00:00Samantara, sinusulong sa Senado na ibaba sa 10% ang kasalukuyan 12% value-added tax of VAT sa mga
00:05produkto.
00:06Efektibong paraan daw yan para mapababa ang presyo ng mga produkto at servisyo, lalo na ang petrolyo.
00:12May unang balita si Mav Gonzalez.
00:17Maliban sa mga hilaw na agri-product at pagkain,
00:21halos lahat ng bilihin at servisyo ngayon ay meron ng value-added tax o VAT.
00:2612% agad ang patong sa presyo na pinapasan ng lahat ng consumer, mahirap man o mayaman.
00:33Kaya ang gusto ni Sen. Bam Aquino, ibalik yan sa 10% na lang.
00:38Yan naman ang dating VAT talaga bago ito itaas noong February 1, 2006.
00:43Sa ganitong paraan, direktang bababa ang presyo ng mga produkto at servisyo kabilang ang petrolyo.
00:49Yan ay para matulungan kahit ang middle class na ayon kay Aquino ay hindi nakakakuha ng direktang tulong mula sa
00:56gobyerno.
00:57May naunang panukala si Sen. Mark Villar bago pa ang krisis.
01:02Ibababa rin nito sa 10% ang VAT,
01:04pero pwedeng ibalik ng Pangulo sa 12% kapag inirekomenda ng Finance Secretary
01:09kung masyadong malaki ang kakulangan ng pondo kumpara sa gastusin ng gobyerno sa isang taon o projected deficit.
01:16Ang panukala naman ni Sen. Loren Legarda,
01:20pansamantala lang ang pagsuspinde o pagbawa sa VAT sa produktong petrolyo.
01:24Yan ay kung isang buwan ang umabot sa $80 per barrel ang average na presyo ng Dubai Crude
01:29o kung may deklarasyon ng State of National Emergency o Calamity at sobrang tumaas na ang presyo ng langis.
01:36Sabi rin ni Sen. Aimee Marcos, mas mainam kung VAT ang alisin imbis na excise tax.
01:42Sabi ko, aralin ninyo sana yung VAT.
01:44Sabi na, pakihirap niyan. May input-output. Ramdam ka agad sa gas station.
01:49Base sa pananaliksik ng GMA News Research,
01:52ang Pilipinas at Indonesia ang may pinakamataas na VAT sa buong Southeast Asia na 12%.
01:58Pinakamababa naman ang 2.5% VAT ng Timor Leshte.
02:02Habang ang Brunei, niwalang VAT.
02:04Hinihingan pa namin ng komento ang Department of Finance sa panukalang ibaba ang VAT.
02:09Pero nauna nang sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos na petrolyong market lang ang makikinabang kung alisin ng VAT sa produktong
02:16petrolyo.
02:17You know, here's the thing with the VAT.
02:20Especially the VAT on oil and petroleum products.
02:24The VAT on petroleum products,
02:27we are going to get a windfall profit from that
02:31because tumaas yung presyo ng krudo.
02:37And because of that, all the importations will have at the present VAT rate,
02:44we will get funds, extra funds from that.
02:47If we take away the VAT on petroleum products,
02:53it will only help the petroleum market.
02:56Ito ang unang balita.
02:58Mav Gonzalez, GMA News.
03:08I'll see you next time.
03:08Mixed Disusal with GMA News.
03:08Take care.
Comments