, sinabi ni Romualdez na hindi siya kailanman
13:35humingi ng pabor o espesyal na pagtrato.
13:39Naniniwala raw siya na dapat sumunod sa proseso
13:41at hayaan ang ebidensya na magpatunay kung ano ang totoo.
13:45Handa rin daw si Romualdez sa patunayang wala siyang nalabag na batas.
13:50Kailanman,
13:51kamakailan po ay inirekomenda ng Special Panel of Investigators
13:54ng ombudsman na kasuhan si Romualdez
13:57kaugnay sa mga kwestyonabling flood control project ng gobyerno.
14:00Dati nang itinanggim ni Romualdez na sangkot siya sa flood control scandal.
14:08Kaugnay sa panawagan ni Pangulong Bongbong Marcos
14:10na amyandahan ang Electric Power Industry Reform Act o IPIRA
14:13para matanggalan niyang system loss charges,
14:16makakakaparem natin si Energy Regulatory Commission Chairperson
14:19Atty. Francis Atty. Nino Juan.
14:21Magandang umaga at welcome po sa Balitang Hali.
14:24Magandang umaga, Rafi. At sa lahat ng mga kikinig.
14:27Ano pong posisyon ng ERC sa panawagan ng Pangulo sa kanyang Sona
14:30na alisin na yung system loss charges?
14:33Bukas ang komisyon at sumusuporta ito dito.
14:37Ang kakailangan nila nga lang ay yung pag-amienda ng IPIRA.
14:41Specifically, yung Section 43F.
14:44Dahil dito nakabata yung umiiral nating regulasyon
14:48patungkol sa pangungulekta ng system loss charges.
14:51Very briefly po, pakipaliwanag nga po.
14:54Ano ba itong system loss charges at bakit ito sinisingil sa mga consumer?
14:58Sa kasalukuyan kasi, ito ay inaalaw ng batas.
15:03Ito ay igastusin doon sa kuryenting isinusupply sa atin.
15:06Halimbawa na lang, sa isang kaban ng palay,
15:12kung ikaw ay magsusupply ng isang kaban ng pakalay ng 50 kilos
15:17at ito ay nabili mo ng sa halagang 50 kada isang kilo,
15:22ito ay 2,500.
15:24Pero kung itong palay na ito ay natuyo
15:26at ang naibenta mo lamang ay 40 kilos na lang,
15:30syempre kung ibebenta mo pa rin ito ng 50,
15:34sa halagang 50 kada kilo,
15:35bawas na ang iyong mare-recover.
15:38So kakailanganin talaga na may karagdagan,
15:41i-go-gross up mo siya,
15:42at nang sa ganun ay marecover mo pa rin yung halagang 2,500.
15:46So yan ang analogy natin pagdating sa system loss.
15:49Yung mga utilities kasi,
15:52yung dami o yung quantity ng kuryenting na yan
15:56na dumating sa kanila,
15:57kapag ito ay isusupply na sa kanyang mga customer,
16:01bawas na dahil nga may mga technical at non-technical na losses
16:04na siyang nagpapababa doon sa kantidad o yung quantity
16:08na naibibenta niya actually sa kanyang mga customers.
16:11Tama po ba na ginawa ito para maingganyo
16:14yung mga negosyating mag-invest?
16:16Sa energy sector?
16:18Ito naman ay para lang mabawi.
16:20Mayroong mekanismo na kung saan nababawi
16:24itong costs associated with these system losses.
16:28Dahil nga ito ay pupwedeng may kapabayaan din
16:32ang mga utilities,
16:33kaya't mayroon siyang cap na pinatutupad namin.
16:36Pero meron talagang porsento ng mga system losses
16:41na talagang kahit ano pa ang gawin ng mga utilities natin
16:44ay hindi talaga nila ito may iwasan.
16:47Dahil talagang nangangawala yung kuryente
16:49kapag ito'y dumaloy sa alinya niya.
16:52At sakaling may sa batas po itong pag-amienda sa Epiralo,
16:55o gaano po kaya ito kabilis matanggal
16:58itong sinisingil sa mga consumers?
17:01Immediate naman po pwede natin na talagang ipahinto
17:04na ang pangungulekta ng system loss charge.
17:06Of course, umaasa tayo na doon sa konsultasyon
17:10kapag ka ito ay tatalakay na,
17:13ay mapag-usapan din kung ano ang gagawin
17:15dito sa gastos na ito.
17:17Kung paano na ito mababawi
17:19ng kung sino man ang nag-inker nito.
17:21At sa ganon ay hindi naman din malagay sa alangan
17:25yung ating mga utilities
17:26at yung kanilang viability long term.
17:29Ayun nga po, ano po magiging implikasyon kaya nito
17:32dito sa atin ng mga operations and sustainability
17:35ng distribution facilities?
17:38Kung sila ang mag-aabsorb
17:41nung gastusin na ito,
17:43una, kakailanganin talaga na mapababaan nila
17:46ang kanilang aktual na system loss
17:48to the barest minimum.
17:49Nang sa ganon ay hindi naman napakalaking gastusin nito
17:53na sila ang mag-aabsorb
17:55dahil hindi na nila maaaring ipasa ito
17:57sa kanilang consumers.
17:59Yung pagpapasa naman po ng sariling Kuryente Act
18:01para mas maging abot kaya
18:03ang mga rooftop solar panels
18:04at battery storage systems,
18:06gaano po ito ka-feasible
18:07at kabilis magagawa?
18:09Oo.
18:10Ang komisyon naman ay nahanda
18:12na gawin kung ano ang
18:16tutukuyin na dapat niyang gawin
18:18pagdating sa pagpasaan
18:19ng mga batas na ito.
18:21But I understand,
18:22ang mga batas na ito
18:24ay tumudukoy doon sa pagpapababa pa
18:26at pagpapabilis
18:27na ang pag-i-install
18:29ng mga sariling generation
18:31na facilities
18:33tulad ng solar
18:34at kung mayroon mang magagawa pa
18:36ang komisyon
18:37sa lalong pagpapa-streamline
18:39ng proseso
18:40ng pagkuhan ng permit
18:41sa aming tanggapan
18:43ay gagawin namin.
18:44Pero yung mga
18:45solar rooftop naman talaga
18:47na purely for household,
18:49ito naman ay
18:50exempted na rin talaga
18:51sa pagkuhan ng certificate of compliance
18:54mula sa komisyon.
18:55So hindi na po kailangan
18:56ng mga permits
18:57kahit sino po
18:58pwede po mag-install
18:59ng kanilang sariling
19:00rooftop panel?
19:02Oo, para sa amin,
19:04ang mga self-generation
19:05facilities na ito
19:07for household,
19:08for hospital,
19:08for clinics,
19:09nasasaklaw na siya
19:10nung exemption
19:12na nasa
19:13EPERA IRR
19:14na hindi na sila
19:16kailangan pang kumuha
19:17ng certificate of compliance
19:19sa amin.
19:19Pero of course,
19:20kung sila naman ay papasok
19:21sa mga arrangement
19:23tulad ng net metering,
19:24mayroon naman tayong
19:25mga streamlined
19:27procedures
19:28nang sa ganun
19:29ay papabilis din
19:30ang pagkuhan nila
19:31ng lisensya
19:32mula sa amin.
19:33Nabagitig po ng Pangulo
19:34yung paggamit
19:35ng nuclear power plant.
19:36Napapanahon ba ito
19:37at gano'n po kahanda rito
19:38ang Pilipinas?
19:41Nagkaroon na naman tayo
19:42ng batas tungkol dito
19:43at ang komisyon
19:44ay nakikiparticipate
19:47doon sa mga
19:48pag-aaral
19:49na ginagawa
19:50kung ano
19:50ang magiging
19:51role
19:52ng aming tanggapan
19:53tungkol sa
19:54pagtatakda ng singil
19:55at sa
19:57pagpasok
19:57ng nuclear energy
19:59dito sa ating
20:00generation mix.
20:01Pakipaliwanag nga po,
20:02mas nagbago na
20:03yung teknolohiya
20:04pagdating sa nuclear energy.
20:05Mas safe na ho ba
20:06ito ngayon?
20:06Paano natin
20:07ipapaliwanag
20:08sa taong bayan
20:08kung ipupursungan natin
20:10yung paggamit
20:10ng nuclear energy?
20:14Pagdating naman
20:14sa safety
20:15and other concerns,
20:16ito naman
20:17ay nasasaklaw
20:19ng batas
20:20at mayroon
20:21mga pamantayan.
20:22Of course,
20:22ito ay
20:23nasa ibang ahensya
20:24ang pangalaga
20:26tungkol sa
20:26mga ganitong
20:27usapin.
20:28Ang sa amin
20:29ay pagdating
20:30sa usapin
20:30kung magkano
20:32ang dapat
20:33na ipasisingil
20:34sa kanila
20:34kung sila
20:35ay makapagtatayunan
20:37ng mga planta
20:37at makapagsususupply
20:40sa ating grid.
20:41Okay.
20:42Maraming salamat po
20:43sa oras
20:43na ibinahagi nyo
20:44sa balitanghali.
20:45Maraming salamat din,
20:46Ayan po si Energy Regulatory Commission Chair Presonator ni Francis Saturnino Juan.
21:20At isa raw yan sa mga motivation niya para ipagpatuloy ang pag-aartista.
21:29Chika niya sa akin dahil 29 na siya this Friday, expect a different Barbie daw sa kanyang upcoming projects.
21:36Kabilang ang Honor Thy Mother series na pagbibidahan nila ni megastar Sharon Conetta.
21:41At ang pelikulang Saving Cherry kung saan may sexy version daw ni Barbie na mapapanood.
22:111
22:111
22:116
22:116
22:116