00:00Mas pinalawak pa ng pamahalaan ng paghahatid ng abot-kaya na servisyo medikal sa bawat sulok ng bansa.
00:06Sa katunayan, maraming sa ating mga kababayan sa Ilocos Norte
00:10ang nakinabang na hindi lamang sa hybrid check-up, hindi maging sa zero balance billing.
00:16Si Jude Pitpita ng Graduate Pilipinas Lawag City sa Sentro ng Balita.
00:23Ilang araw na raw tinitiis ni Tatay Samuel ang nananakit niyang likod,
00:27kaya nagpatingin na siya sa Mariano Marcos Memorial Hospital and Medical Center dito sa Ilocos Norte.
00:33Sa tulong ng yakap o yaman ng kalusugan program ng PhilHealth,
00:36libre na ang x-ray, CT scan at iba pang test na kakailanganin ni Tatay Samuel.
00:59Laking tipid din sa public school teacher na si Venus ang yakap ng PhilHealth sa kanyang annual check-up
01:05dahil hindi na niya kailangan pang maglabas ng pera.
01:08Para po sa akin, ang yakap program po ng gobyerno ay mahalaga para sa aming mga empleyado na nasa gobyerno
01:18kasi malaki po ang tulong sa amin, lalo na po sa mga laboratory test na ginagawa po sa amin.
01:25Malaki po ang natitipid namin, hindi po gaya noon na nagmumula sa sarili naming bulsa.
01:32At dahil DOH Hospital ang MMMH and MC kung saan nagpapatingin si Natatay Samuel at Teacher Venus,
01:41sakop na rin ang mga pasyente rito ng zero balance billing.
01:45Kaya naman, kahit gaano pa karami at kalaki ang mga test na kakailanganin ng mga pasyente
01:50tulad ng mammogram, biopsy, ECG at ultrasound, wala na silang babayaran sa hospital.
01:56Compared po sa private hospital or private clinics na yung excess po ng coverage ng PhilHealth Yakap
02:02ay binabayaran po nila dito po sa Mariano Marcos Memorial Hospital and Medical Center
02:07ay wala pong babayaran ang pasyente basta po covered po ng PhilHealth Yakap
02:13ang gagawin pong diagnostic examination po sa pasyente.
02:18Bukod sa PhilHealth Yakap, nasa hospital na rin ang PhilHealth gamot
02:21na kung saan nabibigyan ang mga benepisyaryo ng 20,000 pesos na halaga ng gamot
02:26para sa kanilang karamdaman.
02:28Sakop dito mga maintenance medicines, antimicrobial, antihistamine at iba pa.
02:33Bunga ito ng pagsisikap ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
02:38na mapangalagaan ang kalusugan ng mga Filipino.
02:41Mula rito sa Ilocos Norte para sa Integrative State Media,
02:44Jude Pititan ng Radyo Pilipinas, Radyo Público.
Comments