00:00Arrestado ang isang lalaki matapos tangayin ang mahigit 2 milyong pisong halaga ng luxury item sa isang bahay sa Maynila.
00:07Paliwanag ng suspect na buryong daw siya dahil sa away nila ng kanyang live-in partner, kaya siya nagnakaw.
00:15Balitang hatid ni Jomer Apresto.
00:20Sa pool sa CCTV ang isang lalaki habang bumababa mula sa gilid na isang residential building sa Santa Cruz, Maynila,
00:27madaling araw nitong Sabado de Gloria. Tangayin niya ang aabot sa 2.5 milyon pesos na halaga ng luxury items
00:34ng isang babaeng negosyante.
00:36Ayon sa pulis siya, nataon na nagbabakasyon sa ibang bansa ang pamilya, tangi mga kasambahay lang ang naiwan sa bahay.
00:42Lumabas sa investigasyon na tinakpan muna ng lalaki ang isa sa mga CCTV camera ng gusali sa pag-aakalang ito
00:48lang ang CCTV camera ng building.
00:50Sa ibang kuha ng CCTV, may kitang umakyat siya sa gilid ng gusali. Hindi niya alintana ang mga barbed wire.
01:01Dumaan din siya sa fire exit at sinira ang kandado para makapasok.
01:05Sa kuha namang ito, may kitang may takip ng bimpo sa mukha ang lalaki nang pumasok siya sa master bedroom.
01:13Hinalughog ng lalaki ang kwarto hanggang sa natagpuan niya ang mga alahas at saka tumakas.
01:18Hindi raw na malayan ang mga kasambahayang pagnanakaw dahil natutulog sila sa ibang palapag ng gusali.
01:24Pasado alas 7 na raw ng umaga nang natuklasan ang biktima na pinasok pala sila ng akyat bahay.
01:43Makalipas lang ang ilang oras, natunto ng polisya sa kanyang bahay sa baragay 33 ang sospek.
01:48Hindi naman po siya nag-resist. Na-recover po natin lahat ng mga nakuha niya mga alahas.
01:55Ayon sa 32 anyos na sospek, naburyong lang siya. Matapos sila mag-away ng kanyang live-in partner, kaya nagawa
02:02niyang magnakaw.
02:03Humihingi siya ng paumanhin sa biktima.
02:05Na-daanan ko lang po sir. Naburyo na rin po ako. Sana po mapatawad niyo po sana ako. Alam ko
02:11po, malaking abala po itong ginawa ko sa inyo.
02:13Na-inquest na ang sospek na sinampahan ang reklamong robbery in inhabited house.
02:18Sinusubukan pa namin makuha ang pahayag ng biktima.
02:20Jomer Apresto nagbabalita para sa GMA News.
Comments