Skip to playerSkip to main content
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.


#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Paalala po sa mga magbabakasyon, siguraduhing nakalock ang pinto ng inyong mga bahay bago umalis.
00:06Sa Quezon City, nilooban ang isang bahay habang nakabakasyon ang may-ari.
00:10Mahigit 200,000 pisong halaga ng mga relo at alahas ang natangay.
00:15Balita natin ni James Agustin.
00:23Kuhang video na ito ng isang concerned citizen sa barangay San Bartolomeno Valiches, Quezon City, madaling araw noong Biernes Santo.
00:37Ang isang lalaki may kita na lumabas mula sa ikalawang palapag ng bahay.
00:42Nakatakip ang kanyang muka ng itim na tela habang naglalakad paalis sa lugar.
00:46Ayon sa polisya, agad na nai-report sa 911 ang insidente ng akyat bahay.
00:50Ilang oras lang hinanap ng mga patrollers natin, may nakita nila yung taong nasa video.
00:58Nung nilapitan nila, sunubukan pa tumakas ng sospek pero inabutan naman ang mga polis natin at agad na inaresto.
01:08Arestado ang 33 saanyo sa sospek na napagalamang residente ng Cainta Rizal at dumayo lang sa Quezon City.
01:15Base sa imbisigasyon, nasa bakasyon ng may-ari ng bahay na mangyari ang krimen.
01:18So, naiwan po yung bahay na wala pong tao.
01:22At yun nga po, sinamantala na po na itong mga akit bahay na ito.
01:27Umakit po siya sa second floor ng bahay tapos pinwersang buksan po yung aluminum na sliding door po ng bahay.
01:35Nabawi mula sa sospek ang ninakaw na dalawang relo at ilang alahas na nagkakalaga ng 61,500 pesos.
01:41Pero hindi na nakaw ang iba pang alahas na nagkakalaga naman na mahigit sa 236,000 pesos.
01:47Na-recover na po ng mga pulis.
01:50Di ba yung mga hindi pa rong narut na recover?
01:52Hindi.
01:54Wala po akong masasabi dyan.
01:56Ba't mo nagawa yun?
01:58Pangailangan.
01:59Sa record ng pulisya, taong 2006 nang maareso ang sospek dahil din sa pagnanakaw.
02:05Minor na edad pa siya noon.
02:07Ngayon, maharap siya sa reklamong robbery.
02:09James Agustin, nagbabalita para sa GMA News.
02:14Dismayado ang ilang naghihintay sa pila ng mga gustong makabili ng 20 pesos kada kilong bigas
02:18sa isang sangay ng Department of Agriculture sa Quezon City.
02:22Alas dos pa lang daw kasi ng madaling araw.
02:25Humila na sila pero priority pala ang mga may online appointment.
02:29May ulat on the spot si Ian Cruz.
02:31Ian?
02:35Yes, Rafi, tumaas nga ang emosyon dito sa tapat ng Bureau of Animal Industry
02:40ng Department of Agriculture dito sa Quezon City.
02:48Dahil nga, Rafi, yung iba sa ating mga kapuso ay alas dos pa lamang ng madaling araw
02:53ay nakapila na para nga sa murang bigas at sumama ang loob ng iba
02:59dahil nga pumila sila ng madaling araw, yun pala isimula na ng online appointment
03:04para maka-avail ng 20 pesos na bigas.
03:07Mahalaga sa kanila ang pagbili ng murang bigas lalo't sa palengke.
03:10Naglalaro na rao sa 55 to 65 pesos ang kadakilo ng bigas na kaya nilang bilhin.
03:15Ayon naman kay Dan Consignado na taga-FTI
03:18nasa limandaan ang nakapag-online appointment
03:20pero dahil nga sa biglang dagsa ng tao,
03:23piniyagan ang nasa limandaang walk-in para makabili ng bigas.
03:27Ayon kay Lola Mila Baile, 72 years old,
03:30hindi nila alam na may appointment na kaya tinis nilang gutom, puyat at pagod sa pagpila nila.
03:35Sila ka daw ay 1 a.m. pa lang narito na.
03:38Napakahalaga rao ng murang bigas.
03:40Si Nelya Gala naman, anak na si Ronaline,
03:42ang gumawa ng appointment kaya nakabili ng bigas na 20 pesos.
03:48Ayon kay Ronaline, nag-click lamang siya sa link ng kadiwan ng Pangulo.
03:52Nabatid na kabilang sa maaring mag-avail ng murang bigas
03:55ang mga four-piece beneficiaries, mga senior citizens, BWD, solo parents,
03:59kasama na rin ang magsasaka, mangingisda, pati na ang PUV drivers.
04:05Narito ang pahayag ng ilan sa ating makapanayang.
04:09Anong oras na kami?
04:12Naunan lahat!
04:13Kapi nila!
04:16Ayosin niyo kapilahan!
04:17Sa lahat!
04:19Ngayon lang po namin alaman na ganyang may appointment na.
04:24Ngayon kanina, nung kami nakapila,
04:27hindi namin malamang kung kami uuwi na.
04:29Kasi ang ano nila may appointment na pala,
04:33sayang naman yung naging pila namin, 1 o'clock, nandito na kami.
04:37Nalaman ko po doon sa kaibigan ko talaga
04:39kasi nag-usap-usap kami, pipila naman.
04:42Ngayon sabi,
04:43Hoy, hindi na tayo pwede, kailangan makaregister na,
04:46nag-ano na yun sa kadiwa.
04:52Trafisa, ngayon nakita natin,
04:54nakapasok na yung bandandulo ng pila
04:58nung mga walang appointment,
04:59papasok doon sa bilihan ng 20 pesos na bigas.
05:02Ito namang mga nakikita mo,
05:04ito sa aking likuran,
05:05sila yung labas na doon sa 500 walk-ins na pinayagang makapasok.
05:10Nagpapalit sa sila ng pangalan.
05:12Ang sinasabi daw sa kanila ay,
05:14bukas pa sila maaaring makabili
05:16ng 20 pesos na bigas.
05:19At yun namang mga taga-DA na nakausap natin,
05:22ang sinasabi nila talagang kailangan na nga,
05:24na magkaroon ng online appointment.
05:26Ang sinasabi nila,
05:27kailangang i-check doon sa kadiwa ng Pangulo,
05:31yung link,
05:31at sundan lamang yung mga kailangang ipasok
05:35na mga detalye
05:36para nga mabigyan sila ng pagkakataon
05:38na makapag-avail ng 20 pesos na bigas.
05:41Iyan, abatid na ba kung saan nagsimula yung problema?
05:44Inanunsyo ba ito at may sapat bang panahon
05:46para mabasa nung mga bibili rito yung anunsyo?
05:55Yes, Rafi,
05:56ang sinasabi naman sa atin
05:57ng mga taga-DA,
05:58ng mga taga-FTI,
05:59may announcement naman daw
06:00sa mga social media page.
06:02Pero ang naging problema, Rafi,
06:04tulad nga nung isang lola
06:06na talagang nagihimuto kanina,
06:08wala siyang gadget,
06:09hindi siya sanay gumamit ng telepono.
06:11So, yun nga, Rafi,
06:12paano daw nila makikita
06:14yung mga ganung anunsyo?
06:15So, dahil nga dyan sa mga ganyan sitwasyon
06:18ay napagbigyan yung mga nag-walk-in kanina.
06:21Pero sa ngayon,
06:22ang pakiusap ng DA
06:23kung hindi kaya ng mga senior citizen
06:25at nung iba pa nating mga kababayan
06:27kung wala silang gadget,
06:29maari naman daw ipakiusap ito
06:32dun sa mga kanila nakababatang anak
06:34o apo
06:34para sila ay makapagpa-appointment.
06:37Dahil simula na nga daw kasi
06:39ng appointment system dito sa Benteng Bigas
06:42dahil ang nais talaga ng DA
06:43ay hindi na sila pumipila
06:45mula madaling araw,
06:47hanggang umaga
06:48o hanggang tanghali.
06:49Kapag daw naging efektibo na
06:51talagang susunod na lahat
06:52dito sa appointment system
06:54ay yung oras na dapat papasok ka sa loob
06:56ay dun ka lamang dapat lumating
06:58dito sa sangay ng DA Rafi.
07:01Ganun na ba katagal daw itong online system nila
07:03para sa 20 pesos na bigas sa iyan?
07:09Rafi, nung nakausap natin yung taga DA Amas
07:12sinabi nila sa atin na ngayon
07:13daw yung simula nitong online appointment.
07:16Kaya nga yung mga nakausap natin
07:18talagang nagulat sila
07:19dahil ang ginagawa lang nila dito
07:21kapag meron silang alam
07:23na magkakaroon nga ng 20 pesos na bigas
07:25pumipila na sila dito.
07:27Lalo na yung mga taga 4Ps,
07:28mga senior citizens,
07:29mga PWDs,
07:30talagang regular na raw nilang
07:32ginagawa yung dito.
07:33Ang gusto naman ng DA Rafi
07:34is hindi na nga maibsan
07:37yung sakripisyo
07:38ng ating mga kababayan
07:39na pumipila dito
07:41kaya nagkaroon itong appointment system.
07:43So sa ngayon Rafi,
07:45ang talagang kailangan
07:47ng talagang paigtingin
07:48ano eh yung awareness
07:49para sa ating mga kababayan
07:51para nga lahat
07:52ay makabati kukul dito.
07:54Pero sa ngayon pa lang,
07:55ano,
07:55dito pa lang sa mga nakakausap natin,
07:57sila-sila ay
07:59nagsasabi na dun
08:00sa kanilang mga kakilala,
08:01kaanak at kaibigan
08:02na yun nga,
08:03kailangan na mag-online appointment
08:05para makapag-avail
08:06ng 20 pesos na bigas rat.
08:09Siguro makakatulong din dito
08:11yung mga opisyal ng barangay.
08:12Maraming salamat sa iyo,
08:13Ian Cruz.
08:15Balik-trabaho na nga po
08:17ang marami matapos
08:18ang Holy Week break
08:19at balik din
08:20ang pahirapang pag-commute.
08:22Kanina nga po maaga
08:23eh pahirapang makasakay
08:25sa bahaging Filcoa
08:26sa Commonwealth Avenue,
08:27Quezon City.
08:28Punuan po yung mga bus
08:30mapa-air-conditioned
08:31o ordinary man.
08:32Ganyan din po ang sitwasyon
08:33kahit sa modern
08:34at traditional jeepney.
08:36Ayon sa ilang pasahero,
08:38inabot sila
08:38ng halos 40 minuto
08:40sa paghihintay
08:41ng masasakyan.
08:46Malinsangang panahon pa rin
08:47ang aasahan ngayong araw,
08:48gaya noong Semana Santa.
08:50Ayon sa pag-asa
08:51nitong April 4,
08:52Sabado de Gloria,
08:53naitala sa Echagi Isabela
08:55ang pinakamataas
08:56na temperatura sa bansa
08:57noong araw na yun
08:5836.4 degrees Celsius.
09:01Dito naman sa Metro Manila,
09:02umabot sa 33.8 degrees Celsius
09:05ang init nitong
09:05Biernes Santo
09:06sa Quezon City.
09:07Ngayong lunes,
09:08posibleng pumalo
09:09sa 42 degrees Celsius
09:10ang heat index
09:11o damang init
09:12sa Dumangas Iloilo
09:13at sa Katarman Northern Samar.
09:16Yan po yung pinagsamang
09:17epekto ng init
09:18ng hangin at alinsangan.
09:2041 degrees Celsius
09:21naman sa Pili Camarinesur
09:23at sa Giwan Eastern Samar.
09:2540 degrees Celsius
09:27ang posibleng heat index
09:28sa Dagupan, Pangasinan,
09:30Apari, Cagayan,
09:31Tugigaraw, Cagayan
09:32at ilan pang lugar
09:33sa Luzon.
09:34Gayun din po sa ilan pang lugar
09:36sa Visayas at Mindanao.
09:38Samantalang aabot
09:39sa 38 degrees Celsius
09:40ang heat index
09:41dito sa NCR,
09:42particular sa Pasay.
09:44Patuloy na umiira
09:45sa Northern at Central Luzon
09:46ang ridge
09:46ng high-pressure area
09:48kaya ang mababang chance
09:49sa naulan sa mga nasabing lugar.
09:51Posible pa rin
09:52ang mga local thunderstorms
09:54sa iba pang panig
09:54ng bansa
09:55kasama na
09:55ang Metro Manila.
09:59Ito ang
10:00GMA Regional TV News.
10:04Patay ang isang babaeng
10:0612 anyos
10:07matapos po malunod
10:09sa Anggat River
10:10sa Bulacan.
10:11Baso po sa investigasyon,
10:13nag-outing doon
10:14ang batang babae
10:15kasama ang kanyang pamilya
10:16nitong Sabado de Gloria.
10:18Napadpad daw siya
10:19sa malalim na bahagi
10:20ng ilog
10:21kasama ang kanyang pinsan.
10:23Nakaligtas
10:24ang kanyang pinsan
10:25pero ang babae
10:26lumubog
10:27at hindi na hunakita
10:28ng kanyang mga kaanak.
10:30Na-recover
10:30ang katawa ng babae
10:31makalipas
10:32ang ilang oras.
10:33Kasunod po ng insidente,
10:35ipinagbawal ng barangay
10:36ang pagligo sa ilog.
10:39Sa Corner, Apayaw,
10:42nalunod din
10:42ang isang lalaki
10:43sa Nabuangan River.
10:45Humingi ng tulong
10:46ang mga kasama niya
10:47para hanapin ang biktima.
10:49Nang makita po siya,
10:51binigyan siya
10:51ng cardiopulmonary resuscitation
10:53o CPR
10:54bago dalhin sa ospital.
10:56Ayon sa mga rumisponding
10:58bumbero at pulis siya,
10:59binawian ng buhay
11:00ang lalaki.
11:03Nagbugaan ng maitim
11:05at makapal na usok
11:06ang vulkan Mayon
11:07sa Albay.
11:09Nakuhanan niya
11:09ng isang residente
11:10sa bayan ng Kamalig
11:11alasais
11:12ng gabi-kagabi.
11:13Paalala po ng lokal
11:15na pamahalaan,
11:16manatili muna
11:16sa loob ng bahay
11:18at magsuot
11:19ng face mask
11:20kung kailangang lumabas.
11:22Ayon sa FIVOX,
11:23umaabot sa sandaan
11:24at 50 siyam
11:25na volcanic earthquakes
11:26ang naitala sa vulkan
11:28sa nakalipas
11:29na 24 oras.
11:31Nagkaroon din po
11:31ng mahigit
11:32300 rockfalls,
11:34labing dalawang uson
11:35o pyroclastic density currents
11:37at nagbuga
11:38ng mahigit
11:392,000 toneladang
11:40asupre
11:41o sulfur dioxide.
11:43Outro
Comments

Recommended