Skip to playerSkip to main content
  • 3 hours ago
Arvin delos Reyes, nananatiling matatag sa kabila ng obstacle sa buhay

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 8:00 am
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:00 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:00 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 9:00 pm - 10:00 pm

Saturday & Sunday:
Sentro Balita Weekend - 1:00 - 1:30 pm
Ulat Bayan Weekend - 6:00 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Sa bawat obstacle na kailangang langpasan, may mga kwentong hindi agad nakikita.
00:05Kwento ng tapang, kyaga at paniniwala.
00:08At para kay Arvin De Los Reyes, ang kanyang pagtakbo sa isang obstacle course ay higit pa sa isang karera.
00:15Isa itong paglalakbay ng pagbangon at pagpapatunay na kahit may eliminasyon sa paningin,
00:21walang makakapigil sa isang atletang may malinaw na pangarap.
00:25Ang kanyang kwento, alamin natin sa ulat ni teammate JB Junio.
00:50Sa matinding hamon ng Spartan Race Philippines,
00:54pinatunayan ng warrior na si Arvin De Los Reyes na walang limitasyon ng pusong handang lumaban.
01:00Bagamat may kapansanan sa paningin,
01:02hindi ito naging hadlang para makipagsabayan sa mga pinakamahukusay na atleta sa larangan ng obstacle course racing.
01:09Sa halik, ginamit niya ito bilang motibasyon upang mas paghusayan ng kanyang galaw, timing at piwala sa sarili.
01:16Matapos ang dalawa hanggang tatlong taong paglayo sa kompetisyon,
01:20hindi naging madali ang kanyang pagbabalik para kay Arvin.
01:23Ang bawat obstacle ay parang bagong hamon na kailangang pag-aralan muli.
01:28Sa kabila nito, nagawa niyang maibalik ang kanyang rhythm sa karera
01:32at maipakita na ang determinasyon ay hindi nawawala kahit may mga panahong napapahinga.
01:46Sa loob ng limang taon sa Spartan Racing,
01:49hindi lang lakas ang katawan ng kanyang pinagtutuunan,
01:52kundi pati na rin ang pagbuo ng matibay na mindset sa kanyang pinanghahawakan sa bawat karera.
01:58Ginagamit niya ang paglahok sa Spartan Racing bilang training ground,
02:02isang pundasyon para sa mas malalaking kompetisyon na kanyang pinaghahandaan,
02:06tulad ng pagiging parte ng Philippine National Paragames o PNPG sa darating na Nobyembre.
02:31Isa si Arvin, sa mga para-athlete na lumahok sa Spartan Race Philippines
02:36at sa pamamagitan ng kanilang paglahok,
02:38dala nila ang bandera ng pag-asa para sa mga differently-abled racers.
02:42Higit pa rito, malaki ang naitulong ng Spartan Racing sa kanyang paghubo bilang isang para-athlete.
02:49Dahil isa ito sa pinagkukuhanan niya ng lakas bilang atleta.
02:53Isa po ito sa bumuo ng atleta journey ko dahil kung wala po ito, marami pong kulang sa akin
03:02dahil malamang hindi po ako magiging ganong kalakas lalo na yung stamina at katawan ko.
03:08At sa huli, isang mensahe ng pag-asa at tapang ang kanyang ibinibigay sa mga kapwa niya para athletes na
03:15patuloy na nangangarap.
03:33Isang paalala na ang tunay na laban ay hindi lang nasa obstacle course,
03:38kundi nasa isip at puso ng bawat atletang patuloy na lumalaban.
03:42At sa kwento ni Arvin De Los Reyes, patuloy niyang hawak ang sagisag ng isang atletang kailanman ay hindi matitinag.
03:51J.D. Junyo para sa atletang Pilipino para sa bagong Pilipinas.
Comments

Recommended