00:00Tuwing Semana Santa, muling nabubuhay ang mga tradisyon ng mga Katolikong Pilipino.
00:05Sa Taralak at Pampanga, may mga gumagawa ng obra na humuhubog sa debosyon.
00:11Kilalaning sila sa report na ito.
00:16Bawat pukpok ng pait, may mukha ng debosyon na unti-unting nabubuo.
00:22Sa loob ng dalawang araw, ang imahin Jesus, na uhubog ng 29 anyos na si Jim Webb.
00:28Minana niya sa ama at lolo ang kanilang pagiging imahinador.
00:31Silang umuukit, nagdidesenyo, at nagpipinta ng mga imahin.
00:36Isa raw si Jim Webb sa mga pinakabatang imahinador sa Bakulor, Pampanga.
00:41Yung mga puhon po na ginagawa namin, panatapon na rin eh.
00:46Naging batang ama rin siya sa edad na labing anim.
00:49Ngunit ang murang karanasan bilang haligi ng tahanan,
00:52naging inspirasyon at pundasyon ng kanyang sining ng debosyon.
00:56Naisip ko, anong ibubuhay ko sa pamilya ko kung di naman ako makapagtapos ng pag-aaral.
01:02Kaya yun na lang po yung pinokos ko.
01:05Sa isang buwan, kaya niyang makalilok ng apat hanggang limang santo.
01:09At bawat isa, realistiko, lalo na ang mga mata at bibig.
01:14Ani mo'y buhay?
01:15Pinag-aralan ko talaga sa mata kung paano magubuhay.
01:19Kasi sa mata talaga makita yung emosyon eh, kahit sa tao din eh.
01:23Nang mag-viral ang kanyang obrang dolor,
01:26hinanap-hanap ng ilang simbahan at kolektor sa loob at labas ng bansa
01:29ang kanyang mga gawa.
01:31Simula limampung libong piso, ang pinakamaliit.
01:33Ang mas detalyado at buong imahen,
01:36mula isang daan at walumpung libo hanggang dalawang daan at limampung libong piso.
01:41Dahil sa kanyang sipag at syaga.
01:42Ang nooy maliit na talir niyang lona at plywood,
01:45isa ng ganap na workshop sa Concepcion Tarlac.
01:49Ang 17-anyos na si John Andrew,
01:51abala sa pagpinta ng mukha at balat ng mga imahen o inkarnador.
01:58Kaiba sa hilig ng mga kabataang gaya niya.
02:00Noong isang taon lang siya nagsimula.
02:02At sa loob ng maigsing panahon,
02:04ang kanyang talento, yumabong.
02:07Baon rin niya ang maagang pagkamulat sa buhay simbahan.
02:10Grade 4, pinasok po ako maging sakrestan.
02:12Noong bata rin po ako,
02:14mailig po ako sa arts.
02:15So yung pagpasok ko po ng simbahan,
02:18sabi ko, nakakita po ako ng mga poon.
02:21Bakit hindi ko po i-apply yung arts sa paggawa po ng poon?
02:25Depende sa laki at detalye,
02:27umaabot ng apat na oras ang pagpinta niya.
02:30Mula sa simpleng kulay,
02:31unti-unting nabibigang buhay ang ekspresyon.
02:34Sa bawat hagod ng pintura,
02:36kumikita si John Andrew kada buwan
02:38ng 20,000 piso, pataas.
02:41Malaking tunong daw sa kanyang pag-aaral.
02:43Mula sa pagiging inkarnador,
02:45hanggang daw ni John Andrew na matuto
02:47para maging eskultor.
Comments