Skip to playerSkip to main content
24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit http://www.gmanews.tv/24orasweekend.

#GMAIntegratedNews #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Ramdam sa patok na pasyalan tuwing Semana Santa ang Kalbaryo ng Mahal na Langis.
00:05May ilang dumidiskarte para matuloy pa rin ang kanilang biyahing Baguio.
00:09At nakatutok doon live si Bea Vila.
00:13Bea?
00:17Ivan, sa lagay na ito, hindi pag-aano karami ang dumarayo dito sa Baguio City ngayong Semana Santa.
00:23Pero may ilan tayong nakausap na tinuloy na lang daw yung matagal na nilang nakaplanong bakasyon
00:27kahit aminadong apektado ng taas presyo, sa langis at iba pang mga bilihin.
00:37Karaniwang dinarayo ang Baguio tuwing Semana Santa.
00:40Pero ngayong taon, masakit na sa bulsa ang pag-akyat sa summer capital ng bansa.
00:45Dahil malayo-layo ang biyahe natin paakyat ng Baguio, syempre kailangan natin magpakarga ng diesel.
00:51Sa isang gasolinahan sa Quezon City, mahigit 120 pesos na ang kada litro ng diesel.
00:57Halos 3,000 pesos ang ibinayad namin para sa full tank.
01:01Maluwag ang daan at dere-diretsyo ang biyahe namin kaninang madaling araw.
01:06Halos 1,000 pesos din ang binayad namin sa tol.
01:09Pagdating sa Rosales, Pangasinan, bahagyang mas mura ang petrolyo sa ilang gasolinahan.
01:14Sa Pangasinan namin naabutan ang barkada ni Lizzie at May na piniling magdala ng sariling sasakyan paket ng Baguio.
01:22Nagpa-full tank na sila ng diesel dahil marami naman silang mag-aambagan.
01:26Kung sakaling magkocommute ka, mas mahal tapos wala rin gaanong masakyan.
01:31Kaya mas prefer namin sariling kotse talaga.
01:33Kung sa Baguio sila nagpakarga, mahigit 136 pesos per liter na ang diesel.
01:39Mas mahal ng 16.35 pesos kesa sa pinakarga naming diesel sa QC.
01:45Mahigit 250 kilometers ang aming biyahe mula QC hanggang Baguio.
01:49Lagpas pa sa 25 liters ang nakonsumong diesel at umbas ng mahigit 3,000 pesos.
01:55Ang pamilya naman ni Queenie, team commute paket ng Baguio.
02:00Galing sila ng Cebu at noong Desyembre pa nilang binalak mag-Baguio.
02:04Hindi puno ang bus na sinakyan nila galing Pasay.
02:06Pero halos 700 pesos ang tiket.
02:10Mabigat rin po.
02:11But naplana po kasi tapos na napaglaanan na po ng budget.
02:16Expected na namahal kasi tumas yung gas.
02:19Pansin naman nakausap naming bus driver.
02:21Mas kaunti ang mga biyahero ngayon.
02:23Tugma sa obserbasyon ng Baguio City LGU
02:26na nabawasan ng 30 to 50% ang mga bus trips sa Baguio
02:30dahil sa pag-alagwa ng presyo ng petrolyo.
02:33Malaki talaga yung tinomal ng biyahe.
02:37Kasi last year, halos pagdating namin ng terminal balik agad
02:42kasi maraming pasahero.
02:43E ngayon, wala talaga.
02:45Pagkakaunti ang pasahero,
02:47tinatransfer na lang namin dun sa susunod na bus
02:50kung talagang kaunting-kaunti.
02:56Iban, simula kaninang umaga hanggang hapon.
02:59Medyo malinsangan pa rin po yung panahon sa Baguio
03:02pero unti-unti nang lumalamig
03:04at inaasahang aabot ng mga 18 to 19 degrees Celsius
03:07ang temperatura dito mamayang gabi.
03:09Samantala, nag-abiso po yung Benguet Electric Cooperative
03:12na magkakaroon ng scheduled power interruption
03:15sa ilang bahagi ng Benguet
03:16kabilang na ang piling mga lugar dito sa Baguio City
03:20mula Lunes Santo hanggang Merkules Santo
03:22dahil sa pagkukumpuni ng mga kawad at poste.
03:26Yan muna alitas mula rito sa Baguio City.
03:28Balik sa'yo, Iban.
03:30Maraming salamat.
03:32Bay up in luck.
03:34Bay up in luck.
03:37Bay up in luck.
03:37Bay up in luck.
03:38Bay up in luck.
Comments

Recommended