Skip to playerSkip to main content
May binuksan nang community pantry para sa mga jeepney driver sa Iloilo, habang inarkila naman ang mga jeepney sa Maynila para magbigay ng libreng sakay.


Pero sa kabila ng mga tulong, hindi pa rin daw maiwasang mangamba ng ilang tsuper sa kanilang kita dahil wala pa ring preno ang pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00May binuksan ng community pantry para sa mga jeepney driver sa Iloilo
00:04habang inarkila naman ang mga jeepney sa Maynila para magbigay ng libring sakay.
00:10Pero sa kabila ng mga tulong, eh hindi pa rin daw maiwasang mangamba ng ilang chuper
00:14sa kanilang kita dahil wala pa rin preno ang pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo.
00:21Nakatutok si Sandra Aguinaldo.
00:26Sa panulukan ng Pedro Hill at Agoncillo Street sa Maynila,
00:30may mahabang pila ng mga jeep na nagbibigay ng libring sakay.
00:34Inarkalahan ang mga ito ng Manila Local Government.
00:38Masaya siyempre ang mga pasahero at mga jeepney driver.
00:41Para sa chuper kasi gaya ni John Mark, halos sigurado na raw nakikita sila ng isang libu ngayong araw.
00:48Kung papasada lang kasi siya, sobrang liit daw ng kita.
00:51Halimbawa, ikot kami ng isang ikot po, magkakaroon kami ng pera na 700.
00:59Tapos magdi-diesel po kami ng 500, 200 na lang po yung tira.
01:03Ganado ang mga chuper, lalot meron ding libreng chicken adobo with rice
01:07na pananghalian mula sa community kitchen ng grupong Para Commuters Network.
01:13Ginagawa namin yung abot ng makakaya namin, kaming mga commuter,
01:16para makatulong sa ating mga chuper, kahit man lang isang meal kada araw.
01:22Sana po dumami po ang pagtulong sa mga jeepney driver.
01:27Dahil po sa pagtaas ng kudo at malaking tulong na rin po ito sa amin, maraming salamat po.
01:35Sa Haro, Iloilo, isang community pantry ang nagbukas para sa jeepney drivers.
01:39Sa ngayon, umaabot na raw sa 379 na drivers sa Iloilo City ang nakabenepisyo sa programa.
01:47Libreng isda, gulay at delata ang natanggap ng mga chuper sa tinawag na bayanihan alay sa kapwa
01:55ng Haro Archdiocesan Social Action Center o JASAC.
01:59Balak rin ang JASAC na bigyan ng tulong ang mga manging isda at nakatatanda.
02:04The problem is so great nga the little that we can do.
02:11So we appeal also to your viewers and your own.
02:14Reach out to our brothers and sisters who are most affected sa sininga krisis.
02:20Kahit kung madamo kita nga nag-reach out, mas mahagan-hagan, mas mapahagan-hagan,
02:26pag mas mabuhin-buhin na nato nasing madali ang ila nga mga pag-antos.
02:31Sa kabila ng mga tulong, kinakabahan pa rin ang mga chuper sa inaasang malaking pagtaasang presyo ng diesel bukas.
02:37Lalo raw kasing mababawasan ang kanilang kita.
02:40Kaya ang isang samahan ng mga chuper sa Maynila, nagbabalang lalong dadami ang hihinto sa pamamasada.
02:47Sa aming samahan, kalahati na po ang hindi na bumibiyahe.
02:51Dahil hindi na po talaga tinaya, sinauli na yung mga driver, sinauli na po nila yung kanilang mga jeep.
02:57Ang namamasada na lang po dito sa aming juda, sa aming samahan, ay yung driver na operator pa.
03:03Kung tataas pa, ma-uwi talaga sa mamahingan mo muna kami.
03:07Kaya naman si Nancy Fernandez, asawa na isang jeepney driver, dumiskarte na rin para makatulong sa kanyang mister.
03:14Nagtitinda siya ng candy at sigarilyo sa pila ng jeep.
03:18Gano'ng kahirap ang buhay ngayon?
03:20Sobra. Kasi sa gasolina lang, diyan kami na ano-an eh.
03:25Kasi yung sino-sobra niya minsan.
03:2840 pesos na lang, minsan isang daan.
03:32Ang inuwi niya?
03:33Oo.
03:35Kasi sa gasolina lang napupunta eh.
03:38Sandra Aguinaldo, Nakatutok, 24 Horas.
Comments

Recommended