00:00In inspection ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang PASIG Marikina River Channel Improvement Project at paglalagay po ng covered pipes para sa drainage project sa Marikina City.
00:11Yan ang ulat ni Vel Custodio.
00:15Patuloy ang pagtutok ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para masolusyonan ang pag-apaw ng mga ilog na nagdudulot ng pagbaha.
00:23Pinangunahan ang Pangulong inspeksyon sa PASIG Marikina River Channel Improvement Project Phase 4 sa Barangay Santo Niño, Marikina City.
00:32Makatutulong ang proyekto para mas pahusay na flood control sa Metro Manila, partikular ang Marikina, PASIG at Quezon City.
00:3960 taon nang naninirahan sa Marikina si Javier at naabutan paraon niya ang mga panahog hindi pa umaapaw ang ilog kahit malakas ang ulan.
00:48Pero nang manalasa ang Bagyong Undoy noong 2009, ay lubog sa baha ang kanilang lugar dahil na rin sa pag-apaw ng Marikina River.
01:03Kagaya ni Javier, sa tabiri ng Marikina River nakatira si Antonio. Dito na rin siya naghahanap buhay.
01:10Pagkaapo, nagtitinda ng balot. Pag umuulan ng malakas yun. Pag bumaba, kahong tigil. Tigil lang yung hanap buhay. Walang pagpakakitaan eh.
01:24Aminado ang mga residente, simula ng pinalawak ang carrying capacity ng Marikina River, hindi na madaling tumaas ang level ng tubig sa ilog kahit tuloy-tuloy ang pag-ulan.
01:33Hindi naman gaano kaming binahari ito. Tiga tulad ng mga ibang nakarama mga ano, talagang pagka umulan ng ganun siyam-syam na takong tawagin, talagang apaw na-apauna.
01:46Mas napaganda yung ilog namin, yun ay sinukay.
01:51Yung tuloy-tuloy ang ulan, malaki tubig, inaabot yung second floor namin, ay ngayon, di na. Hanggang po hudla lang.
02:01Patuloy ang paglalagayan na slope protection sa Marikina River na umaabot hanggang sa Pasig River.
02:07Mula sa 50 meters ay pinalawak pa na 100 meters ang carrying capacity ng Marikina River.
02:14Patuloy din ang pagpapalalim sa ilog mula sa dating 15 meters.
02:18Ngayon ay umaabot na hanggang sa 19 to 20 meters.
02:21At target pa ng pamahalang lungsod na Marikina na paabutin ang lalim ng ilog ng 21 meters na kasing lalim ng ilog noong panahon ng Bagyong Undoy.
02:32Nasa halos 8 kilometro ang Pasig Marikina River Channel Improvement Project Phase 4.
02:37Sakop nito ang Santo Niño Bridge hanggang kay Inta Floodgate at Marikina Gate Control Structure.
02:43Ongoing din ang proposed flow-through dams at retarding basins.
02:47Patuloy ang pagtutulungan ng Department of Public Works and Highways at Japan International Cooperation Agency o CHAICA para sa naturang proyekto na matatapos sa 2031.
02:58Kaugnay nito, ayon kay DPWH Secretary Manuel Bonoan na isumitin na ng ahensya sa opisina ng Pangulo
03:05ang lahat na ipinakolekta ni Pangulong Marcos Jr. na flood control projects ng mga DPWH regional offices.
03:12Ito ay kasunod na utos ng Pangulo sa kanyang State of the Nation Address para paimbestigahan ng anumang anomalya sa flood control projects.
03:20I have already instructed all our regional and district offices to inventory and submit a status report on all the flood control projects.
03:32Yung sinabi namin na natapos namin, I think this is about 9,855.
03:40And the list has already been provided to the office of the President.
03:43Pagkatapos sa mga aktibidad sa Marikina Bridge Under Loop, tumungo rin ang Pangulo sa Sumulong Highway para sa inspeksyon ng installation and culvert pipes para sa drainage projects.
03:54Bukod dito, nagtutulungan din ang DPWH at Metropolitan Manila Development Authority para sa rehabilitation ng popping stations.
04:03Vel Custodio para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.