00:00Target ng DPWH na matapos agad ang pagkukumpuni sa bumigay na floodgate ng Paco Pumping Station sa Maynila.
00:08Iniimbestigahan na rin kung bakit ito nasira. Yan ang ulat ni Gab Villegas.
00:15Naabutan ang news team na naglilimas ng tubig at nagpapatuyo ng mga nabasang gamit
00:20ang mga residente ng Paco Maynila matapos bumaha sa kanilang lugar
00:24at masira ang floodgate ng Paco Pumping Station sa bungangan ng Estero de Paco noong linggo ng gabi.
00:30Ayon sa residenteng si Marilyn, abot tuhod ang naging baha matapos masira ang floodgate.
00:36Nasira rin ang ilan sa kanilang mga gamit.
00:40Personal na sinilip ni Department of Public Works and Highway Secretary Vince Dizon
00:45ang Paco Pumping Station kusaan kinausap niya ang foreign contractor at kung paano hindi na mauulit muli ang ganoong pangyayari.
00:52Ayon sa kalihim, aabot na sa 36 na mga barangay sa lungsod ang naapektuhan sa pagkasira ng floodgate.
00:59Iniimbestigahan na rin ang kagawaran ang posibleng dahilan ng pagkasira ng floodgate.
01:03Target na makompleto ang pagsasayos sa nasira ng floodgate sa loob ng dalawang linggo.
01:08Gagawin natin ang mabilis na solusyon to para hindi maulit yung nangyari noong nakaraang araw,
01:13noong tinamaan tayo ng uwan.
01:16Ina-assure ko sila na magagawa natin to ng pinakamabilis na panahon.
01:20So hopefully in the next 10 to 14 days tapos na ito, yun na gagana ko get yung mga pumps.
01:26Sa ngayon, hindi mo na pinatatakbo ang pumping station habang hindi pa naaayos ang floodgate.
01:31Maglalagay muna ang Metropolitan Manila Development Authority o MMDA
01:35ng mobile pumping station sa mga low-lying areas habang isinasayos ang nasira ng floodgate.
01:41Tiniyak rin na walang gagastusin ang pamahalaan pagdating sa pagsasayos ng nasira ng floodgate.
01:46Taong 2024 nang i-turnover sa MMDA ang pamahala ng Paco Pumping Station na pinondohan ng World Bank.
01:54Gav Villegas para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.