00:00Nasting ng dikya o jellyfish ang halos 60 na ligo sa Tondaligan Beach sa Dagupan, Pangasinan, ito pong weekend.
00:09Ayon sa Chief Lifeguard sa beach, nakaranas ng pagsusuka, pangangati at hirap sa paghinga ang mga biktima.
00:15Nabigyan po sila ng Pangunang Luna sa mga responding otoridad.
00:195 sa 58 biktima ang dinala sa paggamutan.
00:23Dahil sa insidente, pansamantalang ipinagbabawal ang pagligo sa Tondalingan Beach.
00:28Payo ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources, kung sakaling madikitan ng jellyfish,
00:34hugasan ng 30 segundo ang apektadong bahagi gamit ang suka para mapigilan ang pagkalat ng toxin mula sa dikya.
00:43Tanggalin din ang mga naiwang galamay ng dikya.
00:46Ibabad sa mainit na tubig ang apektadong parte ng katawan para maibsan ang sakit at pamamaga.
00:52Dalhin sa ospital ang pasyente kung nakaranas ng malalang sintomas tulad po ng hirap sa paghinga o paninikit ng dibdib.
Comments