Skip to playerSkip to main content
Aired (May 9, 2026): Nag-alboroto ang Bulkang Mayon kamakailan. Ang pagbuga nito ng makapal na usok at abo, nakaapekto sa mga pananim, alagang hayop, mga motorista't residente sa Bicol.

Pero sa gitna ng unos na naranasan ng mga lokal, umusbong pa rin ang tunay na diwa ng bayanihan. Si Eduardo Nova nga na may-ari ng carwash business, boluntaryong nililinis nang libre ang mga windshield ng mga sasakyan upang makatulong sa mga motorista na makita nang maigi ang daan.

Panoorin ang video.

Hosted by Vicky Morales, ‘Good News’ is a weekly newscast that rounds up the trending feel-good stories in the Philippines and offers D-I-Y fashion tips and affordable healthy recipes for Kapuso viewers on a budget. #GoodNews

Category

😹
Fun
Transcript
00:01Sa puso ng Bicolandia, matatagpuan ang isa sa pinakamagandang bulkan sa mundo.
00:08Ang Bulkan Mayon.
00:11Isa sa pinakaaktibong bulkan sa bansa at ang perpekto nitong hugis, makapigil hininga ang ganda.
00:21Pero sa likod ng ganda nito, isang pangyayari ang sumabog at gumulantang sa mga residenteng naninirahan malapit dito.
00:33Nagbuga kasi ito ng makapal na abo, dakong alas 5.30 ng hapon noong May 2.
00:41At sa sandaling minuto, halos baluti na ng dilib ang kalangitan.
00:48Biglaan po kasi siya, hindi naman po siya talaga tumunog.
00:52Lumagos na lang po yung parang tubig, tapos yun na po.
00:56Bumus na po yung maraming batong may apoy.
01:00Ang isa sa matinding napuruhan ang bayan ng kamalig sa Albay.
01:05Natakot kasi, apoy na yung kalaban. Wala ang kalaban-laban yung ta.
01:13Bagamat sanay na ang mga residente sa madalas na pagbuga ng abo mula sa vulkan,
01:18ang mga kapuso nating dikulano, hindi pa rin inasahan ang matinding pinsalang idudulot nito.
01:27Nariyang nabalot ng abo ang mga pananim at mga alagang hayop ng mga residente.
01:35Panganib din ang sumalubong sa mga kababayan nating motorista.
01:39Nang yakapi ng makapal na ashfall ang kanika nilang mga sasakyan habang binabagtas ang daan.
01:52Pero sa kabila ng matinding pananalasa ng pagbuga ng abo mula sa bulkang Mayon,
01:58may matatanaw pa rin good news.
02:01Nariyan ang mga kababayan nating bukas palad na naghatid ng pagkain sa mga evacuation center
02:07para maibsan ang gutom ng mga taong narito.
02:11Nagpapasalamat po kami sa lahat ng tumutulong sa amin dito sa evacuation
02:14na lahat-lahat po na tumutulong sa araw-araw.
02:18Maging ang simpleng ambag ng mga lokal na paglilinis ng kalsada,
02:23malaking tulong na para sa pagbangon ng kanilang komunidad.
02:30Ito naman ang kapuso nating good Samaritan na si Eduardo.
02:35Na mabilis nag-viral dahil sa pagsaboy ng tubig sa windshield
02:39ng mga motoristang dumaraan.
02:45Sabi ko, kailangan kung makatulong man lang po sa mga motorista
02:49na hindi na po nila makita yung daanan.
02:53Bilang meron siyang car wash business,
02:55batid daw ni Eduardo ang hirap ng pagmamaneho
02:58ng may makapal na duming nakaharang sa sasakyan.
03:02At maari pa nga itong pagmula ng aksidente.
03:08Hindi na nga raw niya alintana ang dami ng tubig
03:12na makukonsumo sa kanyang ginawa.
03:14Basta't ang importante, makatulong sa iba.
03:18Habang tumutulong pa ako, wala na po ako yung ibang naisip.
03:20Spray po lang ako, nang-spray sa windshield,
03:22hindi po nila tapos side mirror.
03:23Hindi ko po ma-explain po yung kasaya na nakatulong pa ako sa kanila.
03:27Kahit pa paano po, kahit simpleng ano lang,
03:30kahit simpleng pagtulong lang.
03:33Hindi lang kwento ng bayanihan at pagtutulungan
03:36ang nangibabaw ng magbuga ng abo ang Mayon Volcano.
03:40Dahil kung sa alamat, sumibol ang Bulcang Mayon
03:44mula sa kwento ng pag-iibigan
03:46ni nadaragang magayon at panganoron.
03:51Tila na isabuhay naman ang kanilang pag-iibigan sa kasalang ito.
03:57Masaya kasing ipinagdiriwang ang seremonya ng kasal
04:01nang biglang mag-alboroto ang bulkan.
04:07Nalikita niyo po ang Mayon,
04:08sa geerap.
04:15Sa gitna ng pag-aaydo ng dalawa,
04:20na kinukuna ng video,
04:23naging background pa ang view ng Bulcang Mayon
04:25na may kasamang pagbuga ng abo at uso.
04:33Pinakabaman ng bulkan,
04:35eto't buhay na buhay ang pag-iibigan.
04:39Mabuhay ang bagong kasal.
04:46Ang Bulcang Mayon,
04:48maihahalin tulad sa buhay ng tao.
04:51Nananatiling matatag sa gitna ng unos.
04:54At sa bawat pagsabog o paghinahon,
04:57patuloy nitong hinuhubog hindi lamang ang lupa,
05:01kundi pati pag-asa
05:02at pagtutulungan ng bawat isa.
05:11Pag-asa
Comments

Recommended