00:00Patay ang isang kagawad sa Kalasyaw, Pangasinan matapos siyang pagbabarilin sa mismong Barangay Hall.
00:07Nahuli kami yan at nakatutok si Sandy Salvasho ng GMA Regional TV.
00:15Kita sa CCTV footage ang paghinto ng isang motorsiklo.
00:19Ilang metro ang layo sa Barangay Hall ng Poblasyon East Kalasyaw, Pangasinan, dakong 11.35 kagabi.
00:25Bumaba ang rider at naglakad papunta sa Barangay Hall.
00:27Pagdating doon, binaril niya ang lalaking nakahiga sa folding bed.
00:31Pero pumalya ang baril kaya't nakatayo at nakatakbo ang biktima.
00:35Pero hinabol pa rin siya ng sospek at binaril siya sa likod.
00:38Halos madapa ang biktima sa loob ng Barangay Hall pero hindi pa rin siya tinigilan ng sospek.
00:43Paglabas sa Barangay Hall, binaril pa ng isang beses ng sospek ang biktima sa katumakas.
00:49Bago makaalis sa mga sospek, makikita pa ang pagdating ng mga nag-iikot na tanod.
00:53Sa pagkataranta, tila hindi na nila alam ang gagawin kahit ilang beses silang tila nagpaikot-ikot
00:59at sa huling minabuting dumiretso na lang sa police outpost.
01:02Sa investigasyon ng pulisya, natukoy ang biktima na si Jodel Jolaso, 31 anyos at incumbent Barangay Kagawad sa lugar.
01:10Apat na tama ng balas sa katawan at ulo ang tinamon ng biktima.
01:13Sa katawan, tatlo mang dito sa tiyan, sa abdomen mang, and isa po dito sa ulo mang.
01:18May mga tinitignan ng anggulo ang polisya pero hindi na muna isinapubliko habang nagpapatuloy ang investigasyon.
01:24Sa pakikipag-usap ng mga otoridad sa kaanak, wala naman daw kaaway ang biktima.
01:28Continuous po yung backtracking at saka forward tracing po ng ating mga CCTVs
01:33para at least makakuha ko kami ng lead kung saan po na tumakbo or identification po ng mga sospek.
01:40Pustis siya ang hiling ng mga naiwang kaanak ng biktima.
01:43Sa gumawa po nito, sana makonsensya ka, sumuko ka na.
01:50Kasi buong pamilya kong nagdudusa dito eh.
01:53Na-recover sa crime scene, ang apat na basyo at isang tinga ng kalibri 45 baril.
01:58Tiniyak naman ng Pangasinan Police Provincial Office ang malalimang investigasyon sa krimen.
02:03Mula sa Jimmy Regional TV, Sandy Salvasio, Nakatutok, 24 Horas.
02:11S.
Comments