00:00Nagpaalala ang Movie and Television Review and Classification Board sa mga operators ng Public Utility Vehicles
00:06at pampublikong sasakyan na tanging mga pelikulang G at PG lang ang dapat ipalabas sa loob ng sasakyan,
00:15lalo na ngayong Semana Santa.
00:17Batay sa memorandum ng MTRCB, inatasan ang lahat ng operators na sumunod sa umiiral na patakaran
00:25sa pagpapalabas ng pelikula sa loob ng pampublikong transportasyon.
00:30Ayon sa MTRCB, tanging mga pelikula at trailers na may klasifikasyong General Patronage o G
00:36at Parental Guidance o PG lamang ang maaring ipalabas.
00:42Saklaw ng direktiba ang lahat ng common carriers tulad ng mga bus, barko at iba pang pampublikong sasakyan
00:49na nagpapalabas ng video o pelikula habang bumabiyahe.
00:53Para masigurong nasusunod ang patakaran, nagsagawa na ng dalawang inspeksyon ang ahensya
01:00upang palalahanan ang mga bus operators at pasahero sa tamang palabas sa loob ng sasakyan.
01:06Bahagi ito ng kampanya ng ahensya na responsabling panunood na nagtataguyod ng tamang paggabay sa panunood ng media.
01:16Nagbabala rin ang MTRCB na maaring masuspinde o makansela ang permit ng mga operators na lalabag sa patakaran
01:24bukod pa sa mga multa at sa iba pang parusa.
Comments