00:00Mga kapuso, tiniyak po ng isa sa mga abogado ni Sen. Ronald Bato de la Rosa na si Attorney Israelito
00:07Torrion
00:08na nananatili sa Senado o dito sa loob ng Senate Building ang Senador.
00:13May unang balita live si Bam Alegre. Bam?
00:20Maris, good morning. Magdamag na nakasara ang Senado habang nananatili rito ang polisya.
00:26Ayon sa abogado ni Sen. Ronald Bato de la Rosa ay narito pa rin sa gusali ang Senador.
00:34Nakababa ang roll-up gate ng main Senate Building sa buong magdamag. May mga nakatokang polis sa harapan nito.
00:39Sa buong magdamag, ilang beses na binuksan ang mga pinto nito at labas-pasok ang mga polis.
00:44Kabilang sa mga narito kagabi si PNP Chief Jose Melencio Nartates Jr. na naging matipid sa kanyang mga pahayag sa
00:50media.
00:50Naging investiga pa.
00:52Pasado hating gabi, lumabas ang isa sa mga abogado ni Senador Bato na si Atty. Israelito Torrion.
00:58Ipinakita niya mula sa kanyang cellphone ng ilang larawan at video na nagpapakitang nasa loob pa rin ng Senate Building
01:03si De La Rosa ng 12.13am kanina.
01:06Nagkausap din daw sila ni DILG Secretary John Vicremulia kagabi.
01:10Kinumpirma rin ni Torrion na present sa plenario mamaya si De La Rosa.
01:13I think so. He will be there. Because he has never left the Senate premises all along. Kasi fake news
01:22yung mga diversion-diversion.
01:24Ayon naman sa isa pa niyang abogado, pinaghahandaan nila ang mga legal remedies sa kaso ni De La Rosa.
01:29I think it is an ongoing public discussion and right now it is our duty as lawyers to argue for
01:35our client and also according to our belief na wala naman talagang rules of surrender pa.
01:41And I'm sure they're invoking Section 17 of RA-9851.
01:45Eh ang unang-unang pong paragraph dyan ay ang binibigay ng jurisdiction po sa Pilipinas pagdating po sa mga krimen
01:51na yan.
01:52So yun po dapat ang fukusan natin.
02:00Maris, bukas na yung entrance itong main building.
02:03Pero sa mga oras na ito, hindi pa rin pinapahintulutan yung media tulad natin, GMA News, pati ibang mga network
02:08na makapasok dito sa main building.
02:10Itong unang balita, malarito sa Senado.
02:12Bama Legre, GMA News.
Comments