00:00Hindi lahat ng takbo ay para sa medalya, ang iba para sa pamilya.
00:05Kilalani natin ang isang dalagang Davawenya na ginawang sandata ang pagtakbo upang takasan ang kahirapan at abutin ang mga pangarap.
00:14Para sa detalye, narito ang ulat ni Paulo Salamatid.
00:20Sobrang hirap po talaga.
00:22Dati yung kinakainan po namin saging ganun po.
00:25Kasi ano po, mahirap lang po talaga yung buhay namin doon.
00:29Mahalaga po talaga sila sa akin kasi sila po yung inspiration ko po sa araw-araw po.
00:34Sa pagtitraining ko po, sa pag-aaral ko po.
00:37Ganun po. Mahal ko po sila.
00:41Sa likod ng pagpuporsigi, determinasyon at pagtsatsaga ng isang atleta
00:46ay may kaakibat na malalim na hugot mula sa mga naging karanasan.
00:50Labing siyam na taong gulang, tubong Marilog District Davao City
00:54at isa sa pitong magkakapatid.
00:56Si Milchay Moreno ay hindi lumaki sa komportabling buhay.
01:00Sa murang edad, namulat siya sa realidad ng kahirapan.
01:04Mga araw na ang laman ng hapagkainan ay payak, pinsan, saging lang.
01:09Pero sa halip na panghinaan ng loob,
01:12ginawa niya itong dahilan para lumaban.
01:15Hindi sa track o stadium nagsimula ang lahat,
01:17kundi sa araw-araw na paglalakad mula sa bahay papuntang paaralan.
01:22Mga hakbang na sa unay pangangailangan lang hanggang sa ito
01:25ay maging daan tungo sa isang pangarap.
01:30Nung bata po po ako, inutusan nila po ako na bumili ka muna doon ng pagkain.
01:35Ganun po. Kaya binibigyan din naman nila ako ng 5 pesos
01:39kasi malaki na yun sa akin, kaya masaya ako.
01:41Tapos pupunta ko sa may pindahan po, kaya bumibili po ako.
01:47Yun, parang training po na din.
01:49Tapos yung ano, year 2018 po, merong intrans po ba yun?
01:58Tapos ayun, sumali ako kasi may potential po ako, may endurance po
02:02kasi araw-araw po akong naglalakad.
02:04Kaya ano, yung first run ko po, nanalo po ako ng gold.
02:08Tapos binigyan po ako ng premium na junk foods yata yun.
02:13Tapos umuwi ako sa bahay namin.
02:15Ako, ma, meron po akong natanggap na pagkain.
02:17Ganun po.
02:20Sobrang happy niya po na meron po akong natanggap.
02:23Kaya tuloy-tuloy na yun.
02:25Sa mga ngiting nakikita niya mula sa kanyang mga magulang,
02:29doon siya mas lalong nakakakuha ng lakas.
02:32Kaya naman, mas pinagbuti niya ang kanyang sarili
02:35hanggang sa mapansin ang kanyang talento.
02:38Mula Marilog National High School,
02:40narecruit siya sa Kalinan National High School
02:43upang mas mahasa pa sa larangan ng athletics.
02:46At ngayong nasa koleheyo na si Milchay,
02:48mas lumalawak pa ang kanyang karanasan
02:51sa pagsali sa mas maraming pang mga kompetisyon sa bansa,
02:54gaya ng palarong pambansa, provincial at regional meat.
02:58Pero kasabay ng mga pagkakataon ay ang mga sakripisyo.
03:03Isa na rito, ang malayo sa kanyang pamilya.
03:07Si mama at si papa talaga yung bumubuo ng araw ko
03:11at nakikita ko sila.
03:14Kasi naiingit po ko sa kapatid ko kasi ano po yung pagkatapos ng klase nila,
03:20meron silang matatawag na ma,
03:23kakain na ako, ganun.
03:24Tapos ako, ano lang, wala.
03:28Kasi hindi ako nakastay sa amin.
03:33Pero sa kabila ng pagod, paghihirap at pagkakawalay,
03:37nananatiling buo ang kanyang layunin.
03:41Ang goal ko po talaga sa pagiging atleta po
03:43ay makakuha po ng skala para makapag-aral po ako
03:47dahil alam ko naman balang araw mawawala din tong sports sa akin.
03:51Tapos ano, yung goal ko po talaga makapagtapos ng pag-aaral
03:55para sa pamilya ko po.
03:58Sa mundo ng sports, maraming tumatakbo para manalo.
04:02Pero si Milchay, tumatakbo para magbago ang buhay.
04:07At sa bawat takbo niya, kasama ang pangarap na isang araw,
04:11hindi na kailangang magtiis ng kanyang pamilya.
04:14Paulo Salamatin, para sa atletang Pilipino, para sa bagong Pilipinas.
Comments