Skip to playerSkip to main content
Inatasan ng Korte Suprema ang House Committee on Justice na magkomento sa petisyon ng kampo ni Vice President Sara Duterte na humihiling na pigilan ang impeachment proceedings laban sa kanya. Pero dahil walang inilabas na TRO, sinabi ng mga miyembro ng komite na tuloy ang pagdinig sa susunod na Miyerkules.


Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.


#GMAIntegratedNews #KapusoStream


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Inatasan ng Korte Suprema ng House Committee on Justice na magkomento sa petisyon ang company Vice President Sara Duterte
00:06na humihiling na pigilan ang impeachment proceedings laban sa kanya.
00:10Pero dahil walang inilabas na TRO, sinabi ng mga member ng komite na tuloy ang pagdiniig sa susunod na matis.
00:17Saksi si Tina Panganiban Perez.
00:23Kinumpirma ng mga abogado ni Vice President Sara Duterte na naghahain sila ng Petition for Certurary and Prohibition sa Korte
00:31Suprema
00:31para pigilan ang impeachment proceedings laban sa bise sa House Committee on Justice.
00:37Pero giit nila, hindi ito nangangahulugang umiiwas ang bise sa proseso, kundi nais lang daw nilang matiyak na naaayon ito
00:46sa konstitusyon.
00:47Natanggap na ng House Committee on Justice ang kopya ng petisyon.
00:51Dito, hiniling ng bise na maglabas ang Korte Suprema ng Temporary Restraining Order
00:57at kalaunan ng injunksyon para pigilang umusad ang dalawang impeachment complaints laban sa kanya.
01:05Unconstitutional daw kasi ang proceedings.
01:08Labag daw kasi ito sa one-year bar rule na nagbabawal sa pag-initiate
01:13ng mahigit isang impeachment complaint laban sa isang impeachable official sa loob ng isang taon.
01:20Ang una at pangalawang impeachment complaints daw ay inihain bago ang February 6, 2026
01:27na siya raw pech ang sinabi ng Korte Suprema kung kailan pwede na ulit magsampan ang reklamo laban sa bise.
01:34Wala rin anilang tamang referral ng mga impeachment complaints sa komite.
01:40Nang isinantabi rin daw ng House Committee on Justice ang unang reklamo at inatras na mga complainant
01:47ang pangalawang reklamo, sabi ng kampo ng bise,
01:51hindi na dapat inaksyonan ang House Committee on Justice ang ikatlot-ikaapat na reklamo
01:57dahil pasok na raw ito sa one-year bar rule.
02:00Wala rin daw kapangyarihan ng komite na magsagawa ng mini-trial o hearing proper.
02:05Hiling ng depensa, ideklara ng Korte Suprema na void o walang visa at unconstitutional
02:13ang Section 7 at 8 ng Rules on Impeachment ng Kamara.
02:18Sa Section 7, nakasaad na kapag natukoy ng House Committee on Justice
02:23na may sufficient grounds ang impeachment complaints lapan sa isang impeachable official,
02:29magsasagawa ay ito ng hearing kung saan may kapangyarihan ng komiting magpatawag
02:34na mga testigo at mangalap na mga ebidensya.
02:38Sa Section 8, nakasaad na maaaring bigyan ng Kamara ng proteksyon
02:43ang isang complainant o testigo sa impeachment proceedings.
02:48Pinatikos ng ilang miyembro ng House Committee on Justice ang petisyon.
02:52Dapat daw itong ibasura ng Korte Suprema.
02:56Kabalbalan yan dahil nasa konstitusyon mismo yun.
03:00Na sinasabi na pagkatapos ng finding ng sufficient grounds
03:06ay mag-ihearing ang Committee on Justice.
03:10Nasa konstitusyon mismo yun.
03:13Paano'ng ke-questionin sa Korte Suprema ang konstitusyon mismo?
03:17So, kabalbalan talaga at dapat kagyat na ibasura.
03:21Hindi totoo na wala ho nga valid referral kasi nakita ho ng publiko,
03:27nakita ho ng bayan na ang plenaryo po mismo ng Kongreso
03:30ang nag-refer sa House Justice Committee noong pong apat na impeachment complaints.
03:35Yung one-year bar rule, hindi yun po?
03:38O yun, pangalawang panlilin lang na naman po sa mga kababayan po natin yun.
03:43Kasi una sa lahat, yung pong one-year bar rule, umira lang po yun.
03:48Pagka meron na po nga referral mula sa plenaryo papunta po sa House Committee on Justice.
03:54Ang House Committee on Justice tuloy lang sa trabaho.
03:58Hanggat walang temporary restraining order mula sa Korte Suprema,
04:02wala raw dahilan para hindi nila gawin ang kanilang mandato.
04:06Katunayan, nagpalabas ang House Committee on Justice ng subpina
04:11kay Securities and Exchange Commission Chair Atty. Francis Edrelin Lim
04:16na pinahaharap sa April 14 hearing ng komite.
04:20Pinagsusumite rin siya ng mga dokumento ng sampung kumpanyang konektado umano sa BICE
04:25at sa asawa nitong si Atty. Manassez Carpio.
04:29Sinabpina rin si Philippine Statistics Authority Undersecretary Claire Dennis Mapa
04:34at pinagsusumite ng original copies ng birth, marriage at death certificates
04:40ng mga inilista ng Office of the Vice President at ng DepEd na tumanggap ng confidential funds.
04:47Formal na rin sumulat ang komite kay Manila Regional Trial Court Presiding Judge Alma Crispina Colliado La Corte
04:55para payagang tumestigo sa hearing sa Kamara si Ramil Madriaga
05:00na nagpakilalang dating aid at umano'y bagma ng BICE.
05:04Si Madriaga ay kasalukuyang nakadidine dahil sa kasong kidnapping.
05:09Ang hiling ng komite pinagbigyan ng korte.
05:12Ramil Madriaga has been ordered to appear by the court itself on the 14th from 8am to 5pm.
05:21Ang Supreme Court, kinonsolidate ang mga petisyon ni Vice President Duterte
05:26at ni Atty. Israelito Torrion at iba pang abogado.
05:30Inutusan din ng Korte Suprema ang House Justice Committee
05:34na sumagot sa mga petisyon sa loob ng sampung araw.
05:38Pero wala pang inilabas na TRO.
05:41Ako si Tina Pangaliban Perez, ang inyong saksi.
05:51Ako si Tina Pangaliban
Comments

Recommended