00:00Gagamitin na ng MMDA ang kanilang No Contact Apprehension Policy o NCAP cameras
00:06sa paghuli sa mga nagkakalat o nagtatapon ng basura sa mga pampublikong lugar kabilang ang mga estero.
00:14Ayon kay MMDA General Manager Nicolás Torre III,
00:17official ng ipatutupad ang nasabing hakbang makalipas ang isang linggo.
00:22Ipauubaya na ng MMDA sa mga local government unit ang pagpapataw ng multa sa mga lalabag
00:28alinsunod sa umiiral na anti-littering ordinances sa kanilang nasasakupan.
00:34Kahapon, nagsagawa rin ng soft launching ang MMDA para sa kanilang Yes to IOS campaign
00:40na nagtataguyod ng civic responsibility at pagpapabuti ng disiplina at pag-uugali sa lipunan.
Comments