Skip to playerSkip to main content
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.


#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

πŸ—ž
News
Transcript
00:01Bukod sa mga ayuda sa mga PUV driver, ilulunsad na rin sa susunod na linggo ang Service Contracting Program para
00:07sa kanila.
00:08Inaasahang ding milyong-milyong pasahero ang makikinabang sa diskwento sa pamasahe.
00:14May ulit on the spot si Salima Refran.
00:16Salima!
00:22Connie, iniahanda na nga na Department of Transportation ang rollout ng Service Contracting Program
00:27sa mga pampublikong sasakyan sa April 15.
00:32Ayon kay Transportation Secretary Giovanni Lopez, ilalabas ng LTFRB ang mga panuntunan para mapasali sa programa.
00:40Ilalabas rin ng fair matrix o halaga ng discounted na pasahe na babayara ng mga pasahero.
00:4520% discounted kasi mga pamasahe sa mga PUV na kasali sa programa.
00:50Maaaring umabot pa ang diskwento sa 40% kung ang pasahero ay estudyante, PWD, or senior citizen.
00:57Sa akop ng programa, tinatayang nasa 50,000 modern at traditional jeepneys, UV Express, city buses, at EDSA Carousel buses
01:05sa 823 na ruta sa buong bansa.
01:09Ang mga rutang ito ay para sa mga pangunahing kalsada at mga kukonekta sa mga relays tulad ng MRT at
01:14LRT na may 50% discount na rin sa pasahe.
01:1715 million passengers ang tinataya ng DOTR na makikinabang sa programa.
01:23Ang mga sasali na PUV babayaran ng 30 hanggang 100 pesos kada kilometro depende sa uri.
01:30Ang babayaran lang ng gobyerno ay para sa 100 kilometers kada araw.
01:34Para raw ito, mas maraming PUV ang makasali at mas maraming pasahero ang maserbisyuhan.
01:39Imamonitor ang mga biyahe sa pamamagitan ng GPS at manual monitoring ng DOTR.
01:44Sa mga wala pang GPS, nangako ang mga service providers sa DOTR na ibababa sa 500 pesos kada buwan ang
01:51paggamit sa GPS.
01:53Bank accounts o e-wallets ang pamamaraan ng pagbabayad at nangako ang DOTR na dapat mabayaran ang mga service contractors
02:00sa loob ng tatlo hanggang limang araw.
02:04Sa kompetasyon ng DOTR, 1,000 pesos kada araw ang maiuwi ng mga sasali sa service contracting.
02:11Nakikiusap naman sa Secretary Lopez na huwag na raw saan ng samantalihin pa ng iba ang programa.
02:16Mabigat na parusa ang kakaharapin nila.
02:19Narito ang bahagi ng pahayag ni Transportation Secretary Giovanni Lopez.
02:25Nagutos tayo sa LTFRB na ang payment nito must be 3 to 5 days.
02:32Hindi na po tulad dati na haabot ng isang buwan kasi it defeats the purpose, it defeats the program.
02:38Makikiusap po muna ako sa inyo.
02:41Lahat naman po tayo ngayon ay apektado sa krisis.
02:44Ang inyong gobyerno, ang inyong pamahalan, gumagawa ng mga programa na makakatulong po sa ating lahat.
02:51At isa sa magandang programa, ito ay sinasabi nating service contracting program.
02:57Sana huwag niyong isipin pagsamantalaan pa ang ating mga commuters pasahero.
03:01Kasi po makakahasa kayo na mapipilitan po talaga kaming i-revoke, i-suspend ang inyong prangkisa.
03:09At hindi lang po kayo tatanggalin sa programang ito.
03:16Koni, nangihingi na nga ang DOTR ng 5 billion pesos na karagdagang pondo para mapalawig pa ang programa hanggang Hulyo.
03:25Ang inisyal kasi na 1 billion pesos ay para lamang o tataga lamang ng 2 hanggang 3 liggo.
03:33Inaayos naman na ang guidelines para sa service contracting sa maritime sector.
03:38Yan muna latest, Koni.
03:39Maraming salamat sa Lima Refran.
03:43Kasunod nga po ng inanunsyong service contracting program ng gobyerno,
03:47nabuhayan ang loobang ilan sa mga tsuper na nakausap ng GMA News.
03:51Habang ang iba, may pangamba.
03:53Balitang hatid ni Bea Pinlock.
03:59Mahigit isang buwan ng halos walang naiuuwing kita sa kanyang pamilya ang tsuper ng jeep na si Mang Alfonso dahil
04:06sa taas presyo sa diesel.
04:07Kaya nabuhayan daw siya ng loob sa service contracting program ng gobyerno na ipatutupad sa April 15.
04:13Sa ilalim ng programang ito, babayaran namin ang ating mga operator at driver ng mula 40 pesos hanggang 100 piso
04:22kada kilometro.
04:24Dagdag ito sa kanilang kita mula sa pamasahe.
04:27Mas okay naman ng kaunti yun kasi ano eh, sa panahon kasi ngayon ha, hirap ng biyahe namin eh.
04:32Alas wala na nga lang kami kitain, kaya nga lang, nagmamalasakit lang kami sa pasahero.
04:38Tama lang yun na magkano sila sa amin.
04:41Ayon kay Pangulong Bongbong Marcos, humigit kumulang 50,000 pampublikong sasakyan,
04:47sanlibong operators at 15 milyong pasahero ang makikinabang.
04:52Ipatutupad ang programa sa off-peak hours para raw matiyak na may masasakyan pa rin ang publiko kahit hindi rush
04:59hour.
05:00Kakabitan ng GPS o Global Positioning System ang lahat ng mga unit na sakop ng programa para mamonitor ang biyahe
05:07nila.
05:07Walang problema kung lalagyan ng GPS. Basta kung ano yung nararapat na ibigay nila sa amin, mabuhay lang kami, okay
05:13lang.
05:14Pero ngayon pa lang, may pangamba na ang ilang choper.
05:18May harap yung gawin ma'am. Pag ganyan kasi maaba naman ang proseso po eh.
05:21Yung proseso natin ng mabagal eh. 80% malaba po mangyayari.
05:35Magpapatupad din ang gobyerno ng fuel subsidy na 10 piso kada litro para sa mga PUV na may maximum na
05:41150 liters kada linggo sa loob ng tatlong buwan.
05:45Magpapatupad tayo ng 10 piso kada litro na bawas para sa public utility vehicle na may maximum na 150 liters
05:54kada linggo sa loob ng tatlong buwan.
05:57Una sa Commonwealth, palalawakin natin ito sa mga susunod na araw sa Quezon Avenue, EspaΓ±a, Sapote, Ebonifacio, Rizal at Marcos
06:07Highway hanggang mapalawak natin ito sa buong bansa.
06:10Hugot pa rin ang diesel yan sa 10 pisong dagdag. Hugot pa rin ang diesel yun sa taas ng diesel.
06:17Makakatulong din yun pero hindi pa rin sapat.
06:19Para naman sa mga commuter,
06:21May kasamang hindi bababa sa 20% na diskwento sa pamasahe.
06:27Ang mga ruta ay nakatuon sa mga lugar na may koneksyon sa tren at pangunahe mga bus route upang maging
06:34mas maayos, mabilis at maasahan ang biyahe.
06:38Matapos ang limang linggong mega oil price hike, sinabi ng ilang oil industry sources na posibling bawas presyo naman ang
06:46ipatupad sa petrolyo sa susunod na linggo.
06:48Sa gitna yan ang umiiral na tigil putukan sa pagitan ng Amerika at Iran.
06:53Ang diesel, nasa 2 piso at 50 centimo hanggang 8 piso kada litro ang posibling rollback.
07:00Piso hanggang 4 piso kada litro naman sa gasolina.
07:04Ayon sa presidente ng Jetty Petroleum, posibling nga ang rollback pero kailangan pang i-monitor muna ang sitwasyon.
07:10So nakita rin natin sa early trading ng crude at saka yung indication din ng mobs na may konting pag
07:16-akyat kumparado sa settlement niya.
07:18Maka mabawasan po yung possible rollback pero syempre malaki rin po yung factor dito na mag-i-corrects kasi naging
07:24malaki rin na in-appreciate ng peso.
07:27Ang binabantayan, ang resulta ng trading ngayong araw at sa magiging pulong ng Amerika at Iran.
07:34Bea Pinlock, nagbabalita para sa GMA News.
07:41Kahit na umiiral ang ceasefire sa pagitan ng Israel, Amerika at Iran, kakaunti pa rin ang mga barkong dumaraan sa
07:48Strait of Hormuz.
07:50Batay po yan sa pagbabantay ng ilang ship trackers.
07:53Ayon sa Marine Traffic, isang global ship tracking intelligence website, dumaan kahapon sa Strait of Hormuz ang MSG ng Bansang
08:01Gamon.
08:02May dala itong 7,000 toneladang Emirati Fuel Oil at papuntang India.
08:08Bukod po sa MSG, dalawang Iran flag tanker at anim na bulk carrier pa lamang ang dumaan sa Strait of
08:16Hormuz mula ng maging epektibo ang ceasefire.
08:22Lumakas bilang tropical storm ang binabantay ang bagyo ng pag-asa sa Pacific Ocean.
08:26May international name na ito na Sinlaku.
08:30Ayon sa pag-asa, namataan ang bagyo sa layong 2,730 kilometers silangan ng northeastern Mindanao.
08:39Taglay po nito ang lakas ng hangina abot sa 75 kilometers per hour.
08:43Mabagal pa rin po itong kumikilos, 10 kilometers per hour, patimog kanduran.
08:48Sabi po ng pag-asa, walang magiging epekto sa bansa ang masabing bagyo ngayong weekend.
08:53Pusibling sa pagitan po ng miyerkoles hanggang biyernes ng susunod na linggo,
08:57papasok sa Philippine Area of Responsibility ang bagyo na tatawagin sa local name na Kaloy.
09:04Nananatiling mataas ang tsansa na lilihis at hindi maglalanfall sa bansa ang nasabing bagyo.
09:09Patuloy na makararanas ng mainit at maalinsangang panahon ang malaking bahagi ng bansa.
09:15Ayon sa pag-asa, may ridge ng high pressure area pa rin sa northern at central zone.
09:21Pero pusibling muli ang local thunderstorms sa ilang mga lugar sa bansa.
09:26Ayon sa pag-asa, pusibling pumalo ngayong araw sa danger level na 42 degrees Celsius ang heat index.
09:33Diyan po sa Dumangas, Iloilo, Catarman, Northern Samar, Zamboanga City at sa Cotabato City.
09:4141 degrees Celsius naman sa Butuan, Agusan del Norte.
09:45Maari naman pong umabot sa 40 degrees Celsius ang heat index sa Dagupan, Pangasinan at walong iba pang lugar.
09:53Dito naman po sa Metro Manila, pusibling umakyat sa 38 degrees Celsius ang damang init, partikular sa Pasay.
10:02Ito ang GMA Regional TV News.
10:07Patay ang isang driver matapos mabangga ng motorsiklo ang minamaneho niyang garong sa Pasukin, Ilocos, Norte.
10:14Sa investigasyon ng pulisya, pa-norte pareho ang garong at motor.
10:19Lumiko pakaliwa ang garong ng mabangga ng motorsiklo ang likurang bahagi nito.
10:24Doon na nawala ng kontrol ang driver ng garong at bumanga sa isang poste.
10:29Ayon sa mga otoridad, matulin ang takbo ng motorsiklo nang mangyari ang aksidente.
10:34Sugatan ang rider.
10:36Nagkaroon na raw ng inisyal na pag-uusap ang parehong kampo.
10:39Wala po silang pahayag.
10:44Bistado ang iligal umanong operasyon ng bentahan ng langis sa San Pablo, Laguna.
10:49Ayon sa pulisya, bukod sa iligal na pagbibenta, hindi otorisadong nag-iimbak sa isang compound ng resort ang mga sakot
10:58sa operasyon.
10:59Nagahalo rin daw doon ng petrolyo.
11:02Pitong sospekt ang arestado kabilang ang isang nagtangkaumanong manuhol ng mahigit 400,000 pesos para palayain ang kanyang mga kasama.
11:11Nasam-sam sa operasyon ang mahigit tatlot kalahating milyong pisong halaga ng petrolyo at iba't ibang kagamitan.
11:19Wala silang pahayag.
11:23Tone-toneladang mangga ang itinapon sa lawag Ilocos Norte.
11:28Ayon po sa isang mango grower, nabulok ang mga prutas matapos hindi maibiyahe dahil sa mahal ng presyo ng petrolyo.
11:37Ang dati daw na 20,000 pisong gasto sa kada truck, naging 50,000 piso na.
11:43Isang beses na lamang din daw ang biyahe ng truck kada araw.
11:46Malaking lugi raw sa kanila kung pipilitin pa rin ang dati tatlong biyahe ng truck kada araw.
11:53Sa ngayon, ibinibenta na lamang nila ang ibang mangga sa mga palengke pero matumal pa rin.
12:04Mga kapuso, mag-ingat po tayo ha sa modus ng pagnanakaw na gumagamit ng birthday cake.
12:11Sa Quezon City, iginapos at pinagnakawa ng isang senior citizen at kanyang mga apo sa kanila mismong bahay ng mga
12:18salarin na may dalaraw na birthday cake.
12:21Panoorin ng balitang hatid ni Bea Pinlac para huwag maging biktima.
12:28Minanmanan ng pulisya ang isang MPV, dalawang motorsiklo.
12:39At kotse na yan kung saan nakasakay ang anim na suspect sa birthday cake modus sa isang bahay sa San
12:47Bartolomeno, Valiches, Quezon City nitong Martes.
12:49Ang modus po ng mga suspect po natin ay kakatok sila doon sa gate and may ibibigay daw na birthday
12:59cake si mayor doon sa isang senior citizen.
13:02Matapos makuha ang loob ng 69-anyos na lola, pinapasok ang mga suspect sa bahay kung saan kasama ng senior
13:10citizen ang dalawa niyang apo.
13:11Iginapos umano ng mga sospek ang mga biktima, tinutukan ng baril at saka nagsimulang magnakaw.
13:18Nagawa pa nilang kumain sa loob ng bahay, nakuha yung sasakyan, dalawang motor, laptop and iba't ibang kasi ng mga
13:29alahas.
13:30Hindi bababa sa isang milyong piso ang halaga ng mga tinangay na gamit.
13:35Nalaman natin na nirent lang yung sasakyan na getaway sa mga karental.
13:42So na-trace natin kung saan yun, nalaman din natin na pag-arating na pag-arating nagpalit ka agad ng
13:50sasakyan.
13:50Pagkatapos ng kremen na ginawa nila, sinabi nila na kumonte ang sumama doon sa swimming.
13:58So kailangan namin magpalit na mas maliit na sasakyan.
14:01Natunto ng pulisya kung saan nagrenta ng getaway vehicle ang mga sospek.
14:06Naaresto sa barangay Commonwealth kinabukasan ang 37-anyos na sospek na nanutok umano ng baril sa mga biktima.
14:13Doon natin nakita yung mga ninakaw na mga gamit.
14:19Yung laptop, alahas, mga ID's pitaka.
14:22Hindi na po lahat na recover ma'am.
14:25Itinang ginaman ng lalaki na sangkot siya sa kremen.
14:27Pero totooan niyang may dala silang cake.
14:30Hindi raw siya bumaba ng sasakyan noon.
14:32Ako kasi nagmaniyo doon, sila yung may dala ng cake.
14:36Lahat magsiswimming kami, yun ang pagkakaalam ko.
14:40Ikot-ikot po kami mami. Ikot, pumunta Manila, ganun po.
14:45Tapos mga bandang tangali.
14:48Yun na po, naiaya po ako na maniwin ulit yung sasakyan na pupunta doon sa isang lugar.
14:56Hindi ko po alam na may ganun na modus na gagawin nila.
15:01Patuloy na tinutugis ang lima pang kasabot sa kremen.
15:04Ayon sa pulisya, sila rin ang nasa likod umano ng kaparehong modus sa Mandaluyong.
15:10Dati na raw silang nasampahan ng kasong swindling at estafa.
15:14Ngayon, mahaharap sila sa reklamong robbery, car napping, at illegal possession of firearms.
15:20Hindi na kuhanan ng pahayag ang mga biktima.
15:23Sinusubukan namang kuhanan ng pahayag ang Quezon City LGU
15:26dahil sa pagbanggit ng mga suspect kay Mayor.
15:30Bea Pinlak, nagbabalita para sa GMA News.
15:39Pinagunahan ni Asia sa multimedia star Alden Richards ang launching ng Hero for All campaign
15:44na timing sa commemoration ng National Day of Valor kahapon.
15:49Present ang inyong kumare sa launching ng campaign na in partnership sa foundation ni Alden.
15:54Doon namin nakilala ang OFW na si Rodora Alcaraz Tunyacau.
15:59Kinilala ang Heroic Act ni Rodora matapos iligtas ang isang sanggol sa sunog sa Taipo, Hong Kong.
16:06Aminado si Rodora na natakot siya noong panahong yun,
16:10pero mas nanaig ang kagustuhan niyang makatulong.
16:13Pinuri rin ni Alden ang ginawang kabayanihan ni Rodora.
16:20This is an initiative to recognize yung mga unsung heroes natin na gumagawa ng good deeds within the community.
16:30So parang ang ganda lang kasi very timely nga siya.
Comments

Recommended