00:00Samantala, isang forest fire sa barangay Samokibontok, Mountain Province, ang patuloy na inaapula.
00:07Sa video na ito, makikita ang lawak ng forest fire sa lugar.
00:11Nagsasagawa ang mga otoridad ng fire lining at swatting gamit ang green branches upang mapigilan ang pagkalat ng apoy.
00:19Ayon sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office,
00:23apektado na ang water sources kabilang na ang plastic o PVC pipes
00:27at matatagalan bago ito maayos.
00:30Kasalukuyang nagsasagawa ang mga otoridad ng investigasyon sa nararanasang forest fires.
00:36Nananawagan naman sila sa publiko na maging responsable at iwasan ang pagkakaingin.
00:42Nagtipon-tipo naman ang mga residente ng buntok para magsagawa ng ritual
00:46upang tawagin ng ulan na makatutulong sa pag-apula sa naturang sunog.
00:53As of now po ma'am, ongoing pa rin po pero
00:57yung pong sunog na papunta po sa kabahayan, near residential po is na-contain na po.
01:03Panawagan po sa publiko ma'am, maging responsable po tayo.
01:06Iwasan po natin yung mga kaingin.
01:08Tapos ito nga mainit yung weather.
01:12Kaya in-advise po yung community na yung responsibilities magmula muna sa kanila.
Comments