00:00Matapos ang tricycle drivers, umarangkada na ang pamamahagi ng cash relief assistance sa mga PUV drivers kung saan ang nakaschedule
00:09ngayong araw ay ang TNVS driver.
00:12Si J.M. Thompson sa Sentro ng Balita.
00:17Walang patid na pagbibigay ng ayudang pinansyal ang Department of Social Welfare and Development o DSWD sa iba't ibang sektor,
00:26lalo na sa mga driver na lubhang apektado ng taas presyo ng produktong petrolyo.
00:31Makakatulong din kahit paano po ito. Sa lubo ng ITDIS, may tutulong makakatulong po ito.
00:36Pang gasolina lang po talaga namin ito, dun sa nawawala sa amin na ano po. Dati po kasi ampult lang
00:43po namin, 1-8 lang, ngayon 3,000 na po talaga ampult lang po namin.
00:48Tuloy-tuloy ang pamamahagi ng 5,000 cash assistance dito sa Quezon City ng DSWD para sa mga TNVS drivers
00:56bilang tugon sa walang tigil na pagsirit ng presyo ng produktong petrolyo, dulot pa rin ng kaguluhan sa gitnang silangan.
01:04Tinatayang nasa 8,000 TNVS drivers ang inaasahang makatatanggap ng cash relief assistance na 5,000 piso dito sa Quezon
01:13City Circle.
01:14Simple lang ang requirement. Kailangan dala mo ang original driver's license, ipa-photocopy ito at pirmahan ang photocopy ng tatlong
01:23beses.
01:24Maayos naman ang sistema ang ipinatutupad dito. May verification table kung saan makikita ang number ng beneficaryo na nasa listahan
01:32at maaari nang makuha ang 5,000 pisong ayuda.
01:36Sakaling namang magkaroon ng aberya at wala ang iyong pangalan sa listahan, maaari itong idulog sa itinalagang help desk para
01:45malaman kung ano ang susunod mong hakbang para mapasama sa master list.
01:49Ang listahan na mayroon ng DSWD ay galing at verifikado ng Transport Network Companies o TNC at Land Transportation Franchising
01:59and Regulatory Board o LTFRB.
02:02Sabayang nagaganap sa iba pang lungsod at munisipalidad sa Metro Manila ngayong araw ang pamamahagi ng ayuda.
02:09Magsisimula namang palawigin pa ang pagbibigay ng Fuel Subsidy Program simula as 6 ng Abril para sa iba pang sektor.
02:18J.M. Thompson para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.
Comments