00:00Opportunity at pangkabuhayan para sa mga maliliit at nagsisimula pa lamang na negosyo.
00:06Ito ang support ang tiniyak ng Department of Trade and Industry sa mga MSME sa bansa,
00:11matapos ilunsad ng ahensya ang isang loan program na maaring i-avail ng mga negosyante.
00:18Kung ano yan, alamin sa report ni Sheila Natividad.
00:23Isa ka rin ba sa mga negosyante ang problemado kung saan kukuha ng pandagdag na puhunan sa negosyo?
00:30May sagot na riyan ng Department of Trade and Industry at Small Business Corporation
00:34sa pumamagitan ng kanilang bagong programang pautang para sa mga negosyong nasa ilalim ng micro, small, and medium enterprises o
00:43MSMEs.
00:45We set aside 4 billion pesos po para sa mga MSMEs.
00:49We can actually now avail of this fund, right?
00:52They need to just apply online sa sbcorp at dti.gov.ph.
00:59Maaaring mangutang ang mga MSME ng halagang 30,000 hanggang 20 million pesos
01:05na maaaring bayaran kada buwan sa loob ng limang taon.
01:09Para makapag-apply, kailangan lamang isumite ang mga sumusunod na dokumento
01:14katulad ng government-issued ID, mayor's business permit, proof of bank account, proof of business
01:21kabilang ang signage, inventory at assets, at corporate documents kung kinakailangan.
01:26Four steps lang po ito and the application is online.
01:30So pwede kayo again mag-apply sa sbcorp at dti.gov.ph.
01:35Bukod sa MSME loan program, may hiwalay rin na pondo para sa mga overseas Filipino workers
01:42at mga kababaihang negosyante.
01:44So lahat ng OFW na expatriate or lahat ng OFW that's still abroad or here now,
01:51yung pamilya nila, pwede rin po sila mag-loan.
01:53We set aside 2 billion pesos po for them.
01:56We also launched the Women Enterprise Fund.
02:00So lahat ng mga kababaihan na nasa negosyo or women-led businesses
02:05or women who want to get into business, we also set aside 2 billion pesos for you.
02:10Pareho lamang ang requirements na kinakailangang isumite
02:13para sa mga gustong mag-avail ng mga programang ito.
02:17Bukod sa pagiging malaking tulong sa mga negosyong apektado
02:20nang nagpapatuloy na tensyon sa gitnang silangan,
02:23pinasimple na rin ang proseso ng pag-a-apply dahil online na ito.
02:27At ang pagproseso nito ay tatagal sa loob ng pito hanggang sampung araw.
02:32Ang loan po na ito ay no collateral po, up to 5 million pesos
02:37and one year po, no payment of principal and interest.
02:41So this one year po is enough time for the businesses to actually move forward.
02:47So maganda po itong loan na ito.
02:50Tiniyak naman ang DTI na bukas ang programang ito
02:53sa lahat ng negosyanteng sakop ng MSME sektor
02:56at matapos makapagsumite ng mga kinakailangang dokumento
03:00ay dadaan na ito sa proseso ng pag-aproba.
03:03Para sa mga nais mag-apply ng loan para sa negosyo,
03:07mapanegosyante, OFW o kababaihan,
03:10bisitahin lang ang opisyal na website ng DTI at SB Corporation.
03:14Shilan Natividad para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.
Comments