00:00Sa gitna ng mega oil price hike, pinangangabahan ngayon ang posibleng pagbaba ng produksyon ng bigas sa bansa.
00:07May unot on the spot si Mav Gonzalez.
00:09Mav?
00:11Connie, posibleng bumaba ng 20-50% ang produksyon ng bigas ng bansa dahil sa pagmahal ng fertilizer, bunsod ng
00:19gulos sa Middle East.
00:21Yan ang sinabi ni Department of Agriculture Undersecretary Asis Perez sa pagdinign ng Senate Committee on Agriculture, Food and Agricultural
00:27Reform.
00:28Base sa pag-aaral nila, maapektuhan ng ani na itatanim sana sa Mayo at Hunyo.
00:32At tatamaan nito ang inaasahang supply na 10 million metric tons sa Agosto at Setyembre.
00:38Kung wala raw tayong gawin, tsak mababawasan ito ng malaki.
00:42Tanong naman ni Sen. Bam Aquino, aangkatin na lang ba natin ang mababawas na supply?
00:47Sagot ni Perez, posibleng mahirap maghanap ng mabibilhan dahil nagaangkat din ang iba pang bansa.
00:53Itinutulak ngayon ng ilang senador na gumawa ng supplemental budget para pandagdag ayuda sa mga apektadong sektor.
00:59Pero sabi ng DA, kahit may pondo sila ay kulang na kulang ito para sa ayuda sa pataba.
01:05Dagdag ng DA, ang kaya lang nito isubsidize ay yung itinaas ng presyo ng pataba at hindi ang buong halaga
01:10nito.
01:11Sabi naman ng grupong Sinag, hindi na nag-aani ang ilang magsasaka dahil wala na silang kita.
01:16Ayaw naman daw nila ng rescue buying mula sa gobyerno dahil binabarat aniya mga magsasaka.
01:22Dapat daw magkaroon ng patas na farmgate price para kumita naman sila.
01:26Yan muna ang pinakasariwang balita habang patuloy ang pagdinig dito sa Senado.
01:30Connie?
01:31Maraming salamat, Mav Gonzalez.
01:32Mav Gonzalez.
Comments