00:01Magandang gabi Luzon, Visayas at Mindanao.
00:05Kinasuhan ng plunder at graft ng ombudsman si Sen. Jengoy Estrada
00:10dahil sa umunoy pagtanggap ng higit kalahating bilyong pisong kickback
00:15mula sa iba't ibang proyekto ng Department of Public Works and Highways o DPWH.
00:21Kinasuhan din ang umunoy kasabwat na sinadating DPWH Secretary Manuel Bonoan
00:25at mga opisyal ng DPWH National Capital Region.
00:30Inaantabayanan na ang paglalabas na arrest warrant ng Sandigan Bayan
00:34para sa mga kasong ito na walang piyansa.
00:37Nakatutok si Joseph Moro.
00:43Sa pamumunong, Assistant Ombudsman Miko Clavano isinampa ng Office of the Ombudsman
00:48ang mga kasong plunder at graft laban kay Sen. Jengoy Estrada.
00:52Ang akusasyon, tumanggap siya ng P573 million na halaga ng kickbacks
00:58pero mula sa iba't ibang infrastructure projects ng Department of Public Works and Highways o DPWH
01:04na sistematiko umunong i-deliver sa kanya.
01:07Our evaluation shows that substantial public funds were deliberately funneled
01:13into designated infrastructure projects in exchange for predetermined commission fees or kickbacks.
01:20Case records point to an accumulated sum of illicit payouts
01:26amounting to an aggregate sum of over P573 million
01:30which were systematically delivered to the principal respondent, Sen. Jengoy Estrada.
01:36Sinabi sa isinampangkaso na ang pangulimbat ginawa-umano sa pamamagitan ng mga insertions sa budget
01:42at paglalagay ng alokasyon sa mga piniling proyekto ng DPWH para sa taong 2025.
01:49Dati nang sinabi ni Estrada na walang record ng Senado na meron siyang insertion.
01:54Sagot dyan ng Ombudsman, hindi doon nakalagay ang lahat ng hakbang sa paggawa ng budget.
01:59This certificate does not capture all stages of the budgetary process wherein insertions may be made in a layered method.
02:07Kinasuhan din ang mga umunay kasabwat niya na sinadating Department of Public Works and Highway Secretary Manuel Bonoan
02:13at mga opisyal ng DPWH National Capital Region na sina Assistant District Engineer Denril Cesar Cortuna
02:19at mga District Engineers na sina Manny Bulusan at Arturo Gonzalez Jr.
02:23Hindi na sinampahan ang kaso mga state witness na sina dating DPWH Undersecretary Roberto Bernardo,
02:30NCR Regional Director Gerard Opulencia at dating Bulacan First District Engineer Henry Alcantara.
02:36Wala na rin kaso si dating DPWH Undersecretary Maria Catalina Cabral dahil pumanaw na ito.
02:42No bail o walang bail na inerekomenda ang Ombudsman sa Sandigan Bayan.
02:47Laban kina Sen. Estrada ang sunod na proseso nito ang paglalabas ng arrest warrant ng Sandigan Bayan.
02:54Ni-raffle na ng Sandigan Bayan kung anong divisyon ang maglalabas ng warrant at didinig sa kaso.
03:00Ang 2nd Division sa ilalim ni Sandigan Bayan Presiding Justice Geraldine Ekong
03:04ang ahawak sa isang kaso ng graft ni Estrada.
03:07At ang 5th Division naman na hawak ni Sandigan Bayan Justice Sally Trespeses
03:11ang didinig ng kasong plunder at isa pang kaso ng graft.
03:15Out on bail lang ngayon si Estrada para sa kasong graft,
03:18kaugnay ng pork barrel scam na dinidinig pa rin sa Sandigan Bayan.
03:22Hindi sumagot ang Ombudsman kung pwedeng humingi ng sakloro si Estrada sa Senado
03:26kung may lalabas ng arrest warrant laban sa kanya.
03:31Sagot ni Estrada sa kaso, gagawin niya ang lahat ng mga legal na remedyo.
03:40Hiniahanda rao ng kanyang mga abogado ang mga hakbang para maipakita
03:44ang mga irregularidad sa naging proseso at ebedensyang hindi binigyan ng timbang.
03:49Kapansin-pansin din daw na mula na magpalit ang liderato ng Senado
03:53ay naging mabilis ang pag-usad ng mga kasong kinasasangkutan
03:56ng ilang miyembro ng mayorya sa Senado.
03:59Itinanggin na ng Ombudsman ang ganyang paratang.
04:02Hinihingin pa namin ang pahayag si Bunuan at iba pang kinasuhan.
04:05Joseph Morong, Nakatutok 24 Oras.
Comments