Skip to playerSkip to main content
24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit http://www.gmanews.tv/24orasweekend.

#GMAIntegratedNews #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Wala na sa Philippine Air of Responsibility ang Bagyong Isang,
00:04pero perwisyong iniwan nito sa ilang lugar sa Norte.
00:07Nahatak pa nitong habagat na siya nagpaulan sa iba pang lugar sa bansa.
00:11May epekto na rin ang isang low pressure area sa silangan na bansa.
00:15Nakatutok si Bernadette Reyes.
00:21Pinamamadali na mga residenteng iyan na tumawid sa ilog sa Cagayan de Oro City,
00:26sa gitna yung mabilis na pagtas ng tubig sa Bigaan River.
00:31Matapos ang ilang sandali inabutan ng tubig ang pansamantalang tulay na ginawa roon
00:35dahil sa itinatayong Flood Control Project.
00:38Ang lalaking ito humabul pa sa pagtawid.
00:41Pinasok na rin ang tubig ang mga bahay sa tabing ilog.
00:45Ayon sa LGU, may naanod na bahay, taksi at motorsiklo sa mga pagbaha.
00:50Wala namang naiulat na nasa wi o nasaktan.
00:52Wala rin residenteng inilikas dahil bumaba rin ang level ng tubig sa ilog.
00:58Sa makilala kotabato, hirap makatsyempo ng tawid ang mga motoristang iyan
01:02sa kalsadang nalubog dahil sa umapaw na tubig sa spillway.
01:07Maliitan nila ang culverts sa daan, kaya mabilis umapaw ang tubig tuwing umuulan.
01:12Umapaw na rin ang tubig sa spillway sa isang barangay sa bayan ng Lebak Sultan Kudarat.
01:17Pinangangambahan ng mga residente ang pagbaha kung magtutuloy ang pagtaas ng tubig.
01:21Ang mga paghulan sa malaking bahagi ng Mindanao ay dala ng habagat ayon sa pag-asa.
01:27Pero ang nagpaulan sa Davo Oriental ay trough o buntot ng isang binabantayang low pressure area
01:33sa silangan ng bansa ayon din sa pag-asa.
01:36Sa bayan ng Governor Generoso, mabilis na tumaas ang baha.
01:40Nagkumahog ang mga residente na lumikas.
01:43Sa ilang lugar, aabot sa hanggang baywang ang baha.
01:46Nag-sagawa na ang MDRMO ng rescue operation sa mga apektadong residente.
01:51Nag-iwan naman ng ilang pinsala sa norte ang bagyong isang.
01:56Sa Echage, Isabela, hinahanap pa ang isang babaeng hinihinalang nalunod sa ilog.
02:01Nahulog kasi roon ang sinasakyan nitong tricycle kahapon sa kasagsagan ng masamang panahon.
02:06Ligtas naman ang dalawang kasama niya na mangyari ang aksidente.
02:10Sa Santiago City, Isabela hanggang gutter ang baha sa isang palengke.
02:15Bukod sa pagulan, nakadagdag pa sa pagbaha ang mga baradong kanal.
02:20Sa Lubwagan, Kalinga, ganyang kalaking tipak ng bato ang humambalang sa kalsada.
02:26Patuloy ang clearing operation.
02:28Sa Ariyato, Nueva Vizcaya, isang lane lang ng Benguet-Nueva Vizcaya Road
02:32ang nadaraanan ng mga motorista dahil sa landslide.
02:36Sinimulan na ng mga otoridad ang clearing operations doon.
02:39Para sa GMA Integrated News, Bernadette Reyes, nakatutok 24 oras.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended