- 2 hours ago
- #kmjs
Aired (April 19, 2026): PLANONG P7.78-BILYONG TULAY NA MAGDUDUGTONG SA BORACAY AT AKLAN, NAGHAHATI NGAYON SA OPINYON NG PUBLIKO
Ang Boracay Island, isa sa pinakamagandang isla sa buong mundo. Pero sa likod ng postcard-perfect na isla, may nagaganap ngayong tunggalian!
Mainit kasing usapin ngayon, bilang na raw ang araw ng mga ferry dahil matutuloy na ang pagtatayo ng tulay na mag-uugnay sa Caticlan at isla ng Boracay, ang Boracay Bridge.
Alin nga ba ang mas makakabuti, ang tulay ng pag-unlad, o ang pangangalaga sa kabuhayan at kalikasan? Panoorin ang video. #KMJS
“Kapuso Mo, Jessica Soho” (One at Heart, Jessica Soho) is the Philippines' top-rating news magazine program, hosted by one of the most-awarded broadcast journalists in the country, Jessica Soho. It features human interest stories, food, news personalities, travel, trends and pop culture.'KMJS' airs every Sunday, 8:00 PM on GMA Network. Subscribe to youtube.com/gmapublicaffairs for our full episodes. #KMJS
Ang Boracay Island, isa sa pinakamagandang isla sa buong mundo. Pero sa likod ng postcard-perfect na isla, may nagaganap ngayong tunggalian!
Mainit kasing usapin ngayon, bilang na raw ang araw ng mga ferry dahil matutuloy na ang pagtatayo ng tulay na mag-uugnay sa Caticlan at isla ng Boracay, ang Boracay Bridge.
Alin nga ba ang mas makakabuti, ang tulay ng pag-unlad, o ang pangangalaga sa kabuhayan at kalikasan? Panoorin ang video. #KMJS
“Kapuso Mo, Jessica Soho” (One at Heart, Jessica Soho) is the Philippines' top-rating news magazine program, hosted by one of the most-awarded broadcast journalists in the country, Jessica Soho. It features human interest stories, food, news personalities, travel, trends and pop culture.'KMJS' airs every Sunday, 8:00 PM on GMA Network. Subscribe to youtube.com/gmapublicaffairs for our full episodes. #KMJS
Category
😹
FunTranscript
00:01Para mapabilis ang biyahe papunta ng isla ng Boracay,
00:06aprobado na at iginawad na sa isang pribadong korporasyon
00:11ang paggawa ng tulay na diretsyo ang biyahe papunta roon.
00:16Pero ngayon pa lang, may mga bankero at residente na nangangamba na para sa kanilang kabuhayan.
00:28Isang piraso ng paraiso na malaking biyaya para sa probinsya ng Aklan.
00:35Puting-puting buhangin, tubig na kristallinaw,
00:42at ang paglubog ng araw dito parang ipininta.
00:47Isa ito sa pinakamagandang isla sa buong mundo, ang Boracay.
00:56Pero sa likod ng postcard perfect na isla, may nagaganap ngayong tunggalian.
01:05Dito sa Katiklan Jetty Port, nakadaong ang mga ferry at bangka
01:10na maghahatid ng mga pasahero mula Katiklan papunta sa isla ng Boracay.
01:15Hello, hi. Good morning, Paul.
01:18Ang biyahe, 10 hanggang 15 minutos.
01:21Ang pamasahe, 60 pesos.
01:24Agaw pansin ngayon dito ang dilaw na t-shirt ng mga bankero na may nakaimprentang No to Boracay Bridge.
01:33Mainit kasing isyo ngayon na bilang na ang araw ng mga ferry.
01:41Dahil matutuloy na ang pagtatayo ng tulay na magdudugtong sa Katiklan at isla ng Boracay,
01:49ang Boracay Bridge.
01:52Para sa akin, bilang kumapasyal dito, pabor ako kasi para madali yung pagpunta sa island.
01:57Pag sakay ng ferry, makikita ang ganitong mga tarpaulin na nakapaskil sa bangka.
02:04I don't think it's a good idea. It's gonna just cause more traffic.
02:07That's part of the adventure here to come to Boracay is taking a boat.
02:11I'm totally against it, especially for the boat handlers and people like that.
02:15Inanunsyo kasi sa linggong ito na ang San Miguel Holdings Corporation o SMHC
02:21ang gagawa ng tulay na nagkakahalaga ng mahigit 7 billion pesos.
02:28Ayon sa plano, ang itatayong tulay, may kabuhuang haba na humigit kumulang 2.54 kilometers.
02:36Nasa 1.14 kilometers dito ang sakop ng main bridge.
02:41Magpakaroon ito ng road lanes, walkway para sa mga pedestrian, bicycle lane, utility line,
02:48pati na cargo at waste transport system.
02:52Ang tulay, isang PPP o Public-Private Partnership Project.
02:57Ibig sabihin, magkatuwang dito ang SMHC na pribadong kumpanya
03:02at ang DPWH o ang Department of Public Works and Highways.
03:17Ang pinakatumututol sa proyekto, mga katulad ni Leo,
03:20na pangatlong henerasyon na ritong bankero.
03:23Hindi naman kaya pag-aralin kami ng magulang namin noon
03:26hanggang natuto na lang magbangka.
03:29Half day lang ang duty ni Leo.
03:31Sa kanyang apat na biyahe,
03:33ang sasahurin niya 500 pesos na makukuha pagkatapos pa ng limang araw.
03:39Poo, malaking tulong yung pagbabangkas yung sa buhay namin
03:43kasi napaaral ko yung anak ko eh.
03:46Sa trabaho niya rin daw na ito,
03:48nakukuha ang pangsuporta niya sa kanyang 98 anyos na ngayong lola.
03:54Ang bili ng gatas, yung gamot, dito na siguro ako tatanda eh.
03:57Huwag lang matulad yung anak ko, kaya pinapaaral ko yung anak ko.
04:01Kaya naaalarma ngayon si Leo.
04:04Anya, ang tulay dapat nag-uugnay.
04:07Hindi puputol sa kanyang kabuhayan.
04:11Kaagaw mo na yung tulay kong isakali.
04:13Mabigat sa loob ma'am kasi di ka nga halos makatulog
04:16kung yan lang lagi yung nasa isip mo eh.
04:18Parang bumuos ba yung langit sa lupa ng apiktado yung hanap buhay namin.
04:23Bukod sa mga bangkero,
04:25damay na rin siyempre ang mga operator ng mga ferry.
04:29Pare-pareho silang masasagasaan ng tulay.
04:32Isa sa mga mariinding tumututol,
04:36ang CBT-MPC o ang Katiklan Boracay Transport Multipurpose Cooperative
04:43na binubuo ng mga bangkero at ferry operators.
04:47Katulad ni Godofredo.
04:49Si Godofredo, may tatlong bangka na inooperate sa pantalan.
04:54Ang naipundar ko, alimbawa nakapagpatayo ako ng maliit na boarding house,
04:59ang stand namin talagang ayaw namin.
05:00Sometime in January, nagsabi sa akin yung taga San Miguel
05:04na mayroon namang hinahanda silang i-offer sa amin.
05:08Ang sabi ko nga, ay yun naman kasi titignan natin
05:10kung viable naman para sa amin na intuloy-tuloy rin ang aming kabuhayan,
05:14talagang malaki ang kinatatakot namin
05:16kasi hindi naman negosyo ito mga bangka, hanap buhay ito eh.
05:21Isa pa sa kanilang inalmahan,
05:23ang kumakalat na balita na di umano
05:25kapag nabuo na ang tulay, sisingilin na ng toll fee
05:30ang lahat ng dadaan doon.
05:32Pinakompute ko nga eh,
05:33kung may 8.7 billion kayo na payable in 30 years,
05:36sila rin nagsabi sa akin na 30 years nilang babayaran eh.
05:40Huwag na natin bilangin yung interest.
05:41Divide mo in months out of 30 years.
05:44Kailangan magkaroon sila ng income ng 24 million a month.
05:47So, dapat kumita ka niyang more than 800,000 a day.
05:50Asaan yung kukunin yan?
05:51Ang sagot sa akin eh,
05:53toll fee,
05:53Makita mo kagad eh,
05:54ilang turista ba ang pupunta sa Boracay araw-araw?
05:57If you have to target the 800,000 a day,
06:01magkano'ng sisingil mo doon?
06:02Sabi ko nga eh,
06:03kung halimbawa ka ako,
06:04tagakatiklan ako,
06:05may bit-bit akong bisikleta eh,
06:07gusto ko magbisikleta sa tulay,
06:08kahit bisikleta mo,
06:09magbabayad din eh.
06:10Anti-poor,
06:12most likely.
06:13Ang ipapatayong Boracay Bridge,
06:15dagdag daw ngayon sa pinoproblema ng kooperatiba.
06:19Lalo't hindi pa raw sila tuluyang nakakaahon
06:21mula ng ipag-utos ng Marina
06:23o ng Maritime Industry Authority
06:26na i-modernize na ang mga bangka patungong Boracay.
06:30Kung hindi lang sana nila,
06:32kami nagkaroon ng compulsory na mag-modernize
06:35at saka yung dati pa ng wooden hall,
06:38siguro hindi gaano kabigatan sa loob namin.
06:42Isa sa mga apektado ng utos na yon,
06:46si Arlie,
06:46na nagmula rin sa pamilya ng mga bankero.
06:50Ang bangka noon ni Arlie,
06:52minanaparaw niya sa yumaon niyang ama na si Charlito.
06:56Sabi niya sa akin,
06:57huwag mong pabayaan yung bangka
06:58dahil gyan mo buhabuhayin yung pamilya mo
07:01sa kasinanay mo.
07:02Ang bangka ng kanyang tatay
07:04ang naging kaagapay daw ni Arlie
07:06sa paghahanap buhay.
07:08Dito siya kumuha ng pantustos
07:10sa pagpapagamot sa sakit ng kanyang ina.
07:13Pero nang ipinagutos na ng marina
07:16noon ngang 2021
07:17na i-phase out ang mga lumang bangka
07:20at palitan ang mga ito
07:21ng modernized boat,
07:23wala raw na gawa si Arlie
07:25kundi ibenta ang natitirang alaala
07:27ng kanyang ama.
07:28Ang mga lumang bangka kasi,
07:31mas mataas daw ang risk sa aksidente
07:33dahil luma na at gawa sa kahoy.
07:36Kaya isinulong ang paggamit
07:38ng mga modernong bangka sa isla
07:41na gawa sa fiberglass,
07:43aluminum o bakal
07:44na mas matibay.
07:45Bukod pa sa kumpletong
07:47life-saving equipment,
07:49alinsunod sa updated
07:50maritime safety requirement.
07:53Binenta po namin yung bangka
07:54sa lagang 200,000 lang.
07:56Naiyak lang kami.
07:57Nakita namin yung bangka namin
07:59na pumapalayo.
08:00Para makabili ng bagong bangka,
08:02si Arlie,
08:03naghigpit ng sinturon
08:05para makapag-ipon.
08:06Nangutang din siya
08:08ng 6 million pesos.
08:10Ang problema,
08:11isang buwan na siyang pinatigil
08:13sa paglalayag.
08:14Ang kanya raw kasing
08:15modernized boat.
08:17Mali ang sukat.
08:18Kaya,
08:19kailangan pa niyang lakarin ulit
08:21ang mga papeles.
08:22Pahigpitan muna ng bulsa.
08:25Wala trabaho.
08:26Laga ng anak kong bunso.
08:28Nangangahoy na lang.
08:30Para masuportahan
08:31ang mga bankero at operator
08:33na walang kakayahang makabili
08:35ng sariling bangka,
08:36ang CBT-MPC
08:38nangutang sa mga bangko.
08:40I was able to secure
08:41a loan from Land Bank
08:42which is 135 million.
08:44Yun ang ginamit namin
08:45para ipahiram ko rin doon
08:47sa mga boat owners.
08:48At yan,
08:49nagkaroon sila ng mga bangka
08:50na fiberglass.
08:51Hindi pa nga kami nakabayad
08:52ng utang namin
08:53kasi nirestructure yung utang namin
08:55nung COVID time.
08:56Wala kami kita.
08:57So another 7 years.
08:582,031 pa mababayaran namin lahat yan.
09:01At ngayong may ipapatayong tulay sa isla,
09:05nangangamba ulit
09:06ang maraming mga bankero
09:07na baka mas lalo silang malubog
09:10sa utang.
09:11So ang magiging boom siguro namin,
09:13we'll try all the legal means,
09:15maybe through the court
09:16or even it goes to the Supreme Court
09:18if it is necessary
09:19para naman na mapahinto namin.
09:20Sa pagpapatayo ng Boracay Bridge,
09:23hindi lang daw kabuhayan
09:25ang masasagasaan,
09:27pati na mga kabahayan.
09:30Isa sa mga lugar
09:32na posibling matamaan
09:33ng gagawing tulay
09:34ang sityo Tabon Baybay
09:36kung saan napapabalitang
09:38tatayuan ng base
09:40ng tulay.
09:40Dito,
09:41isinilang at nagkamuang
09:43si Mary J.
09:44Noong natuklasan ang Boracay
09:46noong 1984,
09:49yun doon nagkaroon ng mga bangka,
09:52nagkaroon ng hanapbuhay,
09:53medyo umangat-angat kunti
09:55yung mga residente dito.
09:57Noong nalaman ni Mary Jane
09:58na malaking bahagi
09:59ng kanilang sityo
10:01ang maaapektuhan
10:02ng paggawa ng tulay,
10:04nangamba siya
10:04na baka paalisin sila,
10:06lalo't wala siyang hawak
10:08na titulo
10:08sa kanilang tinitirhan.
10:10Noong time
10:11nung inaplayan kasi namin to,
10:13hindi agad kami
10:15pinagbigyan
10:15ng DNR.
10:17Ang sagot daw ng DNR
10:18sa kanila
10:19ay mag-aantay daw
10:20ng 25 years
10:21kung wala daw project
10:23yung government,
10:24ipwede daw namin
10:25na-apply yan.
10:26Pinayagan naman sila
10:27ng DNR
10:28o ng Department of Environment
10:30and Natural Resources
10:31noon daw 1997
10:33para mag-apply
10:34na makakuha
10:35ng titulo
10:36ng lupang kinatitirika
10:38ng kanilang bahay.
10:39Pero hindi daw yun natuloy
10:40matapos itong bilhin
10:42ng mga pribadong indibidwal.
10:44Lahat dito
10:45ng mga residente
10:46is against
10:46yung project na yan.
10:48Maaring ma-demolist daw
10:50yung lahat
10:51ng mga residente dito.
10:52October 8, 2025,
10:54ang Sangguniang Panlalawigan
10:56ng Aklan
10:57ipinasah
10:58ang Resolution
10:59No. 193-2025
11:01na nagsasabing sila
11:03ay may
11:04strong objection
11:05o matinding
11:06pagtutol
11:07sa proyekto
11:08ng tulay.
11:09Nasundan ito
11:10ng isa pang resolusyon
11:11na tumututol din dito.
11:14Nito lang
11:14March 12,
11:152026.
11:17At nito lang
11:18Merkoles,
11:19dalawa pang
11:19mahalagang resolusyon
11:21ang kanilang inilabas.
11:23Kontra rito.
11:24Una,
11:24kinundin na nila
11:25ang DPWH
11:27dahil iginawad
11:28ang proyekto
11:29sa SMHC
11:30kahit may malinaw
11:32na pagtutol
11:33mula sa LGU
11:34ng malay
11:35na nakasasakop
11:36sa Buracay
11:37pati na
11:37ang Provincial Government
11:39ng Aklan
11:40at ng ibat-ibang
11:41mga sektor.
11:42Pangalawa,
11:43humiling sila
11:43sa Public-Private
11:45Partnership Center
11:46na ibigay
11:47ang lahat
11:48ng mga dokumento
11:49tungkol sa proyekto
11:50katulad ng
11:51proposal,
11:52bidding process
11:53at negotiations.
11:54Mahigpit
11:55ang pagtutol
11:56ng Provincia
11:57ng Aklan
11:58sa proyekto
12:00na pagtatayo
12:01ng bridge
12:01connecting
12:02Barangay Katiklan
12:04or Mainland Panay
12:05to the island
12:07of Buracay
12:07dahil malaki
12:09ang magiging
12:10epekto nito
12:11di lamang
12:11sa kalikasan
12:12kundi sa
12:13ekonomiya mismo
12:15to the
12:15local revenues
12:17we are deriving
12:18from the
12:18operation
12:19of the
12:20jetty ports.
12:21With the bridge,
12:22ang nangyayari
12:23kukunan mo
12:24ng income
12:25ang local governments
12:26bibigay mo doon
12:28sa private company
12:29operator
12:30ng bridge.
12:31So there should be
12:32a weighing
12:33or a balancing
12:34of interest
12:35sino ba
12:37ang mas
12:37mabigat
12:38na dapat
12:38bigyan
12:40ng malaking
12:40konsentrasyon
12:41yung
12:42general welfare
12:44of the
12:45local community
12:46or the
12:47interest
12:47of a
12:48private
12:48operator.
12:52Sa kabila
12:53ng mga
12:54tumututol,
12:55may mga
12:55nagpahayag din
12:56ang pagsuporta
12:57sa itatayong tulay.
12:59Ayaw nila
12:59ng tulay
13:00sa Buracay
13:00pero kapag
13:01tinatanong sila
13:02kung bakit
13:03mahal ang mga
13:03bilihin,
13:04sinasagot nila
13:05malaki ang
13:05ginagastos nila
13:06bago makatawid
13:07ang mga produkto
13:08kasi dagat pa
13:09daw ang pinatawid.
13:10With bridge
13:11equals more
13:11tourists
13:12which will
13:12compensate
13:13the jobs
13:13that will
13:14be affected.
13:15Buracay
13:15belongs
13:16to all
13:16Filipinos,
13:17not to
13:17Icanons only.
13:18Malaking tulong
13:20din daw
13:20ang itatayong
13:21Buracay Bridge
13:22sakaling
13:22masama
13:23ang panahon
13:24at hindi
13:24makakalayag
13:25ang mga
13:26ferry
13:26o bangka.
13:28Kailangan
13:28din ng tulay
13:29kung may kailangan
13:30na emergency
13:31ang isang tao
13:31mas mabilis
13:33lang may dilipad
13:33sa isang hospital
13:34na kumpleto
13:35sa kagamitan.
13:36Sa kabilaan nito
13:37may nagpahayag din
13:38ng pagkabahala
13:39lalot
13:40posibli raw
13:41itong magdulot
13:42ng pagkasira
13:43ng likasyama
13:44ng isla
13:45ng Boracay.
13:46Serious cons
13:47Massive
13:48Environmental Risk
13:49Uncontrolled
13:51Urbanization
13:51and Overdevelopment
13:53Sa ngayon
13:54wala pang eksaktong
13:55pecha
13:56kung kailan
13:56sisimula
13:57ng pagtatayo
13:58ng tulay.
13:59Ayon sa
14:00Project Information
14:01Memorandum
14:02ng Boracay Bridge
14:03Project
14:03magsisimula lang
14:05ang construction
14:05kapag
14:06kompleto na
14:07ang right of way
14:09at aprobado na
14:10ang detalyadong
14:11disenyo
14:12ng tulay.
14:13Tinatayang aabot
14:14sa tatlong taon
14:15ang paggawa nito.
14:16Pero para sa mga
14:17taga-Boracay
14:18mabilis lang
14:19ang panahon ito
14:20para mawalan
14:21sila
14:22ng trabaho.
14:23Siguro hindi naman
14:24totally wipe out
14:25but malaki talaga
14:26ang epekto sa amin.
14:27Nitong Webes
14:28may nagpadala
14:29ng mensahe
14:29sa aming team
14:30na sinasabing
14:31noon pang 2018
14:32na una naman na raw
14:34aprobahan
14:35ng LGU ng Malay
14:36ang kagustuhan
14:38ng San Miguel Holdings
14:39Corporation
14:40ang magpayo
14:41ng tulay
14:41na kasaad
14:42sa kasulatan
14:43noong November
14:4427, 2018
14:45na naka-address
14:47sa dating
14:47DPWH Secretary
14:49at ngayoy
14:50Senador Mark Villar
14:51at kay Ramon Ang
14:52ng SMC
14:54na hindi sila
14:55tutol
14:55at sinusuportahan
14:57nilang proyekto.
14:58Ang sulat
14:59ay mula
15:00sa nooy
15:01acting mayor
15:02ng Municipality
15:03of Malay
15:04na si Abram Swalog.
15:06Walang authority
15:07yung mayor
15:07to bind
15:08the local government
15:09without the prior
15:10approval
15:11of the
15:12Sangguniang Bayan.
15:13Walang approval
15:14ito ng
15:15Sangguniang Bayan
15:16and that was
15:17in fact clarified
15:18that they have
15:19never issued
15:20any endorsement
15:21for the project.
15:22Sinubukan namin
15:23kuhanan ng pahayag
15:25ang dating
15:25acting mayor
15:26Swalog
15:27pero wala siyang tugon
15:28habang ginagawa
15:30ang ulat na ito.
15:31Sinubukan din namin
15:32kuna ng pahayag
15:33ang pinagbigyan
15:34ng proyekto
15:35ang San Miguel
15:36Holdings Corporation
15:38na siyang magtatayo
15:39ng tulay.
15:51Sa isang press conference
15:53nagsalita naman
15:55si DPWH
15:56Secretary
15:56Vince Dizon
15:58tungkol sa proyekto.
15:59I was informed
16:00that consultations
16:01were done
16:02both by
16:02San Miguel
16:03and DPWH
16:04in the past.
16:05Now so this is
16:06a critical infrastructure
16:07project
16:07that we need
16:09to be built
16:09but we are assuring
16:11the residents there
16:12and the stakeholders
16:13that whatever
16:15grievances they have
16:16and whatever
16:17their concerns
16:17ang sinabi ko
16:19sa San Miguel
16:19all of those concerns
16:20need to be addressed.
16:22And I was assured
16:23by San Miguel Corporation
16:25by Mr. Ramon
16:26Ang himself
16:27that those concerns
16:29will be addressed properly.
16:32Masasabing
16:32konsultasyon
16:33ang naiyari
16:34they presented
16:35their proposed
16:37project.
16:38Iba yung
16:38presentation
16:39sa konsultasyon.
16:40In fact
16:41during the presentation
16:42we have already
16:43expressed
16:43a lot of
16:44reservations
16:45na hindi naman
16:46nila sinasagot.
16:47Noong 2019
16:48merong na issue
16:49na environmental
16:51compliance
16:51certificate
16:53for the
16:54construction
16:54of the
16:56Boracay Bridge
16:57from Katiklan
16:58to the
16:59Boracay Island.
17:00Pero naglapse
17:01na ito
17:01kasi yung
17:02Environmental Compliance
17:03Certificate
17:04natin
17:04ay may visa
17:05ng limang taon.
17:06Wala pa kaming
17:07na-review
17:08so wala pang
17:08na-approve
17:09ng ECC.
17:10Mag-submit silang
17:10ng malinaw na plano
17:12kung sa tingin nila
17:13may maapektuhan
17:14ng mga
17:15coral seagrass
17:15para maiwasan ito
17:17or ma-mitigate
17:18yung impact
17:18ng proyektong ito
17:20sa ating environment.
17:21Hindi na magtutuloy-tuloy
17:22yung rehabilitation
17:23bababa na rin
17:24yung marine
17:25biodiversity
17:26sa lugar.
17:27It will be
17:28a long-term
17:29problem.
17:30And in order
17:30to rehabilitate
17:31that,
17:32as I've said,
17:33it will
17:33took a lot
17:33of years.
17:34Maawa naman
17:35kayo sa mga
17:35bootman
17:36o sa lahat
17:36ng mga
17:37ma-epektuhan
17:37sa mga
17:38porter,
17:39driver,
17:40mga umasa
17:40sa bangka.
17:43Wag nyo na
17:43ituloyan.
17:44Kasi kami,
17:45ayaw talaga
17:45namin
17:46ng tulay.
17:47No to
17:48Buracay Bridge.
17:49Palubog na
17:50naman ang araw
17:51sa paraiso
17:52ng Buracay.
17:53Nangangako
17:54ng panibagong
17:55bukas.
17:56Pero para
17:57sa ilan,
17:58nanangangamba
17:59ngayon sa
18:00kanilang
18:00mga
18:00hanap
18:01buhay,
18:02ang
18:02pagtatapos
18:03ng isa
18:04na namang
18:04araw,
18:05tila inilalapit
18:06lang sila
18:07sa posibleng
18:08paglubog
18:09ng kanilang
18:10kabuhayan.
18:14Thank you for
18:16watching mga
18:16kapuso.
18:17Kung nagustuhan
18:18nyo po ang
18:19videong ito,
18:20subscribe na
18:21sa GMA Public
18:22Affairs YouTube
18:23channel and
18:24don't forget to
18:25hit the bell
18:26button for our
18:27latest updates.
Comments