00:00Walang naisalbang gamit ang karamihan sa mga nasunugang residente sa Barangay Bagong Ilog sa Pasig City.
00:06At bukod po sa mga bahay, nasunog din ang ilang nakaparadang sasakyan.
00:10Saksi si Mark Salazar.
00:17Naglalagablab na apoy ang lumamon sa mga bahay sa isang residential compound sa Barangay Bagong Ilog, Pasig City, bago magtanghali
00:24kanina.
00:25Parang every second, lumalaki po siya eh. Sobrang laki po ng apoy.
00:29Ang bilis ng apoy dahil malakas ang hangin, mainit, tapos light material.
00:3411.49 ng umaga, idinekla ng nasa first alarm ang sunog. Wala pang sampung minuto, itinaas ito sa second alarm.
00:42Doon po sa tabing ilog eh. Basta na nagulat na lang ako, nagsigawan ng mga tao na sabi,
00:48mga bata, ilabas-labas na yung mga bata, ganun, kasi may sunog.
00:53E di ginawa ko, mga apo ko, pinalabas ko na lang din, tapos sumunod na lang ako.
00:57Noong una, nagbabayanihan pa yung mga tao eh.
01:00Pag titimba-timba pa sila, eh siguro hindi na nalaki na ya.
01:03Total, malaki na talaga yung...
01:05Bit-bit ang kanila mga timba, tumulong at nagbayanihan na rin ang mga residente
01:10para umagapay sa mga rumirisponding bumbero sa pag-apula sa apoy.
01:15Tulog! Kailangan daw ng timba-timba na tubay!
01:18Karamihan sa mga nasunugan, walang naisalbang mga kasangkapan.
01:22Marami pong nawalan na alam ko pong ibabalik po ni Lord dyan. Pray lang po tayo.
01:28Walang malubhang nasaktan sa sunog, maliban sa isang minor injury at ilang kaso ng pagkahilo.
01:34Sa tabi ng nasunog na residential compound, nadamay ang isang parking area kung saan nasunog ang ilang sasakyan.
01:41Kasama ang kay Gian.
01:42Nung naggaran ng sunog, ate ko na lang din po kasi nalaman.
01:46Sa kabilang kanto pa po ako galing, tumakbo na lang ako.
01:49Bahala na kung ano mangyari, kung may sasalba pa o hindi na.
01:53Pagpasok ko kasi malakas na yung apoy.
01:56Tapos nakita ko yung likod ng sasakyan, may apoy na rin po.
01:59Hindi na ako lumapit.
02:00Insured naman ang SUV ni Gian.
02:02Pero ang nasunog na kotse ni Robert ay hindi.
02:05Hanap buhay pa man din ni Robert ang kotse na naka-enroll sa TNVS.
02:09Galing ako ng Quezon City Circle, pumila ako ng limang oras para makuha ng fuel subsidy.
02:17Tapos pauwi na ako, tinawagan nung kapagpamangki ko.
02:20Yun nga, may sunog.
02:21Tinatanong kung nasan yung kotse ko.
02:23Yun, damay na pala yung kotse kasi sunog.
02:25Hindi pa maisip na Robert kung paano babangon.
02:29Naanan na lang din ako sa mga nasunogan.
02:30Mas sila apektado, kawawa.
02:32Nawala sila ng bahay.
02:33Oo, pero medyo sila, kawawa na awa din ang sana nila.
02:40Bago mag alas 3 ng hapon, idinikla rang fire out ang sunog.
02:44Inaalam pa rin ang kabuoang halaga ng pinsala sa ari-arian.
02:48Ako si Mark Salazar, ang inyong saksi.
Comments