00:00Inilunsad ng Department of Migrant Workers sa Bagong Pilipinas,
00:04Bayanihan, para sa Balikbayang Manggawa National Reintegration Program o BBM-NRN
00:10na layong tulungan ng mga umuwing overseas Pilipinos
00:13mula sa gitna ng silangan o gitna ng tensyon sa Middle East.
00:17Yan ang ulat ni Kenneth Paciente.
00:21Emosyonal pa rin si Irene sa tuwing naaalala ang karanasan sa Kuwait
00:25ng sumiklab ang kaguluhan sa Middle East.
00:27Ito ang nagtulak sa kanya para bumalik na lamang sa Pilipinas.
00:31Tuwing tutunog yung si Irene, chat na kami sa pamilya na,
00:36ay ano naman, hindi namin alam na makakauwi pa kami ng buhay.
00:44Ang pitong buwang buntis na si Roneline, hindi na nagdalawang isip pa para sa kanyang kaligtasan.
00:49Kailangan ko talaga igiba para sa magiging anak ko.
00:52Siyempre buntis ako, kailangan ko din ingatan ng pagpagpagbabuntis ko.
00:57Kasi kung ipapalagay natin na gusto natin magtrabaho para sa future,
01:02saan pa man naman yan kung uulit, di ba?
01:05Ang kapakanan natin, ang kaligtasan natin, ang ating alalahanin.
01:09Ilan lamang si Irene at Roneline sa libu-libong mga OFW na naapektuhan ng krisis sa gitnang silangan na ngayon
01:16ay nasa Pilipinas na.
01:18Pero kahit nasa bansana, isa pa rin sa kanilang alalahanin ay ang pagkakaroon ng bagong pagkakakitaan.
01:24Bagay na tinutugunan na ng pamahalaan.
01:27Katunayan ngayong araw, inilunsad ang bagong Pilipinas Bayanihan para sa Balikbayang Manggagawa,
01:33National Reintegration Network Fair o BBMNRN.
01:37Programa ito na magbibigay ng isang one-stop shop na serbisyo para sa mga repatriated OFW at kanilang mga pamilya.
01:45Upang matulungan silang muling makabangon at makapagsimula.
01:48Kasunod yan ang direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na walang Pilipino ang maiiwan.
01:54Nakabatay ang programa at mga serbisyo sa kaalaman, kabuhayan at kalinga o KKK Reintegration Framework.
02:01Tampok dito ang 15 private recruitment and manning agency at 13 local employers at mga kumpanya
02:07kung saan nasa limanlibong job opportunity ang bukas para sa mga apektadong OFW.
02:12Kami sa Department of Migrant Workers, handa po kami ang isa sa strengths namin,
02:19yung tinatawag na job matching na sinasabi ni Mayor Joy.
02:22Tayo po ay merong at least 200,000 job orders na nakaabang for work abroad
02:28para dun sa mga nagmamatch ng skill sets na mga nanunumbali.
02:33So sinuri ho namin kasi nandun nga yung maagap na survey ni Admin PY
02:38at nakita namin yung mga skill sets, minatch namin sa mga job orders
02:44at ang bilang more or less ay 200,000 ng job orders.
02:48Kaya itong mga job fairs, mga virtual or face-to-face job fairs na isasagawantin natin
02:54ay napipinto lamang po.
02:57Ayon sa OWA, may mga OFW pa rin ang gustong manumbalik sa pagtatrabaho abroad
03:01habang ang iba ay gusto nang manatili dito sa Pilipinas.
03:05Pagtitiyak ng ahensya, anuman ang nais ng mga OFW ay handang umagapay ang gobyerno.
03:11Lahat ito na-address ng ating National Reintegration Network na meron tayo dito ngayon.
03:1722 different government agencies nagbibigay ng tulong.
03:21Ang reintegration ay hindi kaya ng isa lang ahensya.
03:24Yan ang bilin ng ating mahal na Pangulo.
03:26Sama-sama, bayanihan para tulungan yung ating mga OFWs.
03:30Malaking bagay ang programa para kina Irene at Ronnie Lynn.
03:33Napakalaking bagay sa amin bilang ina na makakatulong sa amin pang araw-araw
03:42dahil ito lang naman talaga ang kailangan namin na makapagtrabaho,
03:47makahanap buhay na hindi hihinto na may mapakain kami araw-araw
03:52para sa magiging future sa mga anak namin.
03:58So napakalaking tulong to.
04:00Sobra po kami nagpapasalamat simula po sa pagpapauwi sa amin
04:04hanggang ngayon pagbibigay ng trabaho talagang hindi po kami pinabayaan.
04:08Samantala sa tala ng DMW,
04:11nasa mahigit 4,000 OFW na ang na-repatriate
04:14at magtutuloy-tuloy pa rin ito hanggat may mga Pilipinong gustong umuwi sa Pilipinas.
04:19Kenneth Pasyente
04:21Para sa Pambansang TV
04:23Sa Bagong Pilipinas
Comments