00:00Naanawagan si LTFRB Chairperson Attorney Vigor Mendoza II
00:04sa transport leaders na isumite sa kagawaran ng kumpletong listahan ng kanilang mga miyembrong driver.
00:11Ito'y para matiyak na lahat ng PUV drivers ay makatatanggap ng fuel subsidy at financial assistance.
00:18Sinabi yan ng opisyal matapos ang pulong sa United Transport Consolidated Entities Nationwide
00:24na layong talakayin ang konkretong hakbang upang matugunan ang hamon sa presyo ng petrolyo.
00:30Dito ay siniguro rin ni Mendoza ang pagpapatupad ng iba't ibang mga hakbang ng pamahalaan
00:36upang matugunan ang pangangailangan ng sektor ng pampublikong transportasyon
00:41alinsulod na rin sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Comments