00:00Nianig ng magnitude 5.1 na lindol ang Bogos City, Cebu,
00:05nitong lunes, April 6.
00:07Sa isang CCTV footage, makikita ang pag-uga at pagtilapon
00:10ng mga paninda ng isang cellphone shop sa Bogos City.
00:13Patapos tumama ang lindol, dakong alas 3 pasado ng hapon.
00:17Ayon sa ulat, ligtas naman na nakalabas ang lahat ng empleyado
00:20na nasabing shop at iba pang tindahan sa kanilang building.
00:24Dahil sa lakas ng lindol, agad na sinuspinde ang trabaho
00:28at lahat ng transaksyon sa Cebu City Hall matapos ang pagyanig.
00:32Agad din nagsagawa ng assessment sa gusali ng City Hall
00:35ang Cebu City Disaster Risk Reduction Management Office
00:38para tiyakin ang katatagan at kung ligtas pa rin itong gamitin.
00:42Makikita rin sa mga larawan na ibinahagi ng isang residente
00:45na nagbagsakan ang mga produkto at paninda sa Glow Siwich Store
00:49kung saan may lalarawan kung gaano kalakas ang lindol kahapon.
Comments