00:00Sa ibang balita, nagpapatuloy pa rin ang special payout para sa TNVS drivers na hindi pa nakahakuha ng kanilang ayuda.
00:09Si Carlo Luis Candelaria sa detalye.
00:15Mabilis at maayos.
00:16Ganyan inilarawan ng apat na buwang buntis na TNVS at delivery driver na si Sheila Cinco
00:22ang proseso ng special payout ng DSWD para sa mga drivers sa San Juan Arenang
00:26galing pa siya sa San Jose del Monte sa Bulacan at isa siya sa mga nakaschedule ngayong araw
00:31natatanggap ng 5,000 pisong cash relief assistance ng pamahalaan para sa mga transport workers.
00:36Anya, malaking bagay ang ayudang matatanggap. Pandagdag ngayong tumataas ang presyo ng mga bilihin.
00:42Maganda, tsaka hindi siya hassle. Tapos very hospitable yung mga nag-a-assist.
00:50Mabilis yung process. Hindi mahirap kumuha ng payout. Very good.
00:55Sobrang makakatulong, syempre. 5,000 is 5,000. Pambayad ng bills na taas ng meral ko ngayon.
01:02Ayon sa DSWD, mula noong unang araw ng special payout noong lunes,
01:07nasa 11,000 drivers na ang nakatanggap ng ayuda sa iba't ibang payout sites sa Metro Manila.
01:12Tugon pa rin ito sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na walang may iiwan
01:16sa pagbibigay ng suporta at tulong sa transport sector na lubhang apektado ng kasalukuyang energy emergency sa bansa.
01:22Hindi lang panandali ang ayuda ang inihahanda ng gobyerno.
01:26Umuusad na rin sa Kongreso ang Kalinga Bill.
01:29Sa pagharap ni DSWD Secretary Rex Gatchalian sa House Lead Committee,
01:33binigyang din niya ang kahalagahan na mapag-isa at ilink ang mga database ng gobyerno
01:38gaya ng PhilSys at Community Based Monitoring System o CBMS
01:42upang mas mapabilis ang pamamahagi ng ayuda sa mga susunod na economic shock.
01:46The mechanisms or the groundwork is already there. CBMS is a law. We just have to maximize it.
01:53Sa pamamagitan ng proposed framework na ito, maaalis na ang proseso ng manumanong pag-verify
01:58sa mga listahan ng benepisyaryo.
02:00Ang panukalang ito ay kabilang sa mga hakbang ng pamahalaan upang patatagin
02:04ang crisis response ng gobyerno, alinsunod na rin sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
02:09Carlo Luis Candelaria para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.
Comments