00:00Pinasok ng tubig baha ang mga kabahayan sa ilang lugar sa Marawi City,
00:04Bonsud ng matinding pagulan.
00:06Nakamonitor naman ang lokal na pamahalaan para agad na matugunan
00:10ang pangailangan ng mga apektadong residente.
00:13Alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
00:16Yan ang ulat ni Sharif Timhar ng Radyo Pilipinas, Lanao del Sur.
00:23Sa video na ito ni Johnny Utaba Tabor,
00:26kita ang taas ng tubig sa barangay Diabadamag dito sa Marawi City.
00:30Pero ang motoristang yan, hindi alintana ang rumaragas ang tubig
00:34at dire-diretsyong tinawid ang baha sa lugar.
00:37Abot-tuhod naman ang baha sa purok 1-2-3 ng barangay Bito-Bwadi ito wakahapon.
00:43Pinasok din ang tubig ang ilang bahay sa barangay Kadayonan, Diabadamag at Bubunga Punod.
00:48Kaya ang mga residente, itinaas na rin sa mga upuan at lamesa ang kanilang mga gamit.
00:53Puspusa naman ang clearing operations ng mga tauhan ng DRRM Office
00:57ng Mindanao State University Main Campus
00:59sa loob ng Maranao Cultural Heritage Center matapos itong pasukin ng tubig kahapon.
01:05At para mapangalagaan ang kapakanan ng mga estudyante sa Lanao del Sur,
01:09suspendido na ang pasok sa lahat ng antas sa lalawigan.
01:12Ang mga naitalang pagbaha sa lungsod ay dulot ng umiiral na weather system.
01:17Sa ngayon, maulap ang papawirim dito sa Marawi City.
01:20At dahil posibli pa rin ang pag-uulan mamaya,
01:23patunoy na nakamonitor ang LGU para agad na matugunan ang pangangailangan ng mga residente rito.
01:29Alinsunod na rin sa utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
01:32na tiyakin ang kaligtasan ng mga Pilipino tuwing may kalamidad.
01:36Mula rito sa Lanao del Sur para sa Integrated State Media,
01:40Sharif Timhar ng Radyo Pilipinas, Radyo Publiko.
Comments