Skip to playerSkip to main content
State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation.

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews


Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!


GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.


For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta


For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:04Inambahan at pinagsusuntok ng mga nagtitinda sa palengke ang rider na yan sa Malolos, Bulacan.
00:11Ayon sa polisya, nagkaroon ng pagtatalo sa pagitan ng rider at mga nagtitinda.
00:16Hindi daw pumayag ang mga tindero na pumarada ang rider dahil maaharangan ang kanilang mga paninda.
00:22Sumuko na sa polisya ang mga nambugbog.
00:25Ayon naman sa pinuno ng grupo, ininsulto sila ng rider kaya naggalit ang mga tindero.
00:31Itinanggi ito ng rider at iginiit na saglit lang siya na nakaparada sa lugar ng pagtulungan.
00:40Bago ngayong gabi, anim ang patay sa salpukan ng pampasaherong bus at multicab sa Ragay Camarines Sur.
00:47Ayon sa polisya, mga kawaninang lokal na pamahalaan ng bayan ng lupi ang mga nasawi.
00:53Sakay sila ng multicab at mag-a-outing sana ng magkasalpukan sa bus galing Maynila sa Andaya Highway.
01:00Patuloy ang retrieval sa kanilang mga labi.
01:05Agad bumaba ang presyo ng krudo sa world market matapos magkasundo ang Amerika at Iran na magkaroon ng dalawang linggong
01:12ceasefire.
01:13Pero ang kalbaryo ng mga Pilipino sa napakamahal na langis, inaasahang magtatagal pa kung bakit alamin sa report ni Chino
01:20Gaston.
01:24Mula noong girahin ng Amerika at Israel ang Iran noong February 28, halos buong mundo ang nalugmok sa krisis nang
01:32maparalisa ang supply ng langis.
01:34Sunod-sunod na sumirit ang oil prices sa Pilipinas pati sa ibang bansa.
01:39Kasunod ng pagsasara ng Strait of Hormuz na daanan ang 20% ng oil supply ng buong mundo.
01:46Mahigit isang buwan mula ng sumiklabang gera, tiigil muna ng dalawang linggong putukan.
01:51Inanunsyo yan ni US President Donald Trump, halos dalawang oras bago mapasoh ang kanyang deadline para makipagsundo ang Iran.
02:00Ayon kay Trump, isa itong double-sided ceasefire na napagkasundoan sa pamamagitan ng mga leader ng Pakistan.
02:07Naglatag daw ng 10-point proposal ang Iran.
02:10Ilan dito ay dati ng tinanggihan ng Amerika pero may ilan ding napagkasundoan na ng dalawang bansa.
02:16Sabi naman ang Iran na talo ang Amerika at tinanggap dito ang kanilang mga kondisyon.
02:22Sagot dito ng White House, napapayag umano ni Trump ang Iran na buksa ng Strait of Hormuz.
02:28Magpapatuloy raw ang mga negosasyon.
02:31Kasunod ng anunsyong ceasefire, bumaba ang presyo ng krudo sa world market.
02:35Mula sa mahigit $100, $94 to $96 na ito kada bariles.
02:41Lumakas din ang piso contra deliar.
02:43Sa unang pagkakataon nitong nakalipas na dalawang linggo, bumalik yan sa Php 59 level.
02:49Sa kabila niyan, posibleng matagalan pa bago maramdaman ang epekto ng ceasefire sa mga gasolinihan sa Pilipinas.
02:57Even with Hormuz open, even if we declog the ships that are stuck and all that,
03:03you're still talking refinery capacity, you're still talking storage.
03:08So, parang naimbudo eh.
03:11So, you need time to be able to catch up.
03:13So, it will take 30, 60, maybe even 90 days for the flows, the logistical flow to normalize.
03:20Hindi ritiyak na bababa agad ang war risk premium
03:23o yung mga dagdag na insurance na mga barkong daraan sa mga war zone
03:28na itinakda ng Joint War Committee ng mga insurance company.
03:31I don't think the Joint War Committee would be very quick to bring down the threat in the area
03:42because it's very temporary, not unless magkaroon ng permanent resolution yan
03:47and maybe the Joint War Committee can consider lowering the rates.
03:53Sabi ng Energy Department, maraming oil facilities ang nawasak
03:57kaya hindi pa maiduturing na normal ang sitwasyon sa Middle East.
04:01Posible pa rin daw na umabot sa 200 pesos kada litro ang langis.
04:05War stops today, will the 20% be able to deliver?
04:10I think it will take some months
04:11because most of the infrastructure, especially LNG, has been destroyed.
04:16And I think LNG in Qatar will take five years to fix.
04:19Ayon kay Garin, nasa humigit kumulang limampung araw ang fuel inventory ng bansa.
04:26Madadagdagan yan ng one million barrels ng diesel fuel ngayong Abril.
04:29Hindi naman anya pwedeng bumili ng langis para tumaas ang oil reserve ng bansa
04:34dahil kapos daw ang kakayahan nating mag-imbak.
04:37Chino Gaston, GMA News.
04:40Wala ang taas presyo sa mga basic necessities at prime commodities hanggang katapusan ng Abril.
04:46Napagkasunduan daw yan ng mga manufacturer at ng Department of Trade and Industry sa kanilang pulong nitong lunes.
04:52Sabi ni Trade Secretary Maria Cristina Roque,
04:55kabilang sa mga produktong hindi magtataas presyo ay ang canned sardines and meat,
05:00processed milk, tinapay, kape, lokal na instant noodles, bottled water, condiments at sabong panligot panlaba.
05:09Hindi rin daw kailangan mag-panic buying dahil sapatang supply ng mga ito.
05:13Maikpit din daw nilang ipatutupad ang suggested retail price o SRP sa basic commodities.
05:21Pinatawa ng cease and desist order ng Land Transportation Office
05:24ang organizer ng isang motorcycle challenge na nagdulot ng kabi-kabilang aksidente sa Mindanao.
05:30Ibig sabihin, bawal na mag-organisa ng anumang uri ng motorcycle endurance challenge
05:34ang organizer na BMW Owner Society of Safe Riders Inc. o BOSS.
05:40Sa 32 driver na inisuhan ng show cost orders,
05:4417 ang sinuspindi ng tatlong buwan.
05:46Isa naman ang pinagbawalan ang makakuha ng driver's license.
05:50May mga pinarosahan din sa iba't ibang paglaban.
05:54Isa ang nasawi at labing dalawa ang nasugatan
05:57sa kabi-kabilang aksidente sa motorcycle challenge noong Pebrero.
06:03Isa na namang insidente ng pagtakas matapos magpagas.
06:07Nangyari yan sa El Salvador City, Misamis Oriental.
06:11Ayon sa tauhan ng gasolinahan, umabot sa mahigit 7,000 pesos na halaga ng diesel
06:18ang pinakarga ng driver.
06:20Nakita pa raw ng kanyang kasamahan na tumatawa ang driver habang patakas.
06:26Naharang kinagabihan sa Iligan City ang sasakyan.
06:29Ayon sa nakarehistro ng may-ari ng sasakyan na inabutan ng mga polis,
06:33wala siyang alam sa insidente.
06:35Hindi raw siya ang nagmamaneho noong mga panahon iyon.
06:39Nagkausap ng may-ari ng sasakyan at ang gasolin boy.
06:42Nabayaran na rin ang ikinargang diesel sa SUV.
06:47Sa Quezon City, tinanggal na ng Bureau of Fire Protection
06:51ang tanking na bistong pinagsasalina ng diesel sa isang residential area.
06:56Bago kalasin ay tinanggal o pinasipsip muna ang laman nitong krudo
07:00na ayon sa BFP ay nasa 12,000 litro.
07:04Nauna ng sinabi ng BFP na mapanganib ang pag-imbak ng petrolyo,
07:09lalo't posibleng itong magdulot ng sunog.
07:14Napipilitan ng magwagmunang magtanim ang ilang magsasaka
07:18dahil sa mahal na langis na kailangan para sa patubing.
07:21Ang ilan naman, palugin ng ibinenta
07:23o kaya ipinamimigay na lang ang kanilang mga ani.
07:27May report si Ian Cruz.
07:31Ngayong tag-init, higit na kailangan ang patubing sa mga pananim.
07:35Yun nga lang, wala na ngang supply ng tubig sa irigasyon,
07:39nagtitipid pa ang mga magsasaka ng mais
07:41sa lawag Ilocos Norte sa paggamit ng water pump
07:45para bawas konsumo ng gasolina.
07:47Super hirap, sir, sa sitwasyon natin ngayon.
07:50Talagang, kung dati-rati na ginagamit namin na 10 liters lang,
07:54eh, nagiging problem na.
07:56Ang ibang araw sa kanila, hindi na muna magtatanim.
07:59Ang magsasaka namang si Arnold,
08:02hindi na raw alam kung paano makakabangon sa pagtatanim ng gulay
08:06sa La Trinidad, Benguet.
08:08Mula kasi sa patubing hanggang sa pagde-deliver ng ani,
08:12gumagamit sila ng diesel.
08:14Kasi minsan wala nang natitira eh.
08:16Nakakakaba kasi hindi mo alam kung saan ka kukuha ng pagkain.
08:20Sa La Trinidad Vegetable Trading Post, marami ang binabagsak na gulay
08:25pero matumal ang benta.
08:28Ibinyahin ng may limang oras itong mga pechay na ito
08:32mula sa farm doon sa bayan ng Mangkayan.
08:36At nasa dalawang gabi na raw yung magsasaka na nagdala nito dito sa trading post
08:41pero hindi pa rin nabibili itong kanyang mga dalang gulay
08:44kaya ang pasya niya ay umalis na lamang dito
08:46at ipamigay na lamang ng libre itong mga gulay kaysa masayang.
08:51Talagang nakakapadurong ng puso
08:54kasi sa lahat kung isipin mo yung sayang, di ba?
08:58Si Jesse James,
09:00bagsak presyo ibinibenta
09:02ang repolyo na 8 pesos na lang kada kilo.
09:05Para at least mabili, makain ng mga taong kahit mabili ng mura, ganyan.
09:13Nakakabenta naman ang ilang magsasaka
09:15pero talo pa rin dahil sa gasto sa diesel, tracking
09:19at pasahod sa mga tagalinis at tagaripak ng gulay.
09:23Kami po ay nagbaba kasakali lang ho, baka.
09:27Kung may matitira kahit konti.
09:29Kaya nagsusugal din kami.
09:32Dahil nagkasabay-sabay ang ani ngayon,
09:34mas mababa na ang presyo ng gulay
09:36ayon sa vice-presidente ng Bagsakat Association ng La Trinidad.
09:41Pero kakaunti na lang ang hinahango ng kanilang mga parokyano
09:44dahil sa mahal ng langis.
09:47Yung truck nila, yung 10 tonelada,
09:51ginawa nilang 5 tonelada lang ang bibilhin.
09:56Ang isa sa mga nakausap naming humahango ng gulay,
09:59nasa P35,000 na ang gasto sa diesel mula sa dating P16,000,
10:05papunta ng La Trinidad at pabalik ng Metro Manila.
10:08Ang nakikita raw ng Agriculture Department na pangmatagalang solusyon.
10:13Number one is the storage.
10:14So that's why I came here to look for the storage facility,
10:16to rehabilitate the storage facility,
10:18para at least yung mga sobra na hindi mga bibenta,
10:20pwede itago muna.
10:21And then slowly natin,
10:22didistribute slowly to Metro Manila.
10:24Ian Cruz, GMA News.
10:27Umarangkada na rin ang pamimigay ng ayuda
10:29sa mga tricycle drivers sa mga probinsya.
10:32Nakatanggap ang mga driver ng tiglimang libong piso.
10:35May ilang driver naman na hindi nabigyan ng ayuda
10:37dahil may kulang o problema sa mga papeles.
10:41Ipinapaay sa sa kanila ang mga dokumento
10:43para sa second tranche ng bigayan ng ayuda.
10:47Ayon sa DSWD,
10:49367,000 na tricycle drivers
10:51ang target nilang mabigyan sa buong bansa.
10:56Mahigit 24,000 ang mga sinitang lumabag
11:00sa mga ordinansa
11:01sa dalawang araw na safer cities operation ng pulisya.
11:05Tabilang dyan ang mga nagtayo
11:06ng mga inflatable at makeshift pool
11:08na sagabal sa kalsada.
11:10May report si Oscar Oida.
11:15Diyalintana ng mga batang ito
11:16ang mga dumaraang sakyan
11:19habang nag-i-enjoy sa kanilang inflatable pool
11:22na nakalatag sa kalsada.
11:24Kasi kung magpupunta sila sa mga resort
11:26digdag gastos katulad niya
11:28mataas na ang gasolina.
11:29Pero ang ganitong paraan to beat the heat
11:32hindi approved sa Manila Police District.
11:38Nito lang lunes,
11:40pinagbabaklas ng pulisya
11:41ang ilang inflatable pool
11:43sa kahabaan ng Kapulong Street sa Tondo.
11:46Hindi naman daw sa KJ ang pulisya
11:48pero sadyang mapangalib
11:50at matagal lang ipinagbabawal
11:52ang mga inflatable pool
11:54sa gitna ng kalsada.
11:56E paano pag naapakan yung mga naliligo
11:59ng mga kabataan doon
12:00ng mga malalaking track dyan sa Kapulong?
12:0227 individual ang inaresto
12:05sa naturang operasyon.
12:0624 sa kanila ay dinakip
12:09bunsod ng paglalagay
12:10ng mga inflatable pool
12:11at ibang obstraksyon.
12:13Ang iba,
12:15wala namang damit pang itaas
12:17o kaya ay nahuling naninigarilyo
12:19sa pampublikong lugar.
12:20Nakalaya rin kalaunan
12:22ang mga lumabag
12:23matapos sampahan ng reklamo.
12:25Bahagi ang operasyon
12:27ng pinaiting na
12:28Safer Cities Initiatives
12:29ng DILG
12:31kung saan umabot na sa may 24,000
12:35ang nauhuling violators.
12:37Karamihan sa mga paglabag,
12:39paninigarilyo at pagiinom
12:41sa pampublikong lugar.
12:42Paggala ng taples,
12:45pagkaharauke
12:45nagpas alas 10 ng gabi
12:47at paglabag ng mga minordeedad
12:50sa curfew hours.
12:56Gaya ng mga kabataang ito
12:58sa Maynila
12:58na nag-iiyakan
13:00ng damputin ng mga otoridad.
13:06Sa Taguig City,
13:07namatay ang isang lalaking
13:09tumakas ng maaktuhan siya
13:11at apat na kasamahang
13:13gumagamit
13:13ng iligal na droga.
13:15Ayon sa pulisya,
13:16tumalon mula sa bintana
13:18sa ikalawang palapag
13:19ng bahay
13:19ang lalaki.
13:20Umamin ang isa niyang kasama
13:22sa paggamit ng droga.
13:24Bigla may gumalabog
13:25sa kabilang
13:28sa kabila po ng bahas
13:30sa gilid.
13:34Hindi ko naunawala
13:35kung ano po nangyari
13:36dahil huli na po ako nila.
13:37Hindi man lang kami
13:38ng droga.
13:39Oscar Oida,
13:41GMA News.
13:43Nag-sorry
13:44ang diocesan shrine
13:45of the Immaculate Conception
13:47sa Malabon
13:47kaugnay sa paggamit nila
13:49sa Easter sa lubong
13:50ng buhay na kalapati
13:51na inunat
13:52sa patpat
13:53at mga pakpak
13:54at pinalipad
13:55sa mga lobo.
13:56Anila,
13:57matagal nang ginagamit
13:58ang buhay na kalapati
13:59bilang mas tigtas
14:00na alternatibo
14:01sa batang
14:02nakadamit na anghel
14:03na karaniwang tagpo
14:05tuwing sa lubo.
14:06Humingi rin sila
14:07ng paumanhin
14:08kay Caloocan Bishop
14:09Pablo Virgilio Cardinal David
14:11na una na
14:12humingi ng tawad
14:13sa nangyari.
14:14Bagamat na roon daw
14:15ang kardinal,
14:16tanging ang pag-alis
14:17lamang ng belo
14:18ang nakita niya.
14:19Sa hiwalay na pahayag,
14:21humingi rin ng tawad
14:22ang Diocese of Caloocan
14:23sa insidente.
14:25Ipatitigil na roon nila
14:26o ipatitigil na roon
14:27ng parokya
14:28sa Malabon
14:29ang ganitong kaugalian.
14:30Wala na rin daw
14:31pagpapalipad
14:32ng mga lobo.
14:33Sa halip,
14:34ay pakakawala na lang
14:35ang kalapati
14:36matapos ang unveiling.
14:38Muli itong inalmahan
14:39ng Philippine Animal
14:40Welfare Society
14:41o POS.
14:42Diit nila,
14:43may tuturing na krimen
14:44ang paggamit ng hayop
14:46bilang props.
14:47Hindi raw sila
14:48mangingiming magsampan
14:49ng kaso
14:50na paglabag
14:51sa Animal Welfare Act
14:53sakaling maulit ito.
14:56Naghahain si Vice President
14:58Sara Duterte
14:58sa Korte Suprema
14:59ng petisyon
15:00para pigilan
15:01ang mga impeachment
15:02proceeding ng House
15:03Committee on Justice
15:04laban sa kanya.
15:06Hiniling ng BSE
15:07na maglabas
15:07ang SE
15:08ng Temporary Rescending Order
15:09at kalaunan
15:11ng injunction.
15:12Unconstitutional daw
15:13ang proceedings.
15:15Natanggap na ng komite
15:16ang kopya ng petisyon
15:18na ayon sa ilang membro nito
15:19ay dapat ibasura
15:21ng Korte Suprema.
15:22Nauna nang naghahain
15:23ang petisyon sa SE
15:24ang mga abogadong
15:25kilalang kaalyado
15:26ni Duterte
15:27para pigilan
15:28ng impeachment proceedings
15:29ng Kamara.
15:30Tinonsolidate na ng SE
15:32ang mga petisyon
15:33at inutusan ng SE
15:35ang Justice Committee
15:35na sagutin
15:36ang mga petisyon
15:37sa loob ng sampung araw.
15:39Samantala,
15:40pinabigyan din
15:41ng Manila Regional Trial Court
15:42ang hiling ng komite
15:43na tumistigo
15:44sa paglinig
15:45sa April 14
15:46si Ramil Madriaga.
15:48Si Madriaga
15:49ang nagpakilalang
15:50dating aide
15:51at umano'y bagman
15:52ng bise.
15:53Kasalukuyan siyang
15:54nakaditine
15:54dahil sa kasong
15:56kidnapit.
15:58Hindi pa tapos
16:00ng laban,
16:00yan ang pinatunayan
16:01ng De La Salle
16:02College of St. Benilde
16:03sa Game 2
16:04ng Men's
16:05at Women's Volleyball
16:06Finals
16:06ng NCAA Season 101.
16:09Kahit na naungusan
16:10ang Mapua Cardinal
16:11sa Game 1,
16:12di nagpatalo
16:13ang Benilde
16:14Blazing Spikers.
16:15Wagin rin
16:16ang Benilde
16:17Lady Blazers
16:17laban sa
16:18Litran Lady Knights
16:19nakatakda
16:20ang Do or Die
16:21Game 3
16:22ng Men's
16:22at Women's
16:23Volleyball Finals
16:24sa Biernis.
16:30Another check
16:31para sa extreme
16:32trip ni Mikey Quintos
16:34nag-skydive siya
16:35sa Hawaii.
16:37Enjoy rin
16:38ang Sangre Star
16:38sa pag-explore
16:39ng China Walls
16:40at Kowalowa Ranch.
16:44Extra sweet
16:45si na Dustin
16:45yu at Bianca
16:46de Vera
16:46sa kanilang
16:47Taiwan trip.
16:48All smiles
16:49si Bianca
16:50sa amazing scenery
16:51at napasabi pang
16:53it's so beautiful
16:54here.
16:55Tila na pa-agree
16:56si Dustin
16:56sa hiwalay na post.
16:58Ang mala
16:58prenup snaps?
16:59Hard launch
17:00na nga ba?
17:02Kapuso drama
17:03king Dennis Trillo
17:04reunited
17:05sa creators
17:06ng award-winning
17:07film na
17:07Green Bones.
17:08Ibinahagi ni
17:09GMA Network
17:10Senior Vice
17:10President for
17:11Public Affairs
17:12and Executive
17:13Vice President
17:13for GMA Pictures
17:14Nessa Valdeleon
17:16na literally
17:17and figuratively
17:18the A-Team
17:19is back.
17:20Looking forward
17:21ng netizen
17:22sa tila bagong
17:23proyekto
17:23kabilang na
17:24si Ruro Madrid.
17:26Obli Karambel
17:27GMA News.
Comments

Recommended