00:00Nagbabala ang Benguet Electric Cooperative ng posibleng pagtaas sa singil ng kuryente sa Baguio at Benguet ngayong Abril dulot ng
00:07patuloy na pagmamahal ng langis.
00:09Yan ang ulat ni Jeze Lapizar ng PTV Cordillera.
00:14Inanunsyo ng Benguet Electric Cooperative o BNECO,
00:18ang posibleng panibagong pagtaas sa singil ng kuryente sa mga consumer sa Baguio City at lalawigan ng Benguet
00:24kasunod ng patuloy na pagmahal ng presyo ng langis sa pandaigdigang merkado.
00:29Ayon sa BNECO, ang pagtaas ng singil ay direktang epekto ng tumitingding krisis sa Middle East
00:35kung saan nagpapatuloy ang mga kaguluhan na nakaapekto sa supply at presyo ng krudo.
00:41Dahil dito, tumaas ang generation system charge at transmission system charge na ilan lamang sa mga bahagi ng electric bill.
00:49Ilan sa mga consumer ang nangangamba rito,
00:52ngunit Anil ay wala silang magagawa kundi ang tanggapin ito at maghigpit ng sinturon upang makasabay sa tumataas na gastusihin.
01:00Wala, wala tayong magagawa talaga e.
01:02Hirap dahil sa pagtaas ng langis, hindi naman tayong maiwasan yung gera.
01:09Budget-budget muna, magtipid-tipid sa wanda ng bagay.
01:13Ipinaliwanag ng kooperatiba na karamihan sa supply ng kuryente
01:17ay nakadepende sa mga planta na gumagamit ng fossil fuel na imported galing sa ibang bansa.
01:22Kaya't anumang paggalaw sa presyo ng langis,
01:25sa pandaigdigang merkado ay agad na nararamdaman sa singil ng kuryente.
01:29Generation system charge might increase by about 4 pesos by April.
01:37At hopefully, hindi worst case scenario na magpapatuloy pa rin yung sasusunod na mga buwan.
01:45Based on the initial computations na yung rates might,
01:51sabihin na natin, could jump from yung current na 8 pesos per kilowatt hour natin
01:56ay aakyat na ng 12 pesos per kilowatt hour by April.
02:02Dagdag pa ng bineko na kung hindi tumigil ang pagtaas ng presyo ng langis,
02:07ay maaari pang umabot ng 16 pesos per kilowatt hour
02:10ang magiging singil sa kuryente batay sa kanilang projections.
02:15Bagamat limitado ang kanilang control sa generation system charge
02:18at transmission system charge, patuloy silang nagahanap ng paraan
02:23upang mapababa ang iba pang bayarin at mabawasan ang epekto sa mga consumer.
02:27I hope maintindihan po ng ating mga consumers na this is beyond bineko already.
02:34Kasi this is a global na problema, yung mga pangyayari, yung epekto ng Middle East War.
02:42Samantala, nananawagan ang kooperatiba sa publiko na magtipid sa paggamit ng kuryente,
02:47lalo na sa gitna ng inaasahang patuloy na pagtaas ng presyo ng krudo sa mga susunod na buwan.
02:54Jezriel Kate Lapizar para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.
Comments