00:00Tuloy-tuloy ang ginagawang pagbabantay ng Imbahada ng Pilipinas sa ating mga kababayan sa Bansang Oman at kanilang pakikipag-ugnayan
00:07sa DMW at OWA.
00:09Ang detalye sa report ni Jerome Toledo ng Radyo Pilipinas.
00:16Nananatiling ligtas ang mga Pilipino sa Bansang Oman sa gitna ng nagpapatuloy na kaguluan sa Middle East.
00:22Sa panayam ng Radyo Pilipinas World Service, sinabi ni Philippine Embassy in Oman Vice Consul April Casquejo na aktibo ang
00:30Filipino community leaders sa pagbibigay ng ulat sa embahada kaugnay ng sitwasyon ng mga overseas Filipino sa naturang bansa.
00:37At dahil ipinagutos ni Pangulong Ferdinand Marquez Jr. na tugunan ang pangangailangan ng mga Pilipino sa gitnang silangan,
00:44patuloy ang monitoring ng ating embahada sa Oman sa 48,000 na Pilipinong naninirahan at nagtatrabaho roon.
00:52Sa katunayan tuloy-tuloy ang close coordination nila sa Department of Migrant Workers at sa Overseas Workers Welfare Administration sa
00:59ilalim ng one country, one team approach.
01:02Meron na rin inilatag na contingency plans ang embahada, kabilang narito ang temporary shelters na maaaring magamit ng ating mga
01:09kababayan sa oras na tumindi pa ang kaguluhan sa Iran at sa buong rehyon.
01:14Meron po tayong shelter sa ating migrant workers office, sa ating OWA at any given time they would need to
01:23have a temporary shelter, meron po tayong maibibigay.
01:26Tiniyak naman ni Vice Consul Casquejo na sapat ang pondo ng embahada upang tulungan ang mga Pilipino na nangangailangan ng
01:34tulong.
01:34Sa kasalukuyan, wala pang natatanggap na request ang embahada mula sa mga Pilipino sa Oman na nais nang umuwi ng
01:41Pilipinas.
01:42Naman naman po ng mga Pilipino na sa ngayon at least we remain generally safe here in Oman.
01:48So sa ngayon po wala po kami natatanggap na ganong mga request patungkol dito.
01:53Wala namang patid ang paalala ng pamalaan sa ating mga kababayan na nasa Middle East na manatiling nakaalerto at sumunod
02:00sa mga inilalabas na abiso ng ating mga embahada at konsulado.
02:04Para sa Integrated State Media, Jerome Toledo ng Radyo Pilipinas, Radyo Publiko.
Comments