Skip to playerSkip to main content
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.


#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Tungkol sa efekto ng krisis sa Middle East sa ating healthcare sector,
00:03kausapin po natin si Health Undersecretary Dr. Albert Domingo.
00:07Magandang umaga at welcome po sa Balitang Hali.
00:10Magandang umaga, Connie. Magandang umaga sa lahat ng mga kapuso na nakikinig at nanonood.
00:15USEC, base po sa inyong monitoring, kamusta ba yung presyo at supply po ng mga gamot sa gitna po ng
00:19Middle East crisis natin?
00:22Dalawa po ang pinag-uusapan, ang supply at ang presyo.
00:26Nakita na rin po natin, narinig na natin mula dun sa mga mismong industriya.
00:30Nang mga gamot na walang problema ang supply.
00:32Ang problema lang dito ay yung transportasyon at hindi lang ang gamot.
00:36Lahat naman yan, pati mga gulay, pati mga ibang mga bagay,
00:39ay naapektohan dahil sa sigalot sa gitnang silangan.
00:43Tuloy pa rin po ang mga presyo, walang tumataas.
00:45At mismong pihap nila nagsabi na hindi nataas ang presyo hanggang Hunyo 2026.
00:50I see. At sabi nga, Connie, Pharmaceutical and Healthcare Association of the Philippines,
00:55yung mga membro daw nila, yung sumasalo ng impact ng Middle East crisis sa presyo po ng gamot
01:00para hindi nga daw maramdaman pa ng mga pasyente.
01:04Ano ho naman ang inyong masasabi rito?
01:06At kung sakasakali, ano ang magagawa ng gobyerno pang salo naman doon po sa kanila?
01:12Kita po natin yung pakikisama ng ating mga kasamahan sa industriya.
01:17Maraming salamat sa kanila.
01:18Sila na mismo nagsabi yung salita na ambag.
01:21Dahil meron naman talaga mga profit margins na pwedeng bawasan ang bawat kumpanya.
01:26Ayoko nalang bangitin yung mga ibang industriya.
01:28Pero sana groan rin sila para hindi kasing mahal yung mga presyo na nakikita natin.
01:32Pero having said that, kita natin na sa maayos na usapan at nakikita natin kung ang mga cost inputs ay
01:39tunay na dahil sa langis.
01:40Ibig sabihin, kung kakailanganin pagdating ng punto ng Hulyo na magtaas ng presyo,
01:46handa naman pong saluhin ng gobyerno.
01:48Bakit po?
01:49Sa mundo ng kalusugan, meron tayong financing arm.
01:52Yan po ang PhilHealth.
01:54Ang PhilHealth ay maaaring magtaas ng benepisyo.
01:56Basta po sigurado at ng ongoing na yung ating mga usapan sa ating mga industriya,
02:01natama yung deklarasyon na ito ba talaga yung nakasulat sa libro nila na pasweldo, pakuryente, pag-gasodina, etc.
02:09I see. At sa issue naman po, yung taas presyo kaya doon sa mga medical equipment, magkakaroon din ho ba?
02:16Garo na rin po yung usapin dyan.
02:18Parang gamot rin yan. Nagkataon lang na ibang bagay ito.
02:21Parang gulay rin yan. Nagkataon lang na ibang bagay.
02:23Kung ang ating mga inputs ay maapektuhan ng langis o nung diesel,
02:29walang problema. Pwede natin i-adjust yung ating pambili.
02:32Kaya nga po may budget ang DOH para sa mga pambili nito.
02:35Sa gawin naman po ng mga pribadong ospital na gumagamit rin at tabuibili ng mga equipment na ito,
02:41maaari rin po naman natin na taasaan ang mga benefit package.
02:44Basta ang importante po sa amin is yung sinasabi namin dati na unbundling or breakdown ng mga costs
02:51para makita natin yung mga libro kung anong ba dito talaga yung dahilan ng pagtaas ng presyo.
02:56Yusek, matagal pa ba yung panahon kung kailan ho siguro masasabi natin na maging self-sufficient din tayo
03:02pagdating po sa pagbibenta ng mga gamot dito sa ating bansa?
03:05Tulad na lamang ho, no, ng India halimbawa, hindi din naman sila ganung kayaman na bansa,
03:09pero sa kanila ho, nagagawa nilang murang-mura na maibenta yung kanilang mga gamot doon.
03:15Ang pinagkaiba kasi, Connie, ng India sa Pilipinas ay 10 times ang kanilang population ng size natin
03:21na sa mga 100 million something tayo, sila 1 billion.
03:24Kung kayo po ay negosyante, malaki po yung market ng India.
03:28Kaya kahit magtatag doon ng mga manufacturing plants, walang problema.
03:32In fact, yun ang dahilan kung bakit matagal na natin nililigawan.
03:35Ang sinasabi nga natin dito, magkaroon tayo ng mga pharma zones kung saan may mga tax exemptions.
03:40Pero yung mga kumpanya kasi, ang tingin nila sa atin, maliit pa rin na market.
03:44Pero patuloy yung usapan na yan kasi ang isang nakikita nating advantage ng ating bansa
03:50ay ang ating geographical location.
03:52Yung nasa Southeast Asia tayo, yung ating Manila at Subic ports,
03:57pwede yan actually maging jump off points for shipments.
04:00Pero yan yung mga nakikita natin na ways forward.
04:03I see. Eto naman, usapin ang tag-init.
04:06Yung mga sakit na talamak tuwing tag-init, ano-ano ba yan?
04:09Paalala lang natin at ano yung mga binabantayan ng mga kababayan natin dapat sa mga panahon ito?
04:16Tama, Connie. Ang pinakaayaw natin mangyari ay tayo yung mahimatay,
04:19mawalan ng malay o kaya mangisay dahil sa sobrang init at dehydration.
04:24Yung binanggit ko po is yung ating heat stroke.
04:26Yan yung pinakadelikado sa lahat.
04:28Pero ang sumusunod dyan na hindi ganun kadelikado yung sinasabi na heat exhaustion
04:32saka yung ating heat cramps.
04:34Ang pag-iwas po doon ng tubig, 8 to 10 glasses of water per day.
04:392.5 liters sa total para hindi tayo matuyuan.
04:42Tapos ang ating mga pananamit dapat,
04:44maluluwang saka light-colored,
04:46huwag yung madidilim saka hapit sa ating katawan
04:48para hindi tayo mainitan.
04:50Yung iba pa, Connie, sunburn.
04:52Uso ngayon, lalo na sa mga pupunta sa beach,
04:54kailangan ng ating SPF 30 ang lotion.
04:57Tapos siguro isang important na lang yung sinasabi natin
05:00na food poisoning, maiwasan natin yun
05:02dahil sa init ng panahon ngayon,
05:04mabilis sa panis sa pagkain.
05:062 hours lamang sa labas ng ref.
05:07Pagka hindi makakain kaagad, i-ref muna.
05:09Ayan, magandang paalala at gabay po yan.
05:12Maraming maraming salamat po sa inyo, USEC.
05:15Salamat rin, Connie, at magandang umaga.
05:17Yan po naman si Health Undersecretary Dr. Albert Domingo.
05:25Luling sa magandang, i-ref muna.
05:25Arba ti manan, magandang umaga.
05:25Kaeh, ko muna, magandang umaga.
05:27Patakai va nangyuka nangyuka.
Comments

Recommended