Skip to playerSkip to main content
24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit http://www.gmanews.tv/24orasweekend.

#GMAIntegratedNews #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Hindi lang po ang mga sementeryo ang dinagsa sa Baguio City.
00:04Ngayong undas weekend, pwede pati po yung mga pasyalan.
00:06Kaya po ang ilang kasad na bumigat ang daloy ng trafico.
00:10At mula sa Baguio City, nakatutukla si Sandy Salvatore ng GMA Regional TV.
00:15Sandy?
00:18Pia, naglalaro sa 16 hanggang 20 degrees Celsius ang temperatura dito sa Baguio City ngayong weekend.
00:25Ang ilang nakatatapos lang bumisita sa mga sementeryo, dumediretso sa mga pasyalan para makapag-unwind tulad na lang dito sa Burnham Park.
00:35Sa loob lang ng apat na oras mula nitong alas 7 ng umaga, nag-driple ang mga dumalaw sa Baguio City Public Cemetery,
00:43kung saan mahigit 15,000 ang nakahimlay.
00:45Hindi na wala ang salo-salo ng mga pamilyang bumisita sa puntod na mga yumaong kaanak.
00:50Habang may mga pamilya namang may tradisyon daw na sinusunod.
00:53Gaya ng pamilyang ito na abala sa pagtutupi ng mga susunuging papel na pinaniniwalaan nilang pampaswerte.
01:00Yun kasi ang nakaugalian na namin dito na pumupunta sa puntod, lalong-lala ng mga Chinese.
01:08Yun, nagbabantay ka dito.
01:11Bago magtanghali, bumigat ang trapiko sa mga daang patungo sa mga sementeryo at pasyalan.
01:16Lifted ngayong weekend ang number coding scheme sa syudad.
01:19Expect lang natin na pag-approaching tayo sa mga cemeteries natin, magkakaroon talaga ng congestion.
01:24Likewise, yung mga may dalang sasakyan, expect po natin na wala po talaga tayong maabot ang parking area.
01:31Walang ipinatupad na traffic rerouting scheme ang Baguio City PNP ngayong Undas 2025.
01:36Mas pahihigpitan din daw nila ang pagpapatupad ng kanilang mga traffic ordinance,
01:41katulad na lamang ng no-parking ordinance at ang kanilang king of the road ordinance.
01:45Sa Mangaldan, Pangasinan, dagsana ang mga bumisita sa mga sementeryo alas 6 pa lang ng umaga.
01:52Mahigpit ang pag-inspeksyon sa mga dalang gamit para matiyak na walang maipapasok na mga ipinagbabawal gaya ng patalim at alak.
02:00Sa Kalasyao, Pangasinan, ang ilan sa mga dumalaw sa sementeryo may mga dala ng electric fan.
02:04May libreng sakay ang LGU lalot malayo ang parking area sa mismong sementeryo.
02:10Extended hanggang 10pm ang pagbisita sa mga sementeryo sa Kalasyao.
02:15Pia, bagamat may mga traffic build-up sa mga kalsada, ay manageable pa rin naman daw ito ayon sa Baguio City Police Office.
02:24Yan muna ang mga latest. Balik sa inyo.
02:25Marami salamat, Sandy Salvasone, GMA Regional Tour.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended