00:00Alam mo bang sa kada litro ng diesel na binibili mo, 15% ng iyong ibinabayad ay buwis na napupunta
00:08sa gobyerno?
00:10Sa gasolina naman, 21% ng halaga ng kada litro ang binabayaran mong buwis.
00:16Kabilang dyan ang excise tax at value-added tax o VAT.
00:21Ano nga ba ang excise tax at VAT?
00:24Paano nakakaapekto ang mga ito sa presyo ng produktong petrolyo?
00:30Ang excise tax ay isang indirect tax na ipinapataw sa mga partikular na produkto o serbisyo.
00:36Dito sa Pilipinas, kabilang sa may excise tax ang non-essential goods at mga produktong posibleng may negatibong epekto sa
00:45kalikasan at sa kalusugan ng publiko.
00:47Ang VAT naman ay sales tax na ipinapataw sa mga produkto at serbisyo sa buong supply chain.
00:55Sa ating bansa, halos lahat ng ating binibili ay may VAT.
01:00Ang pinagkaiba ng dalawang buwis, fixed ang halaga ng excise tax.
01:05Samantalang ang VAT ay nag-iiba-iba dahil kinocompute ito sa pamamagitan ng pagkuha sa 12% ng net price
01:14ng isang produkto o serbisyo.
01:16Batay sa train law, ang excise tax sa diesel ay 6 pesos kada litro at 10 pesos naman ang sa
01:24gasolina.
01:25Pero posible pa yung mabago depende sa magiging desisyon ng Pangulo.
01:30Kung sakaling masusunod ang nasa train law, ang 120 pesos kada litro ng diesel halimbawa, magiging 114 pesos per liter
01:40kung tatanggalin ang excise tax.
01:42Ang gasolina namang 80 pesos kada litro, magiging 70 pesos per liter na lang.
01:48Kung 12% na VAT naman ang ibabawas, magiging around 107 pesos per liter na lang ang diesel at around
01:5671 pesos per liter naman ang gasolina.
01:59Naging debate ng mga eksperto at mga mambabatas kung ano nga ba ang mas maiging ibawas sa presyo ng produktong
02:07petrolyo.
02:08Excise tax? VAT? O ang parehong buwis?
02:12Ayon sa Department of Finance, kung tatanggalin din ang excise tax ng diesel at gasolina,
02:18kasama ng kerosene at LPG, aabot sa 43.6 billion ang mawawala sa gobyerno sa loob ng tatlong buwan.
02:27Nasa 13 billion pesos naman ang inaasahang mawawala sa gobyerno kung VAT ang sususpindihin.
02:34Ibig sabihin, kung parehong tatanggalin muna ang excise tax at VAT,
02:39nasa mahigit 56 billion pesos ang inaasahang revenue loss ng gobyerno.
02:45Sabi naman ni Pangulong Bongbong Marcos,
02:47Bagaman pag-aaralan daw nila kung pwedeng tanggalin din muna ang VAT,
02:51mas marami raw ang makikinabang kung excise tax lang muna ang sususpindihin.
02:57Sa VAT daw kasi nakakalikom ang gobyerno ng Pantustos sa iba't ibang programa nitong ngayong may krisis.
03:04We are going to get a windfall profit from that
03:08because tumaas yung presyo ng krudo.
03:13At the present VAT rate, we will get extra funds from that.
03:18We take away the VAT on petroleum products.
03:23It will only help the petroleum market.
03:26What we need is funding to help the entire society.
03:30VAT мощi-t糊
Comments