00:00Kabi-kabilang baha sa Mindanao at kabisayaan ang namerwisyo,
00:03bunsod ng pinagsamang epekto ng bagyong quiapo at habagan.
00:07Ilang tulay ang nasira at may mga bahay na gumuho at inanod ng ilo.
00:12May report si Efren Mamak ng GMA Regional TV.
00:22Unti-unting gumuho ang lupa hanggang sa tuluyan ng bumigay
00:25at nahulog sa sapa ang bahay na ito sa Maasim, Sarangani.
00:42Isang bahay rin ang nilamon ng ilog sa bayan ng Dlan.
00:48Maging tipak ng semento, pati puno ng niyog, hagip sa ragasa ng tubig.
00:56Sa barangay Kiyogam, isang kalsada ang minasak ng baha.
01:02Hinambalos naman ng malalaking alon sa dagat ang ilang bangka sa bayan ng maitom.
01:08Sa bayan ng malapatan, isang hanging bridge ang minasiwas na mga debris na inanod ng umapaw na ilog.
01:14Umaasa ang mga residente ng maayos agad ito ng LGU.
01:20Isang hanging bridge rin ang nasira dahil sa matinding ring ragasa ng ilog sa barangay Gasi sa bayan ng Kiyamba.
01:33Nasiraan din ang barangay ng konkretong tulay.
01:36Sa barangay Katubaw, napilitan ng lumikas ang mga residente dahil sa pag-apaw ng ilog.
01:44Hindi naman alintana ng isang lalaki ang ragasa ng ilog sa General Santos City.
01:49Tila chill pa siya ng una, pero nang subukang tumawid, ay mabilis siyang tinangay ng tubig.
01:55Ligtas naman siyang nakaahon.
01:59Rumagasa rin ang ilog sa barangay Labangal.
02:02Hinampas ng tubig ang mataas na flood control dike bago ito umapaw at umabot sa ilang bahay sa lugar.
02:09Abot baywang naman ang baha sa Lambayong Sultan Kudarat.
02:13Sa bahay na ito, tinitiis na lang ng isang pamilya ang kanilang papag na halos malubog na rin sa baha.
02:20Buwis-buhay naman ang rescue operation sa ilang residente sa bayan ng Palimbang.
02:24Ayon sa MDRRMO, anim na barangay ang nalubog sa baha simula pa nitong Merkoles.
02:30Ilang motorista rin ang stranded dahil sa mga pagguho gaya sa bahaging ito ng Tiboli, South Cotabato.
02:35Sa Malabang Lanao del Sur, ang Maladi Bridge, winasak na ng umapaw na ilog.
02:41Bukod sa Mindanao, apektado rin ang habagat na pinalalakas ng bagyong Quiapo ang malaking bahagi ng Visayas.
02:48Bumaha sa ilang lugar sa Gimaras at Antique, pati sa Bayawa Negros Oriental kung saan isa ang nasawi.
02:56Pinasog din ang baha ang ilang bahay at establishmento sa Ilo-Ilo City.
03:01Direkta namang naapektuhan ng bagyo ang ilang bahagi ng Northern at Central Luzon kabilang ang Ilocos Norte.
03:07At Aurora, ramdam din ang masamang panahon sa Kalayan, Cagayan bago pa man maglandfall ang bagyo.
03:14Mula sa GMA Regional TV, Efren Mamak, GMA News.
03:19Mula sa GMA News.
Comments