00:00Itong miyarkoles lang, nagbabala si Ibrahim Zulfakari,
00:03spokesperson ng military command ng Iran na kailangan maghanda ng buong mundo
00:07dahil posibleng sumipa sa $200 kada barilis ang presyo ng krudo,
00:13kasabay ng banta nila na tatargetin ang mga barko ng Amerika na dumaraan sa Strait of Hormuz.
00:19Dahil dito, target din ang Islamic Revolutionary Guard Corps o IRGC
00:24ang mga barko mula sa mga neutral na bansa,
00:27kabiling ang mga naglalayag sa ilalim ng bandera ng Thailand, Japan at Marshall Islands.
00:32Sakaling magkatotoo ang banta ng Iran, ano kaya ang magiging epekto nito sa ating bansa?
00:40Hindi raw pantay ang magiging epekto ng pagtaas ng presyo ng langis sa mga bansa sa Asia,
00:46kung saan isa ang Pilipina sa mga bansang maaring unang makaramdam ng bigat nito.
00:51Dahil mabilis na naipapasa sa presyo ng langis sa bansa ang paggalaw ng presyo sa pandaigdigang merkado.
00:58Ayon kay Department of Economy, Planning and Development Secretary Arsenio Balisahan,
01:04maaring tumaas ng 7.5% ang inflation rate nitong Marso.
01:08Kung sakaling umakyat sa $140 per barrel ang krudo,
01:13ibig sabihin, bibilis ang pagtaas ng presyo ng mga produkto at servisyo sa bansa.
01:17Kung matatandaan, pumalo sa 8.1% ang inflation rate noong December 2022,
01:23ilang buwan matapas sumiklab ng Russia-Ukraine war.
01:26Ang average na presyo ng krudo noon ay mahigit $100 per barrel.
01:31Sinabi rin ni Balisahan na ang mababang purchasing power dulot ng mataas na inflation,
01:36kasabay ng paghina ng remittances ng OFW sa Middle East,
01:40ay maaring makabawas ng 0.20 hanggang 0.30 percentage point sa GDP ng bansa.
01:47Ang mataas na presyo ng petrolyo ay maaring magdulot ng domino effect
01:51sa presyo ng pagkain, mga pangunahing bilihin, at transportasyon sa bansa.
01:56Ayon sa mga ekonomista na nakausap ng GMA News Online,
02:00ang pagsipa ng presyo ng langis ay magpapataas sa presyo ng pamasahe,
02:05kuryente, logistics, at distribution costs na siyang hihila paakyat sa pangkalahat ng inflation rate
02:11na maaring maging sanhin ang paghina ng purchasing power ng mga Pilipino.
02:15Magpapahina pa ng economic activity ang paghihigpit ng sintron o pagde-delay ng investments ng mga negosyo
02:22dahil lalaki ang kanilang operating costs,
02:25bunsod ng mataas na presyo ng langis.
02:27Ang pwedeng maging resulta ay ang paghina ng stock market.
02:32Sabayan pa ito ng pagtitipid ng mga household na siyang lalong magpapabagal sa ekonomiya ng bansa.
02:39Maaari ding humina lalo ang piso.
02:42Kung lalaki pa ang trade deficit, bunsod na rin ang mas malaking halaga ng pag-aangkat ng langis.
02:49As of March 13, 2026, bagong all-time low ang 59.735 na palitan kada dolyar.
02:55Ito ay maaari pang makadagdag sa inflationary pressures.
02:59As of March 13, 2026 din, ang crudo ay nasa $100 per barrel.
03:05Sa pagharang sa daloy ng supply ng langis sa Strait of Hormuz,
03:09ang Iran ay mukhang naglalayong pilaya ng ekonomiya ng buong mundo.
03:13Pero sabi ni U.S. Energy Secretary Chris Wright,
03:16malabong sumipa sa $200 per barrel ang presyo ng crudo.
03:20Ang International Energy Agency na may 32 member countries
03:25ay nagkasundong maglabas ng 400 million barrels ng langis mula sa kanilang energy reserves
03:31para maimsa ng krisis sa petrolyo na dulot ng digmaan sa gitnang silangan.
03:55Altyazı M.K.
Comments