Skip to playerSkip to main content
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.


#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:01Ito ang GMA Regional TV News!
00:06Patay ang isang babaeng 12 anos matapos po malunod sa Anggat River sa Bulacan.
00:13Basa po sa embisigasyon, nag-outing doon ang batang babae kasama ang kanyang pamilya nitong Sabado de Gloria.
00:19Napadpad daw siya sa malalim na bahagi ng ilog kasama ang kanyang pinsan.
00:25Nakaligtas ang kanyang pinsan pero ang babae lumubog at hindi nahunakita ng kanyang mga kaanak.
00:31Na-recover ang katawa ng babae makalipas ang ilang oras.
00:35Kasunod po ng insidente, ipinagbawal ng barangay ang pagligo sa ilog.
00:41Sa Connor, Apayaw, nalunod din ang isang lalaki sa Nabuangan River.
00:47Humingi ng tulong ang mga kasama niya para hanapin ang biktima.
00:50Nang nakita po siya, binigyan siya ng Cardiopulmonary Resuscitation o CPR bago dalhin sa ospital.
00:58Ayon sa mga rumisponding bumbero at pulisya, binawian ng buhay ang lalaki.
01:05Nagbugaan ng maitim at makapal na usok ang vulkan na Mayon sa Albay.
01:10Nakuhanan niya ng isang residente sa bayan ng Kamalig alasais ng gabi-kagabi.
01:15Paalala po ng lokal na pamahalaan, manatili muna sa loob ng bahay at magsuot ng face mask kung kailangang lumabas.
01:23Ayon sa FIVOX, sumaabot sa sandaan at limamputsyam na volcanic earthquakes ang naitala sa vulkan sa nakalipas na 24 oras.
01:32Nagkaroon din po ng mahigit tatlong daang rock falls, labing dalawang uson o pyroclastic density currents,
01:39at nagbuga ng mahigit dalawang libong toneladang asupre o sulfure dioxide.
01:47Ito ang GMA Regional TV News!
01:53Pahirapan ang pagsagip sa isang lalaking na hulog sa Cantalina Falls sa Barangay Silab sa Amlan, Negros Oriental.
02:00Ayon sa Local Disaster Risk Reduction and Management Office, inabot ng labindalawang oras ang rescue sa 54 anyos na lalaki.
02:08Madilim kasi sa ilalim ng talon at makipot ang daanan.
02:11Kinailangang lumambitin ang mga rescuers sa masukal na gubat para marating ang malalim na bahagi ng talon.
02:17Ligtas namang naiaahon ang biktima na nagtamon ng bali sa kanyang likod matapos bumagsak sa mabatong bahagi ng Cantalina Falls.
02:24Isinugod siya sa ospital.
02:26Kwento ng biktima sa mga otoridad, nahulog siya ng mabitawan niya ang kinakapitang baging habang nanguhuli ng isda.
02:36Ito ang GMA Regional TV News.
02:42Apat ang patay habang dalawamput siya mang sugatan matapos maaksidente ang isang truck sa Alyosan, Cotabato.
02:47Sa investigasyon ng pulisya, may mga sakay na pasahero ang truck na galing sa bayan ng Malidigaw at patungo sana
02:54ng Cotabato City para sa isang outing.
02:56Pagdating sa bahagi ng barangay San Mateo sa Alyosan, may iniwasang motorsiklo ang truck sa unahang bahagi nito.
03:03Doon na, napakabing ang driver papunta sa kabilang linya ng kalsada hanggang bumanga sa Center Island.
03:09Damay sa aksidente ang isang multicab na pauwi naman ng barangay Bagulibas.
03:14Itinakbo ang mga biktima sa Alyosan District Hospital.
03:18Dead on arrival ng apat sa kanila kabilang ang isang bata.
03:21Sinusubukan pang makuha na ng payag ang mga biktima at kanila mga kaanak.
03:26Nasa kustudya ng mga otoridad ang truck driver na hinihingan din ang panayam.
03:30Patuloy ang investigasyon.
03:31Sa datos ng Department of Health, mula March 29 hanggang April 2, mayigit sanlibong road crash injuries ang naitala sa
03:39buong bansa.
03:40Mas mataas yan ng 150% kumpara noong nakarang taon.
03:44Pinakamaraming naitalang road crash injuries sa Central Luzon na sinundan ang Davao Region at Ilocos Region.
03:50Top 5 road crash injuries ang abrasion open wound, laceration, contusion, fracture at avulsion.
03:56Karamihan sa mga naaksidente ay hindi gumagamit ng anumang safety gear at nasa motorsiklo.
04:06Nasting ng dikya o jellyfish ang halos 60 naligo sa Tondaligan Beach sa Dagupan, Pangasinan.
04:14Ito pong weekend.
04:15Ayon sa Chief Lifeguard sa beach, nakaranas ng pagsusuka, pangangati at hirap sa paghinga ang mga biktima.
04:21Nabigyan po sila ng Pangulang Lunas ng mga responding otoridad.
04:255 sa 58 biktima ang dinala sa paggamutan.
04:29Dahil sa insidente, pansamantalang ipinagbabawal ang pagligo sa Tondaligan Beach.
04:34Payo ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources.
04:37Kung sakaling madikitan ng jellyfish, hugasan ng 30 segundo ang apektadong bahagi
04:43gamit ang suka para mapigilan ang pagkalat ng toksin mula sa dikya.
04:49Tanggalin din ang mga naiwang galamay ng dikya.
04:52Ibabad sa mainit na tubig ang apektadong parte ng katawan para maibsan ang sakit at pamamaga.
04:59Dalhin sa ospital ang pasyente kung nakaranas ng malalang sintomas tulad po ng hirap sa paghinga o paninikit ng dibdib.
05:06Dalhin sa ospital ang mga.
Comments

Recommended