Skip to playerSkip to main content
State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation.

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews

Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.

Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!

GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.

For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta

For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:04Bumagsak sa Sapa ang kotseng yan matapos mahulog sa 16 na talampakang bangin sa Cebu City.
00:11Sakay nito ang isang ginang at anak nito na 11 taong gulang.
00:15Ayon sa mga residente, hirap makaahon sa mataas na lugar ng sasakyan kaya umatras.
00:20Pero nagtuloy-tuloy kaya dumiretsyo sa bangin. Ligtas na ang mag-ina.
00:28Hanggang 20 pesos kada kilo ang itinaas ng presyo ng LPG bukas.
00:33Tumagdag yan sa pasakit ng ikaapat na round ng Mega Oil Price Hike ngayong Mate Santo.
00:38May report si Rafi Tima.
00:439,000 pesos. Ganyan kamahalang binayaran ng isang pickup driver ng magpagas matapos lumabuli ang presyo ng petrolyo.
00:50Ang truck driver naman si Arnold, 6,300 pesos.
00:54Pero ang nakikarga lang, 48 liters.
00:58Malayong malayo sa 77 liters na naipapakarga noon sa halagang 8,000 pesos.
01:10Nadagdaga na hanggang mahigit 12 pesos per liter ang diesel ngayong araw.
01:14Hanggang 2 pesos ang 50 centavos per liter naman sa gasolina.
01:17At hanggang 2 pesos sa kerosene.
01:20Inaabangan kung sususpindi ng excise tax sa langis para maibsan ang pasakit na Mega Oil Price Hike sa mga motorista.
01:2710 piso kada litro ang ipinatong nabuhi sa gasolina.
01:306 piso kada litro naman ang excise tax sa diesel.
01:33Ayon sa Energy Department, posibleng sa April 12 o 13 pa pwedeng magamit ng Pangulo ang emergency powers na magsuspindi
01:40o magtapyas ng oil excise tax.
01:42Pagtitiyak naman ng DOE, naiwasan na ng bansa ang krisis sa supply ng langis.
01:46DOE has been hard at work in order for us to avoid going into crisis mode na.
01:53And I think we're not reaching that as of the report, based on the report today.
01:58Because we have in fact increased the supply and stabilized the supply.
02:05Mula sa 45 araw, naging pang 51 araw na raw ang average na inventaryo ng langis sa bansa.
02:11Pero ang LPG, pang 34 araw na lang ang supply.
02:14At naganun siya ang ilang kumpanya ng LPG na taas presyo simula bukas.
02:18Shipping cost, yan po talaga ang nagpataas ng presyo.
02:22Plus of course, itong contract price or yung international market price.
02:27Ang direction po naman ng Department of Entry sa amin, bumili lang ng bumili kahit anong presyo.
02:33Ang ilang pangunahing bilihin naman, inasa ang walang taas presyo hanggang April 15.
02:37Pero pagsapit ng April 16, posibleng magmahal na ang ilan.
02:41Ayon sa Department of Trade and Industry at Malacanang.
02:43Definitely, we can expect some price increase but not for all.
02:48Kasi nag-usap po kami ng mga manufacturers.
02:51There's no need to panic. There's no need to hoard.
02:53Kasi marami po tayong supply.
02:55May mga pagkakatoon po talaga na hindi natin kakayanin pigilan dahil sa nangyayaring sigalot sa Middle East.
03:01Pero lahat po ng pwedeng gawin ng ahensya ng gobyerno ay gagawin po.
03:07Hindi pa masabi ngayon kung magkano at alin sa mga ito.
03:09Nauno na rin ang nagtaas ng presyo ang mga sangkap sa paggawa ng kakanin na patok pa man din tuwing
03:14Semana Santa.
03:16Ang isang piraso ng nyog na may kasamang pagpapakayod ng laman, dating 25 to 35 pesos lang.
03:22Pero ngayon, aabot na ng 50 pesos.
03:25Rafi Tima, GMA News.
03:28Alinsunod sa utos ng Pangulo, makikipagdialogo ang Departure of Foreign Affairs sa Iran para ligtas sa makadaan sa Strait of
03:35Hormuz,
03:36ang mga barkong magahatid ng langis sa Pilipinas.
03:39Ayon sa Malacanang, sinabi ni Foreign Affairs Secretary Tess Lazaro na posibing bukas o sa susunod na linggo ay kausapin
03:46niya ang Ambassador ng Iran.
03:48Tiniyak ng kalihim na maayos ang relasyon ng Pilipinas at Iran.
03:52Pinadaan na ng Iran ang tatlong barkong ng China matapos magungnayan ang dalawang bansa ayon sa Chinese Foreign Ministry.
03:59Pero ang Kuwait flag vessel na Al-Salmi, inatake at sinunog ng Iran.
04:04Bago yan, inanunsyo rin ang Pakistani government na pinayagan ng Iran na padaani ng kanilang mga barko.
04:14Inagaan na rao umuwi ng ilang biyaheng probinsya para marami pa rin silang nakasabay sa bus terminal.
04:21Ang ilang dati ng mga nagarikila ng sasakyan mula sa airport, nag-bus na din para mas praktikal.
04:27Mula sa Paranaque Integrated Terminal Exchange, may live report si Katrina Son.
04:32Katrina?
04:36Atom, kapansin-pansin na ang pagdami ng mga pasaherong nagsisiuwian sa kanilang mga probinsya dito sa PITX.
04:43Kanya-kanya rin rin sila ng diskarte para makaiwas sa anumang abala.
04:51Bit-bit ang kanilang mga bagat pa sa lubo.
04:54Maagang nagtungo sa PITX ang ilang pasaherong uuwi sa kanilang probinsya.
04:58Para makaiwas sa sigsigan at posibleng mahabang pila sa mga susunod na araw.
05:04Si Sandy Fajardo nga at ang kanyang anak, alas seis pa lang ng gabi, nandito na sa PITX kahit alas
05:11dyes pa ng gabi ang kanilang biyahe.
05:13March 29 pa raw siya nag-book ng kanilang tiket.
05:16Hinabul ko rin kasi apat naro lang yung day off ko eh. Babalik ulit. Para makabawi naman sa pamilya.
05:22Para naman umanong nabunutan ng tiniksidang tandas nang makakuha siya at ang kanyang anak ng tiket pa uwi sa Atimo
05:30ng Quezon.
05:31Pagdating daw kasi nila sa naia mula Los Angeles, California sa Amerika, dumerecho na agad sila sa PITX.
05:38Dahil maalang gasolina, sabi ng anak ng ano, ng husband ko is 100 something ang per ano per liter daw.
05:48Kaya ay wag na lang daw siya. Sabi ko wag na lang. Ayaw ko na lang magpasundo.
05:53Kasi iwas trapiko and then magastos din. Sobra.
05:58Naga ang magkapatid na si Narina at Dorothy.
06:01Dati raw kasi ay nag-aarkila sila ng sasakyan.
06:04Para makaiwas din sa traffic. Ngayon pa lang ako makakasubok ng ganito, biyahe.
06:14Malaki na ang arki lang ngayon. Ang mahal na ng arki lang ngayon.
06:19Mabilis naman ang usad ng mga pila rito sa PITX.
06:22May mga personnel din mula sa iba't ibang mga ahensya ang nakaalalay sa mga pasahero.
06:28Bukod sa PITX, dumarami na rin ang mga nagsisiuwihan sa iba't ibang bus terminal.
06:34Sa naiyan naman, nag-alangan man dahil may crisis sa Middle East,
06:38ay tinuloy pa rin ang Pamilya Amor mula Southern Leyte ang magbakasyon sa Thailand.
06:43Nangihinayang kasi sila sa nabook nilang P18,000 na round-trip ticket noong nakaraang taon.
06:49Nagdadalawang isip na po eh kaso nakabook na kasi.
06:52At minsan lang po at it's our first international flights.
06:55Nangamba, baka maglakad na kami pa uwe.
06:59Kasi yung taas na taas kadaaraw.
07:03Mula bukas hanggang April 15, lalo pang magmamahal ang pamasahe dahil sa magtaas ng fuel surcharge.
07:09Simula rin bukas, babawasan nang hanggang kalahati ang sinisingil na passenger service charge.
07:14At ang sinisingil nila sa mga airline na landing at take-off fees.
07:18Tiniyak naman ang mga airline na may sapat silang jet fuel kaya tuloy ang mga flight.
07:23Protektado ang pasahero ng passenger bill of rights.
07:26By end of this April at saka early May, may mga ruta na babawasan nila yung flight.
07:33At magkukocentrate sila doon sa mga airport na maraming pasahero.
07:37Samantala, inaabisuhan ang mga pasahero na angim na airlines ang nalipat sa Terminal 3.
07:43Isang airline naman ang nalipat sa Terminal 1.
07:46Kaya i-verify muna ang inyong terminal assignment bago pumunta sa airport.
07:50Kung sa naiya, 1.3 milyon na mga pasahero ang inaasahang na biyahe ngayong Semana Santa.
07:55Sa mga paliparan sa probinsya, aabot naman ang mahigit kalahating milyon ng mga pasahero.
08:01Bahagyang mas mataas kumpara sa parehong panahon noong 2025.
08:13Atto, mas of 9pm ay umabot na sa mahigit 160,000 ang mga pasahero na nagpunta ngayong araw dito sa
08:21PITX.
08:21Paalala rin sa mga babiyahe rito ngayon na mas mabuti kung maaga kayong makakapunta sa mga bus terminal para makaiwas
08:28sa anumang aberia.
08:29Atto, maraming salamat, Katrina Son.
08:33Kasabay sa bakasyon ngayong Holy Week, pansamantalang isasara ang ilang kalsada sa Metro Manila para sa pagkukumpunin ng DPWH.
08:41Ayon sa DPWH, hanggang April 6 kukumpunihin ang ilang kalsada pero may ilan namang mas maaga matatapos.
08:48Kasama sa road repair ang ilang bahagi ng EDSA, gayon din ang bahagi ng E. Rodriguez Senior Avenue,
08:54pati ang ilang bahagi ng northbound ng G. Araneta Avenue, kabilang ng San Juan Bridge at Lambingan Bridge sa Quezon
09:01City.
09:01Gayon din ang bahagi ng MacArthur Highway sa Barangay Karuhatan, Valenzuela,
09:06P. Quirino Bridge sa President Quirino Avenue sa Maynila,
09:09at Almirante Creek sa Las Piñas City at Alabang Montinlupa Road sa Montinlupa City.
09:16Kukumpunihin din ang Rosario Bridge sa Ortigas Avenue sa Pasig,
09:19at inaabisuhan ang mga motorista na gumamit ng mga alternatibong daan.
09:26Kumpara noong Martes Santo ng 2025, mas kakaunti ngayon ang mga biyahero sa Batangasport.
09:32Sa gitna ng mahal na petrolyo at taas pasahe sa mga barko.
09:36May ilang kumpanya rin na nagbawas na ng biyahe, pero may solusyon naman daw ang Transportation Department.
09:42May report si Bama Legre.
09:46Bago sumakay sa Batangasport, pwede na ang online ticket reservation sa mga babiyahe ngayong Semana Santa.
09:53Paraan yan para iwas sa chance passengers at tiyak na makakasakay na.
09:57Ngayong Martes Santo, patuloy ang test run ng oras o online registration assistance system sa Pantalan.
10:04Pero hati ang opinion ng mga pasahero. Ang ilan kasi hindi masyadong techy.
10:09Noong una, pumipila kami dito na matagal para lang magkaroon ng ticket. At ngayon, ambilis.
10:15Maganda din po siya na meron na pong advance. Pero paano po yung iba na, lalo po yung mga senior
10:22na hindi po kaya makapagal.
10:24Na ha-hasilan ako. Dati, pagpasok pa lang, diretsyo ka na. Ngayon, hindi na makakaabot kasi may ganyan pa.
10:30Ito yung mga pasahero na biyaheng Odyongan-Romblon.
10:33Halos fully booked ang paglalayag na ito dahil kapag online ang booking nito, isa na lang ang makukuha ninyo ngayong
10:39hapon.
10:40Gayun din ang mga biyaheng katiklan sa akla na dalawa na lang ang available slot.
10:44Marami ang biyaheng Mindoro tulad ng Abra de Ilog, Puerto Galera at Calapan.
10:50Kumpara noong nakaraang taon, mas kaunti ngayon ang biyahero sa Pantalan.
10:54Ayon sa pamunuan ng Batangas Port, aabot sa 27,000 na pasahero ang naitala noong Martes Santo noong 2025.
11:02Pero ngayon...
11:03As of kaninang kasing 12 noon, nakapagtala lang tayo ng mahigit na 7,000 na pasahero. Malaki ang ibinaba.
11:12Ayon sa Philippine Force Authority, ilan sa mga dahilan kung bakit nabawasan ang mga bumiyahe
11:17ang sunod-sunod na oil price hike at pagtaas ng pamasahe sa mga barko.
11:22Ang Maritime Industry Authority o Marina, inaprubahan na ang hanggang 30% na maximum increase sa pamasahe sa mga barko.
11:30Di pa inaanunsyo kung kailan yan efektibo.
11:32Pero dapat na alinsunod pa rin sa required rate adjustment na ilalabas ng marina kada linggo.
11:38Ayon naman sa Transportation Department, may mga kumpanyang nagsasabi na sa kanila na magbabawas ng barko.
11:43Pero handa naman daw sila magbigay ng libreng sakay.
11:47Bam Alegre, GMA News.
11:51Nagsumiti na raw ang grab ng listahan ng mga driver, rider at delivery partners sa kanilang platform
11:56para maisama sa fuel assistance program ng gobyerno.
12:00Nakatuon daw sila ngayon sa pakipagtulungan sa mga kinaukulang ahensya
12:04upang matiyak na lahat ng kwalifikadong benepisyaryo ay may sasaalang-alang.
12:11Nagpapatupadanin daw sila ng on-ground appeals mechanism para sa pangangalap ng impormasyon sa kanilang mga driver, delivery at rider
12:18partners
12:19at para mapadali ang verifikasyon at pag-endorso sa mga susunod na batch na kanilang isusumite.
12:26Inilabas ng grab ang pahayag kasunod ng sinabi ng DSWD na ilang transportation network company
12:33ang hindi nagsumitean ng lahat ng pangalan dahil mabibistong sobra sa pinapayagang bilang ang kanilang driver partners.
12:47Isang kotse sa Kawayan City, Isabela, ang biglang nagliyap.
12:51Naapula rin ito agad at walang nasaktan.
12:54Ayon sa Bureau of Fire Protection, short circuit ang mitya ng apoy.
13:00Sa Quezon City naman, halos mawasak ang isang truck sa Mindanao Avenue na nawalan umano ng preno.
13:07Idiniretsyo ng driver ang truck sa poste.
13:09Digtas naman ang driver.
13:11Agad nagsasagawan ang clearing operations matapos kumalat ang karga nitong buhangin at tumagas ang laman nitong diesel.
13:19At para ligtas ang inyong biyahe, lalo ngayong Semana Santa, tandaan ng Babette Gloves.
13:25Hiaking nasa kondisyon ang baterya ng inyong sasakyan, pati ng air o air pressure o hangin ng gulong,
13:32brakes o preno, engine o makina, at tire o kondisyon ng gulong.
13:37Isama na rin ang gas, light o ilaw, oil o langis sa makina, water o tubig ng sasakyan, at ang
13:46self o ang mismong driver.
13:50Sa mga commuter target na ipatupad ng Transportation Department ang libring sakay o discounted na pamasaya sa April 15.
13:59Yan ay sakaling marilis na ang nasa isang bilyong pisong pondo na hinihiling ng kagawaraan para sa service contracting
14:06o yung pangongontrata ng gobyerno sa mga pampublikong sasakyan, kaya makikinabang din ang mga PUV driver at operator.
14:14Samantala, binuksan na ngayong araw ang huling apat na kilometrong bahagi ng Central Luzon Link Expressway.
14:20Kaya mapababilis na ang biyahe mula talactiflex exit papuntang Kabanatuan City.
14:27At habang naghahanap pa ng kontraktor na mag-ooperate ng CLLX, libre rao muna ito na magagamit ayon kay Pangulong
14:37Bongbong Marcos.
14:40Tulad sa tao, may banta rin sa kalusugan ng mga alagang aso ang pagiging obese o sobra sa timbang.
14:47Alamin sa report ni Katrina Son.
14:52Madalas kagiliwan ang mga asong mataba, pero hindi lahat dapat katuwaan dahil sa likod nito may banta rin sa kanilang
15:02kalusugan.
15:03Ang tatlong taong golden retriever na si Summer, malakas humilik.
15:09At madalas ayaw maglakad.
15:12Sa unang tingin, mukhang masayahin ang alaga, pero obese na pala kung maituturing dahil lagpas na sa 35 kilogram na
15:21ideal weight sa ganitong breed.
15:23Hindi napansin ma'am kasi sabi naman na isakto lang yung katawan niya pero nung na-check na namin kay
15:29doc, ang laki na pala ng timbang niya po.
15:32Doon na nalaman yung mga sakit na may sakit siya sa liver, tapos na high blood siya.
15:39Yun, kailangan niya niya mag-diet.
15:40Si Tinay Amparado naman, sinisiguro na ilalakad ang alaga araw-araw.
15:46Labing dalawang taong bulang na raw kasi ito at hirap na ang mga buto dahil sa katabaan.
15:51May hina siya talaga maglakad pag madami pagkain.
15:54Kunti lang nabigyan ang pagkain namin.
15:56Para naman maging healthy at iwas sa anumang sakit, tamang pakain lang si Maricel sa alagang si Tiger.
16:02Bukod pa raw ito sa araw-araw na pag-eersisyo.
16:05Para maging healthy po, para hindi po tumaba masyado, tapos para gumanda po yung paglaki nila.
16:14Ayon sa mga eksperto, dumarami na ngayon ang mga aso na sobra sa timbang o obese.
16:20Isang tahimik pero seryosong kondisyon.
16:22Kaya naman sa vet hospital na ito, isa sa mga tinututukan nila ang timbang ng mga aso at pusa.
16:29Technically, kung anong kinakain natin, binibigay din po natin sa mga pets natin.
16:35So kapag ganito ma'am, nagiging kadalasan po yung nagiging obese yung mga pets natin.
16:41Kapag napapansing bumibigat na ang alaga, malaki raw ang may tutulong ng paglalakad at mga low-fat food.
16:48May tinatawag na rin ngayong hydrotherapy.
16:50Kung baga pumapasok siya as physical therapy po talaga para sa mga alaga natin hayo.
16:56Ang asong sobra sa timbang, prone daw sa ibat-ibang sakit gaya ng diabetes,
17:01problema sa puso, pato sa ibat-ibang bahagi ng katawan,
17:05at hirap sa paghinga at pananakit ng kasukasuan.
17:09Ang tunay nga raw na pagmamahal sa alaga,
17:11hindi nasusukat sa dami ng ibinibigay na pagkain,
17:15kundi sa haba at kalidad ng kanilang buhay.
17:19Katrina Son, GMA News.
17:49Kylie Padilla ibinida ang fighting skills, martial arts,
17:53hanggang sa paghahawak ng baril at patali sa video ng kanyang training
17:56para sa upcoming Kapuso Action Series na Task Force Firewalk.
18:03Kasabay niyang nagahanda si Jack Roberto,
18:06na nag-tactical and practical shooting training,
18:08kasama si na Miguel Tan Felix, Buboy Villar, at Kailin Alcantara.
18:16May sarili ding paghahanda si Kailin para mas ma-develop ang strength and endurance,
18:21gaya ng pag-akit niya sa mga pulag.
18:24Aubrey Carambel, GMA News.
Comments

Recommended