00:00Tila din na natapos ang kalbaryo ng paglubog sa baha sa Metro Manila gaya sa Quezon City na umabot hanggang
00:06dibdib ang tubig.
00:08Ang DPWH may plano na para sa mga drainage sa mga pangunahing kalsada.
00:13May report si Ian Cruz.
00:17Halos walang maaninag sa ilang kalsada sa Metro Manila kanina dahil sa ulan na sinabayan ng malakas na hangin.
00:26Bahana naman sa ilang lugar.
00:30Sa Ross Boulevard Service Road hanggang gutter ang tubig.
00:34Pagka malalim talaga hindi nabibiyayin, mapeperwisyo ka eh.
00:39Mas malagi pang magagastos mo sa paggawa, change oil, bayad mekaniko.
00:46Para matanggal ang mga bara, binuksan ng DPWH ang mga drainage roon.
00:51Pero napakakipot ng bukana nito.
00:54Pinapare-design ko ngayon ng inret ng major roads para pagkakihin.
00:59And mag-umpisa tayo dun sa mga flood prone area sa mga kalye na yan.
01:05Pinag-aaralan din ang paglalagay ng trash traps para mas madaling makuha ang mga basura.
01:14Pangontrabaha rin sana ang mga pumping stations pero pati basura, nahihigub din ito.
01:20Yung basura, hindi lang ano, hindi lang yung waterways ang kinaklag niya.
01:25Sinisira din niya yung mga pumps natin.
01:27Sa Maynila, baka pumps muna ang pinapagana.
01:32Ilang buwan na kasing sira ang apat na pumps doon, kabilang na ang dalawa sa Remedios Pumping Station.
01:40Plano rin ang DPWH na magtayo ng detention basin sa Raja Sulayman Park na magkakaroon ng kapasidad na mahigit 3
01:48million liters ng tubig.
01:52Sa Quezon City, nag-pump na rin ang baha sa E. Rodriguez Avenue matapos bumaha kagabi sa bahagi ng Araneta
01:59Avenue.
02:02Umabot naman hanggang dibdibang tubig sa Enes Amoranto Street na karugtong ng G. Araneta Avenue.
02:08Nang bumuhos ang napakalakas na ulan kaninang umaga, pinalutang ng baha ang mga basura sa kanal at bangketa.
02:15Wala pang isang oras, humuupa na rin ang baha.
02:21Ayon kay Pangulong Bongbong Marcos, mas mabilis na ang paghupa kumpara sa mga nakaraang pagkakataon.
02:29Mas bawas na rin anya ang baha dahil hanggang tuhod na lang daw ang inabot sa ibang lugar.
02:36Makita natin na maganda naman ang naging efekto patuloy yung ating dredging.
02:40Yung pinalaki natin ng mga drainage systems, naglagay tayo ng malalaking tubo,
02:44pati na yung mga pumping station natin. We have 73 pumping stations that are, all of them are functioning now.
02:54Pabilis mang humuupa ang baha, hindi pa rin maiwasan ang maraming na lumusong dito.
02:58Kaya panay ang paalala ng health department.
03:01Mahalaga po ang pagpapakonsulta kasi hindi po lahat ay pwedeng uminom ng doxycycline.
03:06Gaya nang nabanggit, hindi po ito pwede sa mga buntis, nagpapasuso, pati pa sa mga may allergy sa doxycycline.
03:14Sa San Lazaro Hospital, nasa 22 ang kaso ng leptospirosis.
03:19Ayon sa Chief Medical Professional Staff ng ospital,
03:23dahil sa sunod-sunod na ulan, pusibling dumami pa ang mga kaso ng leptospirosis.
03:29Nitong August 8, umabot na sa 3,440 ang kaso ng leptospirosis sa bansa, patay sa tala ng DOH.
03:38Ian Cruz, GMA News.