00:00Para matulungan ang mga estudyante ng hirap sa pagbabasa,
00:03isinailalim ng Department of Education ang mga piling mag-aaral
00:06sa aral program habang nakabakasyon.
00:09May unang balita live si Jasmine Gabrielle Galvan
00:12ng GMA Regional TV.
00:14Jasmine?
00:18Susan, iba't ibang programang ipinapatupad ngayon ng Department of Education
00:22para mapataas o mapaganda ang reading comprehension ng mga learner dito sa Region 1.
00:32Habang nakabakasyon pa ang mga bata,
00:34sinamantala ng Schools Division Office ng Dagupan City
00:37na isa ilalim sa reading program ang mga mag-aaral na hirap sa pagbabasa.
00:41Bago pa ang bakasyon, natukoy na ang mga batang isa sa ilalim sa aral program.
00:46Malaking bagay po sa kanila po ma'am para ma-enhance po,
00:50ma-improve po yung learning capabilities po nila.
00:53Makabagong paraan ng pagtuturo ang ginagawa ng DepEd
00:56para mas magiging interesado ang mga bata.
00:58Malaking tulong daw para sa mga magulang ang programa.
01:01Apat ang anak ni Lydia, dalawa sa mga ito nag-aaral.
01:04Hirap daw niyang turuan sa pagbabasa ang mga anak.
01:07Maganda naman po, parang po mas matutupo sila mga bata.
01:11Umaasa ang DepEd sa pamamagitan ng aral program
01:13ay mapataas ang reading comprehension ng mga mag-aaral.
01:21Susan, dito naman sa Mangalda National High School
01:24ay sumasa ilalim sa tutorial sessions yung mga learner
01:27na merong mababang grado.
01:29Nakikipagunayan din ang pamunuan ng manghay sa mga magulang o guardian
01:32para ma-assist ang mga bata.
01:34Susan?
01:35Maraming salamat, Jasmine Gabrielle Galvan ng GMA Regional TV.
Comments