Skip to playerSkip to main content
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.          

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Wala pang bagyo sa loob ng ating bansa, pero binaha ang ilang lugar.
00:05Dulot po yan ang panandaliang malakas na ulan o thunderstorm.
00:08Sa Quezon City, bumaha sa northbound lane ng EDSA na sakupo ng Balangay Apoloneo-Samson
00:14kasunod ng ilang minutong malakas na ulan pasado alas 3 kaninang madaling araw.
00:19Bumaha rin sa EDSA Balintawa kaya nagmenor at gumilid ang mga sasakyan.
00:24Ang ilang kabataan tila hindi alintana ang peligro na dulot ng pagligo sa baha.
00:30Humupa ang baha matapos ang isang oras.
00:33Napasilong naman ang ilang motorcycle riders sa ibang nga bahagi ng EDSA.
00:37Pabugso-bugso rin ang ulan sa Rojas Boulevard sa Pasay.
00:41Wala namang naranasang pagbaha sa Taft Avenue, Corner UN Avenue, hanggang sa kanto ng Quirino Avenue sa Maynila.
00:47Wala rin baha sa kahabaan ng Espanya Boulevard.
00:53Binaha naman ang ilang bahagi ng barangay Ladingan sa Piquet, Cotabato.
00:57Umapaw kasi ang ilang ilog dahil sa malakas na ulan.
01:01Inuulan ang Cotabato at ilang pang panig ng Mindanao dahil sa trough o extension ng papalapit na bagyo.
01:10Sa mga susunod na oras, posibli pa rin ang mga pagulan.
01:13Nakataas po ngayon ang thunderstorm watch sa Metro Manila, Bulacan, Rizal, Laguna at Cavite.
01:20Pinaalerto ang mga residente sa biglaang ulan na may kasamang kulog at kidlat hanggang mamayang alas G's ng gabi.
01:27Sabi po ng pag-asa, mamayang gabi o madaling araw bukas, posibling pumasok sa Philippine Area of Responsibility ang bagyong
01:34tatawaging Doming.
01:36Isa na po itong tropical storm.
01:38Namataan niya ng pag-asa, 1,135 kilometers silangan ng Eastern Visayas.
01:43Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot sa 65 kilometers per hour.
01:48Base sa pinakahuling datos ng ahensya, lalakas pa ang bagyo bilang typhoon.
01:52Pero liliisito at posibli nitong hatakin ang southwesterly windflow o mahinang habagan.
01:58Dahil diyan, asahan ng malawak ang ulan at posibling deklarasyon ng tag-ulan.
02:03Sa ngayon, nagpapaulan na ang trough o extension ng bagyo sa ilang bahagi ng Mindanao.
02:08Southwesterly windflow naman ang nakaapekto sa Western Visayas, Negros Island Region,
02:13Sambuanga Peninsula, Soxargen, Barm, Lano del Norte, Misamis Occidental at Palawan.
02:21Sa kabila ng ulan, posibli pa rin pumalo sa danger level na 47 degrees Celsius ang heat index sa Cavite
02:28City.
02:2946 degrees Celsius sa Tugigaraw, Cagayan at San Ildifonso, Bulacan.
02:3345 degrees Celsius naman sa Lawag, Elocos Norte, Dagupan, Pangasinan, Aparicagayan, Kasiguran Aurora, Kamiling Tarlac, Tanawan, Batangas at sa Borongan,
02:44Eastern Samar.
02:4644 degrees Celsius naman ang posibling heat index sa Pasay City at sa labing dalawang iba pang lugar sa bansa.
02:5343 degrees Celsius naman sa Batak, Elocos Norte at sa labing siyam na iba pang lugar.
02:5942 degrees Celsius ang posibling heat index dito sa Quezon City at Siyam na iba pang lugar sa bansa.
03:06Extreme Caution Level na 41 degrees Celsius ang posibling heat index sa Basco Batanes at sa 7 iba pang lugar.
03:13Habang 40 degrees Celsius naman sa Indang Cavite, Puerto Princesa at Aborlan sa Palawan, Sambuanga City at sa Davao City.
03:24Lima ang huling bilang ng mga kumpirmadong nasawi sa paghuho ng ginagawang gusali sa Angeles, Pampanga.
03:32Natunto ang kaninang umaga ang kinaroroonan ng nasawi sa tulong ng K-9 Unit.
03:38Balitang hatid di Bea Pinlak.
03:44Iniikot ng K-9 Unit ang gumuhong gusali sa barangay Balibago, Angeles, Pampanga, Pasadola sa Iskagabi.
03:51Maya-maya, tumigil ito sa isang bahagi ng guho.
03:56At tumahol.
03:58Hudyat na posibling may katawan na natabunan ng malalaking tipak ng debris.
04:03Naka-detect po yung canine dog na isang human body.
04:12Hindi siya ganun kadali kasi napapailalim pa siya ng malalaking debris.
04:18Meron pa tayong mga ginamit na shores, shoring na ginawa para maging stable yung paglalabasan sa kanya.
04:29Kapag nailabas po sila ng ating mga bumbero dun sa collapse sites, ita-turnover po namin sila sa ating mga
04:39taga-DOH
04:40para alamin po ang pagkakakilanlan bago po ito tuluyang dalihin sa nearest na punerarya.
04:49Mag-aalas 8 kaninang umaga nang makuha ang katawan ng lalaki na wala ng buhay.
04:54Ito na ang ikalimang nasawi sa pagguho.
04:56Ayon sa LGU, makatutulong ang cellphone na narecover ng mga otoridad para kilalanin ang bangkay.
05:03Ibinalik sa search and rescue ang operasyon sa gumuhong gusali.
05:07Iniutos siya ni Interior Secretary John Vicremulia nang bumisita siya sa Ground Zero kakapon.
05:13Posibling may mailigtas parao sa labing-anim na pinaniniwala ang naipit sa guho.
05:18There have been instances kasi na two weeks after nakahanap pa rin, katulad sa banayari sa Baguio.
05:23So for me, I would rather consider it as search and rescue.
05:25Tuloy-tuloy ang 24 oras na operasyon ng mga otoridad sa gumuhong gusali.
05:32Habang patuloy tayong nagtatanggal ng mga debris, ay kasabay po ang pag-recover natin ng mga katawan ng biktima.
05:42We are not losing hope na yun nga po sana ay magkaroon talaga ng miracle na mayroon at mayroon pa
05:48tayong ma-retrieve na
05:49na mayroon tayong matagpuan na buhay na biktima.
05:54Ayon sa Angeles City LGU, hindi pa humaharap sa kanila ang mga kinatawan ng may-ari ng kumpanyang Golden Years
06:01Construction and Steelwork Corporation.
06:03Tiniyak ni Remulya na hindi nito matatakasan ang pananagutan.
06:08I-be-will issue a subpena and we put a hold order sa airport para mag-report sila.
06:13Posible raw silang maharap sa patong-patong na reklamong kriminal, sibil at paglabag sa labor code.
06:19Ang pagkukulang dito ay hindi dapat nagkaroon ng tulugan doon sa construction site mismo.
06:26Dapat may barracks.
06:27Pangalawa, hindi dapat kasama yung pamilya.
06:30Ang sinabi sa akin ni Mayor, mayroon daw ibang report na may kasamang pamilya sa loob.
06:34Hindi kasama dapat yun.
06:36Sa huling tala ng mga otoridad, humigit kumulang labing lima pa ang hinahanap.
06:41Bea Pinlak, nagbabalita para sa GMA News.
06:48Mainit na balita na isilbina sa abogado ni Sen. Ronald Bato de la Rosa ang utos para bawiin ang lisensya
06:54ng senador para sa pagmayari ng mga armas.
06:57Kinumpirma yan ng PNP Police, Regional Police 11.
07:01Kasunod ito ng revocation order na inilabas ng PNP Firearms and Explosives Office.
07:05Ayon sa polis siya, nagsabing ang abogado ni de la Rosa na tatalakayan niya ito sa kanyang kliyente.
07:11Patuloy raw silang nakikipagugnayan sa Regional Civil Security Unit 11 ng pulisya.
07:16Naon na lang sinabi ng National Bureau of Investigation ay tinuturing nilang armed and dangerous si de la Rosa na
07:22wanted ng International Criminal Court.
07:25Bago may silbi ang utos, nagsabi na ang kampo ni de la Rosa na walang batayan para i-revoke ang
07:30firearms license ng senador
07:31dahil batayan nila sa batas ay i-re-revoke lang ang lisensya kung may conviction at court order na laban
07:38sa isang akusado.
07:45Pasintabi po sa balitang ito, may natagpo ang kalansay ng tao sa damuhang bahagi ng Endlex sa Mabalak at Pampanga.
07:54Ayon sa pulisya, nadiskubriyan ng ilang nagtatabas ng damo sa Endlex.
07:59Nakabalot daw ang kalansay sa isang cadaver bag.
08:02Nakasuot daw yun ng brown na t-shirt, blue na jacket, blue na pantalon at saka panloob.
08:08Nananawagan ang Mabalak at City Police kung sino man ang may kakilalang nawawala na tugma sa ganyang kasuotan na makipag
08:17-ugnayan po sa kanila.
Comments

Recommended