00:00Inamin ng abogado ni Atong Ang na nagbigay siya ng pera sa ilang kaanak ng mga nawawalang sabongero.
00:06Pero itinanggi niyang may kapalit ito para huwag nang dumalo sa pagdinig ang mga pamilya ng biktima.
00:12May report si Marie Zumali.
00:16Ito yung pera na inaabot ni Atty. Caroline after niyang makipag-meet, makipag-usap, lagi siyang may pa-brown envelope.
00:2740,000 piso kada buwan, kapalit ng hindi napagdalo sa mga hiring sa kaso.
00:33Yan daw ang alok na abogado ni Atong Ang na si Caroline Cruz sa mga kaanak ng mga nawawalang sabongero.
00:39Sabi ng ilang kaanak na dumulog sa Napolcom kahapon, nangangamba silang nagkakaaregluhan na.
00:45Ipinakita nila ang sobre at perang tigi isang libo.
00:48Kaya yung iba po sa amin wala na kasi pumayag po sila na hindi na umatend ng hiring kapalit ng
00:5640,000 per month.
00:58Pasimple niya lang pong inabot yan.
01:01Sabi niya, ayaw niya po pabuksan sa bahay na lang daw po.
01:05Konting tulong lang yan, konting sa abala.
01:09Yun lang po yung sabi niya.
01:11Sumbong pa nila mga polis ang naging tulay para makapulong ng kampo ni Ang,
01:15ang mga kaanak ng mga sabongero.
01:18Kanina, sinibak na sa pwesto si na PNP Highway Patrol Group Spokesperson Police Lieutenant na Dame Malang
01:24at Police Major Reynaldo Panyebe Jr.
01:27Si Panyebe ang OIC ng Custodial Service Unit na may hawak sa kustodiyan ng mga nakakulong na polis.
01:33Hindi po natin sinasabing na agad guilty yung ng dalawang individual na personal natin.
01:37Ngunit sa matter of SOP o proseso po natin.
01:40Sa pauna ang investigasyon, tumulong umano si Malang para makapasok sa kamp krame ang ilang kakilala.
01:47Siya rin daw ang nakipag-ugnayan sa custodial facility para sa meeting.
01:51Habang si Panyebe, hindi patukoy kung pinayagan nga ang pagbisita.
01:55Wala pa po kaming matibay na pagkukuna ng ebidensya kung nagkaroon talaga ng pagtanggap ng mga unauthorized visitors doon po
02:07sa ating mga persons under police custody.
02:11Ang abogado naman ni Ang, inamin na nakipagpulong sa ilang pamilya ng nawawalang sabongero sa kanyang opisina noong April 20.
02:18Pero mismo nga mga pamilya raw ang humiling ng pulong at hindi siya.
02:22Sabi niya umano sa kanila, hinahanap din niya ang katotohanan kaya pumayag na makipagpulong.
02:27Inamin niya nagbigay siya ng 20,000 pesos na tigli limang daang piso sa mga ito bilang pinansyal na tulong
02:33at walang kapalit.
02:35Geet ni Cruz, malinis ang kanyang konsensya at handa niyang harapin ang aligasyon ng mga pamilya sa tamang forum.
02:41Maris Omali, GMA News.
Comments