Skip to playerSkip to main content
Nagkasundo ang Amerika at Iran na magtigil-putukan sa loob ng dalawang linggo. Sa ilalim nito, papayagan na ng Iran ang ligtas na paglalayag sa Strait of Hormuz.


Magandang balita lalo kung magpapatuloy dahil bahagyang bumaba ang presyo ng krudo habang lumakas nang kaunti ang piso laban sa dolyar.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Nagkasundo ang Amerika at Iran na magtigil putukan sa loob ng dalawang linggo.
00:06Sa ilalim nito, papayagan na ng Iran ang ligtas na paglalayag sa Strait of Hormone.
00:11Magandang balita lalo kung magpapatuloy dahil bagyang buwaba ang presyo ng krudo
00:16habang lumakas ng kaunti ang piso laban sa dolyar.
00:20Nakatutok si Joseph Morong.
00:25Dalawang oras bago magpaso ang kanyang deadline para raw pulbusin ang Iran,
00:29si US President Donald Trump din ang nag-anunsyo sa kanyang social media account
00:33na pumapayag siyang suspindihin ang pag-atake sa Iran ng dalawang linggo.
00:38Aniya, isa raw itong double-sided ceasefire.
00:41Ayon kay Trump, yan daw ay kasunod ng kanyang pakipag-usap sa mga leader ng Pakistan
00:46na namamagitan ngayon sa Amerika at Iran.
00:49Pero nakaangka raw ang ceasefire sa buo, agaran at ligtas na pagbubukas ng Iran
00:54sa Strait of Hormone, ang kritikal na daan ng tubig kung saan dumadaan
00:58ang 20% ng oil supply ng buong mundo.
01:02Sa pahayag naman ni Iranian Foreign Minister Syed Abbas Arachi,
01:06sinabi niyang kung titigil ang mga pag-atake sa Iran,
01:09hihinto rin ang kanilang militar sa defensive operations.
01:13Posible raw ang ligtas na paglayag sa Strait of Hormone
01:16sa loob ng dalawang linggo sa pamamagitan ng pakipag-ugnayan sa kanilang armed forces.
01:21Ayon kay Trump, naglatag ng 10-point proposal ang Iran.
01:24Sabi niya, workable umano itong basihan para sa negosasyon.
01:28Kabilang sa mga kondisyon ng Iran ang pananatili ng kanilang control sa Strait of Hormone,
01:33pag-alis ang lahat ng primary at secondary sanctions na dati nang ipinataw ng Amerika sa Iran,
01:38ang pag-alis ng US military sa Middle East at ang tuloy ang pagtigil ng mga pag-atake sa Iran
01:44at mga kaalyado nito,
01:45kabilang ang Lebanon.
01:47Bagamat tinanggihan na noon ang Amerika,
01:49ang ilan sa mga ito ayon kay Trump,
01:51karamihan sa inilatang ngayong proposal ay napagkasundoan na ng dalawang panig.
01:56Ang Israel susunod daw sa ceasefire,
01:58pero nilinaw ni Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu na hindi kasama ang Lebanon sa kasundoan tigil putukan.
02:05Ang anunsyong ceasefire nagresulta naman agad sa pagbaba ng presyo ng krudo sa world market.
02:11Puna sa may higit $100 per barrel, bumagsak ito sa $94.
02:16Joseph Morong, Nakatutok 24 Oras.
Comments

Recommended