Skip to playerSkip to main content
  • 9 hours ago
Nasusunog na sanitary landfill sa Navotas city, ininspeksyon ni DPWH Sec. Dizon; DPWH, tutulong para mapabilis ang pag-apula sa apoy sa ilalim ng landfill | ulat ni Bernard Ferrer

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 8:00 am
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:00 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:00 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 9:00 pm - 10:00 pm

Saturday & Sunday:
Sentro Balita Weekend - 1:00 - 1:30 pm
Ulat Bayan Weekend - 6:00 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Samantala, puspusa naman ang mga hakbang ng pamalaan upang maapula ang sunog sa Navotas Sanitary Landfill
00:07at sa katunayan, magde-deploy ang DPWH ng mga heavy equipment
00:11para mapabilis ang pag-apula sa apoy na nagmumula sa ilalim ng landfill na dulot ng methane gas.
00:19Si Bernard Ferrer sa Sentro ng Balita.
00:24Malayo pa lang ay kitang-kita ng usok na nagmumula sa Navotas Sanitary Landfill
00:28hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin tuluyang naapulang apoy na nasa ilalim nito.
00:33Ngayon ang ika-anim na araw ng sunog sa landfill.
00:36Ininspeksyon ni DPWH Secretary Vince Dyson, kasama si Navotas Mayor John Ray Tiyanco ang lugar
00:42upang makita ang kasalukuyang sitwasyon at makapalaglatag ng mga kinakailang hakbang.
00:47Tatamba ka natin ang lupa at saka ng putik yung affected area which is roughly,
00:53siguro kulang-kulang na 30 hectares yan dito sa 40 hectare landfill area.
01:01Malaki-laki yun.
01:02So mga dump truck, mga bulldozer, kailangan yan ipapadala natin ng mabilis.
01:09Walang direct ang daan papuntang landfill na nasa gitna ng katubigan
01:12kaya barge ang ginagamit sa pagpasok.
01:14Gayunpaman, kapag low tide, ay hirap na makapasok ang barge.
01:18Gumawa na ng daan sa tulong ng pribadong sektor upang mapadali ang operasyon.
01:22Magapit nang matapos yung kagayang ginagawa.
01:26So pag natapos, sabi ni Mayor, matatapos na yun by Saturday,
01:30this weekend, mabilis na tayo makakapagpadaga ng heavy equipment.
01:34Ipinag-untos sa Secretary Dyson ang pagdedeploy ng karagdagang dredger sa lugar.
01:38Hihiram din ang kalihim ng karagdagang dredger mula sa pribadong sektor
01:41upang makatulong sa operasyon ng otoridad.
01:44Tinatayang 70 to 80 percent na ng Navotas landfill ang nasunog.
01:49Prioridad na ngayon na mahukay ang ilalim ng landfill upang maapula ang apoy
01:55na sanhi pa rin ng pag-ignite ng methane gas.
01:58Kinakailangan na dito ang heavy equipment na ipapadala naman ng DPWH
02:04sa tulong na rin ng pribadong sektor.
02:06Tiniyak naman ng Navotas LGU na haabulin nila ang kumpanyang nasa likod ng maintenance ng landfill
02:11matapos umano itong abandonahin ang operasyon.
02:14Nakita natin yung epekto nitong nangyari po.
02:18Kailangan talagang may managot.
02:21At part ng ECC, ng Environmental Compliance Certificate nila,
02:28yung lisensya, permit na binigay ng DNR,
02:30ay kasama kahit natapos yung operasyon,
02:33kailangan hindi mo pwedeng basta iwanan yan.
02:36Plano sana ng Navotas LGU ang rehabilitasyon ng landfill
02:39na maaring gawing recreational area sa hinaharap.
02:42Bernard Ferrer para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.
Comments

Recommended